Marian Rivera learns to "let go" despite jealousy of others

Sabi ni Marian Rivera, kung may mga tao mang may mga negatibong vibration, ang gusto lang niyang gawin ay ipagdasal ang mga ito. Thankful daw siya sa lahat ng blessings na ibinibigay sa kanya ng Panginoon.


Ang sikat na Dubai-based Filipino fashion designer na si Michael Cinco ang gagawa ng wedding gown ni Marian Rivera.

Si Michael ay nakatrabaho na ng supermodels na sina Tyra Banks at Naomi Campbell.

Ang ilan pang sikat na Hollywood celebrities na nadamitan na niya ay sina Sofia Vergara, Britney Spears, Lady Gaga, Chris Brown, Fergie, at Paris Hilton.

Anong klaseng wedding gown ang ipinagawa niya kay Michael? Medyo conservative ba ito?

Sagot ni Marian, “Hindi naman conservative na OA.

"Ayoko lang na labas yung cleavage, ayoko ng ganun.

"Gusto ko naman na presentable naman ako kay Lord."

Ayaw naman daw kasi ng Kapuso Primetime Queen na habang idinadaos ang kasal ay hindi mapakali ang pari dahil sa sexy ang kanyang bridal gown.

Dagdag pa niya, “Sinabi ko na kay Michael ang gusto ko at nagkaintindihan kami talaga.

"So, mag-i-sketch siya at ipapadala niya sa akin bago niya gawin."

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media galing sa Maynila si Marian sa presscon nito kahapon, September 28, kaugnay ng Kapuso Adopt-A-Bangka Project, sa Lewis Grand Hotel, Clark, Pampanga.



VERY POSITIVE YUNG REACTION. Masaya rin si Marian na positibo ang naging pagtanggap ng karamihan sa pag-iisang dibdib nila ni Dingdong Dantes.

Aniya, “Happy... it’s about time din naman at 30 years old na rin ako.

“And marami nang biyaya na ipinaramdam sa akin si Lord. It’s about time naman siguro.

“Sabi ko nga, ’pag nag-uusap kami ni Dong, ‘Ano pa bang pangarap mo, ano pang gusto mong mangyari?’

“Sabi ko, sobrang dami na ng blessings na ibinigay ni Lord na parang ang buhay talaga sa showbiz, parang gulong talaga minsan. Nasa baba ka, tumaas ka ulit, gumilid ka.

“Sabi ko, parang after na lumipat ako sa Triple A, ang daming magandang nangyari sa buhay ko, ang daming endorsements muli na bumalik sa akin na akala ko wala na, tapos na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naranasan ko na ulit lahat.

“Sabi nga ni Mama, ’Be thankful kasi lahat ipinaranas na sa ’yo ni Lord.’

"So, walang dahilan para magreklamo ako.

"Kung ano mang ibinigay sa ’yo, yakapin mo ‘yan.

“So, nag-usap kami ni Dong, ‘Alam mo, isa lang ang pangarap ko na gusto ko matupad—ang magkaroon ng pamilya, magkaroon ng anak.’”

“HINDI AKO MAPAPAGOD SA HONEYMOON…” Tungkol naman sa reception pagkatapos ng kanilang kasal, marami raw surprise na inihanda si Dingdong.

Saad niya, “Nahihiya nga ako, pero sabi ni Dong, ‘Gagawin ko ‘to not to please everyone, but to please you.”

Nagkatuwaan naman ang media at si Marian nang mapag-usapan na ang tungkol sa kanilang honeymoon.

Gusto raw kasi ni Marian na kung makakaya niya ay "basketball team" ang bilang ng kanilang magiging supling.

Natatawa niyang sabi, “Sana, hanggang kaya ko!”

Kaya naman daw sa unang gabi pa lang ng kanilang kasal ay gagawa na sila ng hakbang, baka raw sakaling makabuo.

Sabi ni Marian, “Hindi ako mapapagod sa honeymoon, yun nga yung nilu-look forward after, e.

“Ay, hindi talaga ako mapapagod dun, after ’I do,’ ay, hindi talaga!”

OBJECT OF ENVY. Bubukod ba kaagad sila ng bahay matapos ang kasal?

Tugon ni Marian, “Depende sa aking asawa kung ano ang kanyang naisin.

"Ako kasi, kahit saan ako, e, hindi ako maarte sa ganyan, e.

"Pero siyempre, iba pa rin ang bahay.

“May bahay kasi siya, may condo ako, ’tapos meron pa siyang isang bahay.

"So, ewan ko, bahala na."

Basta masaya lang daw siya sa bagong kabanata ng buhay na papasukin nila ng Kapuso Primetime King.

Saad ni Marian, “Ang sarap kayang maging masaya, pangarap kaya lahat ng tao ’yan?”

Ano naman ang reaksiyon niya na maraming babae ang kinaiinggitan siya ngayon?

Nakangiting sagot ni Marian, “Inggit? May inggit kasing maganda, may inggit na hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May kilala ka ba?” balik-tanong pa niya, na nagdulot ng tawanan sa venue.

Dugtong pa niya, “Hayaan na lang ang mga bagay-bagay.

"Minsan ’pag sobrang saya mo na sa buhay, ’pag merong mga maliit na bagay na may hindi maganda, hindi mo na mapapansin ‘yan, e.

“Sasabihin mo na lang, ’Ipagpi-pray na lang kita, ha. Masarap maging masaya, ha, try mo.’”

Tanong ng media: So, ipinagpi-pray mo siya?

Tanong din ni Marian, “Sino siya? Sino siya?"

Pero dagdag niya, “Kumbaga, kung ako, ha, I let go, hayaan na lang.”

Wala namang binanggit na pangalan si Marian at ang media sa presscon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN