Regine Velasquez says hosting Bet Ng Bayan reminds her of Mang Gerry

Lalo raw nanariwa sa isipan ni Regine Velasquez ang kanyang mga naranasang hirap noong sumasali pa siya sa amateur singing contests dahil sa Bet ng Bayan.


Maraming nakatagong talento sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.

Ito raw ang kaibahan ng Bet Ng Bayan sa ibang reality talent shows dahil ang show mismo ang umiikot sa iba’t ibang lugar sa bansa upang magdaos ng audition, selection, at regional finals.

May mga nagnanais daw kasing sumali sa mga ganitong klaseng pakontes sa telebisyon ngunit walang pamasahe at kapasidad na bumiyahe papuntang Maynila.

Ngayon, sa pamamagitan ng show na ito ng GMA Network, may tsansa na silang makipagtagisan ng galing sa pagkanta, pagsayaw, at kakaibang talento.

Sa grand presscon ng Bet Ng Bayan na idinaos kaninang tanghali, September 30, sa Studio 7 ng GMA Annex Building, sinabi ng hosts ng show na sina Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards na ang kanilang contestants ay sa kanilang programa lamang unang sumali.

Mapapanood ang Bet Ng Bayan simula October 5 sa Kapuso Network.

EARLY STRUGGLES. Pagkatapos ng presscon proper, sinariwa ni Regine ang pinagdaanan niya noong sumasali siya sa mga singing contest.

Six years old pa lang daw siya noong nagsimula siyang sumalang sa mga amateur contest, kasama ang amang si Mang Gerry.

Pero sabi niya, malayo talaga ang pagkakaiba noong kanyang panahon kaysa ngayon.

Ayon sa Asia’s Songbird, “But now kasi, it’s easier now for performers to get known because of the network.

“May YouTube pa, so it’s easier now.

“So, if I were just starting, I would join also this kind of contest.

"It’s the best way to be discovered, I think.

“It’s the best way lalo na ngayon.”

Pero kahit malaki na raw ang ipinagkaiba, hindi talaga malilimutan ni Regine ang kanyang mga pinagdaanan noon.

Saad niya, “You know, I’ll always remember that.

"Also kasi, you know, when my father died, you know, somehow bumalik ako dun.

“Kasi that was our time together, you know, that we were struggling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We had so much fun—him and me.

“Pumupunta kami, bumibiyahe kami, siguro nakarating na kami ng kung-anong bundok dalawa.

"But we had so much fun.

“Arayat... ewan ko ba ang layo-layo, yun lang ang natatandaan ko.

"Yun bang pawala nang pawala yung daan.”

Ngayon, sa Bet Ng Bayan, pinupuntahan ni Regine ang regional finals.

Samantalang si Alden naman ay sa mga selection at audition, pati na ang regional finals kung saan nagsasama na silang dalawa bilang hosts.

Napuntahan na ni Regine ang finals ng Naga at Pampanga.

Ano ang mga naaalala niya sa mga biyaheng ito?

Saad niya, “It’s like I’m going back there talaga when I started.

"Lalo na ngayon, kasi wala na yung tatay ko, so naaalala ko talaga siya.

“So, iba talaga yung excitement na naibibigay ng contest.

"Iba ang contest, e, hindi kagaya ng performance lang, e.

“Kasi ito, kailangan mong manalo... ang performance, e, kung maganda ang performance mo, papalakpakan ka.

"Iba yung challenge nito, it’s exciting, nakakabuhay siya ng dugo, and you always give your best talaga.”

Marami na raw nakita si Regine na outsanding talents mula sa mga finalist at ipinagpasalamat niyang hindi siya ang hurado.

"You know, it’s a good thing I’m not a judge.

“Kasi I really wouldn’t… I wouldn’t know how to choose.

"Kasi it’s very hard, kasi parang naki-contest din ako, e, nakiki-relate din ako dun sa mga pinagdadaanan ng mga bata.

"It’s very hard," ulit niya.

Mat tatlong tsansang manalo ang mga kasali sa show dahil may tatanghaling tatlong winners sa tatlong categories—Bet na Singer o Singers, Bet na Dancer o Dancers, at ang Bet na Kakaibang Talento.

EVA CASTILLO. Masaya namang ibinalita ni Regine na medyo maayos na ang kalagayan ng kanyang mortal na karibal noon sa mga amateur singing contest na si Eva Castillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Singer Eva Castillo diagnosed with kidney tumor; needs help

Na-diagnose kasing may kidney tumor si Eva at hindi naman nag-atubiling magpaabot ng tulong si Regine dito.

Saad niya, “She’s out. She’s okay.

“Okay naman, okay naman.

"She’s home now, tumulong din yung nanay ko. Tinulungan din siya ng nanay ko.

“Okay na din siya so, hopefully, magtuluy-tuloy lang yung kanyang recovery.”

Nakangiti naman si Regine nang matanong kung siya ba ang gumastos lahat para sa pagpapagamot ni Eva.

Ayaw raw niyang pag-usapan ito. Basta okay na daw lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN