Sexy star Jennifer Lee reveals breakup with Ara Mina’s ex

Jennifer Lee is only 29 but feels she’s past her pin-up girl days. "Sila naman ngayon," she says about Viva’s 10 Most Provocative Ladies.


"Single" na naman ngayon ang status ng dating Viva Hot Babe na si Jennifer Lee.

Isang taon din ang naging relasyon nila ng negosyanteng si Raymond Yap, na dati namang boyfriend ng singer-actress na si Ara Mina.

Si Ara ay limang buwan buntis ngayon sa kanyang current boyfriend na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennifer sa press launch ng Bare magazine, sa Eclipse Entertainment Lounge ng Solair Resort & Casino, naging bukas siya sa pagpapahayag ng kanyang saloobin tungkol sa katatapos pa lang niyang relasyon.

Lahad niya, "One year kami, pero not meant to be.

"Yeah, siya yung ex ni Ara, pero two years na silang break ni Ara nang maging kami.

"Okay lang naman ako. I’m sure meron pa naman ’yan [na para talaga sa akin].

"Hindi naman ako in a hurry."

Bakit nga ba sila naghiwalay?

Sagot niya, "Mabait naman siya, wala lang talaga siguro kaming chemistry.

"I mean, dun sa one year namin, happy naman ako during those times.

"Meron lang siguro akong hinahanap na... you know."

SHORT-LIVED ROMANCES. Bago kay Raymond ay nakipaghiwalay din siya sa boyfriend niyang itinago niya sa initial na "RV."

Kaya tuloy marami ang nagtatanong kung bakit wala siyang nagtatagal na relasyon.

Paliwanag naman ng sexy star, "Hindi ko rin alam, e.

"Focus lang kasi ako sa career at sa mga negosyo ko.

"Pero before Raymond, ginive-up ko na rin ang career ko.

"May tendency kasi ako na mag-walkout in an argument, they don’t like it.

"Like, yung date nga namin ni RV, dahil nag-walkout ako, sabi niya sa akin, ’If you walk out on me, don’t text me, it’s over.’

"E, nag-walkout ako.

"Siguro mataas ang ego ko... I don’t know, happy naman ako."

Biro namin, baka maging old na siya niyan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng 29-year-old Viva contract star, "Hindi naman.

"Usually ngayon, nag-aasawa ang mga babae sa edad na 33, or 35, ’di ba?

"So, keri lang yun."

MARRIED BABES. Hindi ba siya naiinggit sa ibang former Viva Hot Babes na mayroon nang kanya-kanyang pamilya? Katulad nina Katya Santos, Maui Taylor, at Andrea del Rosario.

Aniya, "Si Katya, she’s married.

"Pero si Maui, hindi pa ’ata kasal, pero may baby na siya.

"Kahit hindi siya married, they are a happy family naman.

"’Pag nagkikita-kita nga kami, we usually see each other pa naman, yun, puro kantiyaw.

"’Tapos, nang-iinggit pa.

"Timing lang talaga siguro."

Puwede naman na anak muna at saka na ang kasal.

Bulalas niya, "No offense, gusto ko muna kasal, bago baby.

"Medyo conservative pa rin ako sa ganyan, pero if it happens, ’di ba?

"Hindi mo naman puwedeng... sunod na nga lang ang kasal."

VIVA SEXY STARS. Sa puntong ito, tinanong namin si Jennifer kung bakit hindi siya sumabay sa pagrampa ng Bare pin-up girls?

Sila ang bagong Viva sexy stars na binansagang "Viva’s 10 Most Provocative Ladies."

Ito ay sina Roxanne Barcelo, Yam Concepcion, Chloe Dauden, Ashley Rivera, Danielle Castaño, Phoebe Walker, Sheng Belmonte, Jericka Martel, Jourdanne Castillo, at Kharla Ramos.

Nakangiting sabi ni Jennifer, "They are beautiful girls, sila naman ngayon.

"Alam mo naman ako, ’pag rampa, rampa talaga!

"Nung makita ko sila, it brought back memories, those were the days.

"Yung girls ngayon, ’di lang sila beautiful and sexy, they also have nice personalities talaga.

"Kahit hindi kami nagkikita madalas sa Viva, but when they see me, sila mismo ang nagha-’hi.’

"They’re all very down to earth."

Sa sampung provocative Viva talents, may pinakapaborito ba siya?

Sabi niya, "Everyone’s naman nice.

"But I’m close to Chloe ’cause nagkasama kami sa worksop.

"And si Yam kasi, we hang out before, yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, si Roxanne."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN