Coleen Garcia speaks up about boyfriend Billy Crawford’s arrest

Coleen Garcia on handling intrigues and controversies: "There are so many times na sinasabi kong sobra na ‘to, pero never kong sinabi na I just wanna walk away. Because, para saan pa ang mga pinagdaanan ko? I believe that there’s nothing in this life na sobrang great na hindi mo kayang ipaglaban. Everything great is worth fighting for and it comes with struggle also. I accepted that part also…"


Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Coleen Garcia tungkol sa kinasangkutang gulo ng kanyang boyfriend na si Billy Crawford noong September 7.

Matatandaang boluntaryong nagpaaresto si Billy sa mga pulis na nakatalaga sa Taguig Police Precinct 7 matapos manggaling sa isang bar.

Read: Billy Crawford finally reveals reason of his arrest

Marami ang nagtatanong kung bakit hindi kasama ni Billy si Coleen noong oras na iyon. Nagkatampuhan nga ba sila?

Paliwanag ni Coleen sa panayam ni Boy Abunda sa kanya sa The Buzz, “No naman… when I got into the car kasi, he was mad.

“Like, he’s really mad, I don’t know why. So, nagtataka ako, bakit.

“The next day, I woke up, he was in prison. Nagulat na lang talaga ako.”

Noong nasa sasakyan siya ni Billy, saan siya nagpunta?

Ayon kay Coleen, “I got into the car para iwas-away na lang. I knew he was mad.

“My friends brought me home kasi, sabi niya sa friend ko, iuwi na lang ako.”

Hindi siya ang dahilan kung bakit ito nagalit?

Ayon kay Coleen, “No, I thought it was me, the reason.

“So, people were asking me kung nag-away ba kami.

“So, sinasabi ko, noong hindi pa kami nagkakausap na, siguro kasi galit siya sa akin.

“Naging klaro na when I visited him na someone provoked him that night.

“So, nagalit na siya.”



SEX VIDEO? Sinagot din ni Coleen ang isyung diumano’y may kumakalat na sex video niya. Pero kapag binuksan na ang naturang video, lumalabas na hoax lang ito.

Nagalit ba siya nang malaman niya ang tungkol dito?

Saad niya, “No, actually that came out at the height of everything that’s happening to Billy.

“So, dinedma ko na lang siya.

“There were so many other things that I needed to worry about.

“And there are so many other things that I needed to fix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko naman na hindi totoo yun, so when I heard about it…

“I just heard about it. I didn’t click any link or anything.

“Sinabi ko, ‘A, that’s impossible.’ So, I just set aside it na.”

Ilang taon pa lang siya sa industriya, pero napakarami na rin niyang naging isyu at kontrobersiya.

Minsan ba ay nasabi niyang sobra na ‘to at ayaw na niya?

Sabi ni Coleen, “There are so many times na sinasabi kong sobra na ‘to, pero never kong sinabi na I just wanna walk away.

“Because, para saan pa ang mga pinagdaanan ko?

“I believe that there’s nothing in this life na sobrang great na hindi mo kayang ipaglaban.

“Everything great is worth fighting for and it comes with struggle also.

"I accepted that part also…"



BIRTHDAY GIRL. Noong September 24 ay nagdiwang ng kanyang 22nd birthday si Coleen. Pero tila nabahiran ito dahil sa pagkakaaresto at pagkaka-detain ni Billy.

Ano ang birthday wish niya?

Ayon kay Coleen, “Siguro if you’ll ask me a few weeks ago, I would have said peace.

“But now, I guess, I just realized that peace can be found from within talaga and through God talaga.

“Despite everything that’s going around, I used to think kasi na peace is tahimik, solitude.

“But I realized now that peace is dealing with everything in your life and being happy and magaan pa rin ang pakiramdam, and I have that now.”

Kung hindi peace, ano na ang birthday wish niya?

“Siguro good health, nothing material.

“Right now, I realized how much my family means to me. More time to spend with my family.”

Sa huli, nagpasalamat si Coleen sa mga taong sumusuporta at naniniwala sa kanya, lalo na sa pamilya niya.

“Thank you so much, first of all, to my family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thank you so much for being here for me through everything and for being strong also.

“I know it’s not easy.

“Ako lang kasi ang nasa showbiz, yung pamilya ko, wala naman sila sa showbiz, and they don’t really have to be this strong.

“But they are being so strong for me right now and I really appreciate it.

“My family has never been buo. Parang I feel that it made us united din.

“In a way, we’re fighting for each other.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN