Barbie Forteza on entertaining suitors: "Walang nagpu-pursue!"

Barbie Forteza on her ideal boyfriend: “Gusto ko may respeto, hindi lang sa akin kundi pati kina Mama at sa pusa ko. ’Tapos, gusto ko pilyo. Pero ‘pag usapang problema, seryoso. Saka gusto ko lagi kong nakakausap. Kasi ang hirap mag-isip na, ‘Ano bang nangyari sa kanya? Ganyan-ganyan.’ So, gusto ko lagi akong ina-update, lagi akong kinakausap.”


Sa edad na 17, walang dudang dalaga na nga si Barbie Forteza.

Pero ayon sa Kapuso young actress, may mga pagkakataong nagagawa niyang maging dalaga at minsan ay bumalik sa pagkabata.

“Depende po kasi sa suot, e.

“’Pag nasa limelight ako or nasa trabaho, dalaga po ang feeling ko.

“Pero ‘pag nasa bahay lang ako, bata po ang pakiramdam ko.

“Ang ayaw ko lang sa pagdadalaga, yung magsusuot ka ng mataas na heels.

“Pero wala naman pong choice, kailangan talaga para magmukhang matangkad at yun ang trend. Tiis na lang.”

Ano ba ang mas gusto niya—yung mag-feeling dalaga na o mag-feeling bata pa?

Sagot niya, “Gusto ko na tratuhin ako ng iba na matanda na, pero ayoko ng ayos-matanda.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa GMA Studios matapos ang live appearance niya sa Sunday All Stars noong Linggo, September 28.



NO SUITORS? Dahil blooming ngayon si Barbie, inalam namin kung mayroon na bang nanliligaw sa kanya.

Tumawa nang malakas ang young actress at ibinuka ang bibig, na ang ibig sabihin ay “nganga” o sa simpleng deskripsiyon ay “wala.”

Allowed na ba siyang magpaligaw?

Mabilis niyang sagot, “Oo naman. Allowed na, matagal na.

“Hindi naman istrikto sina Mommy sa ganyan, e.

“Wala lang talagang time pa.”

Ibig bang sabihin, hindi siyang puwedeng dalawin sa bahay kung may aakyat ng ligaw?

Tugon niya, “Walang nagpu-pursue!

“Hindi naman… siguro lang hindi ko napapansin at hindi ko rin nararamdaman.”

Marami bang nagpaparamdam sa kanya?

“Hindi… hindi ko nga po alam, e.”

Wala bang nagpapahiwatig sa mga kasamahan niyang male young stars sa GMA?

Sabi ni Barbie, “Wala naman. Okey lang naman ako.

“Saka hindi ko rin naman inoobliga ang sarili ko na kailangan magpapaligaw ako.

“Kasi marami rin naman akong ginagawa din.”

Hindi siya aware na may nanliligaw sa kanya?

“Hindi sa hindi ako aware… wala talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Or siguro, ang trato ko sa kanila, yung nagpaparamdam sila, tawang-tawa pa ako sa kanila. Baka ganun.”



BARBIE’S TYPE. Baka naman nai-intimidate ang mga lalaki sa personality niyang medyo suplada?

Tanggi ni Barbie, “Hindi, hindi naman ako suplada.

“Kung natatakot sila sa akin or pangungunahan sila ng takot, hindi sila deserving.”

Baka naman protective ang mga magulang niya?

“Ay, hindi! Hindi talaga. As in okey sila sa ganun.

“Nagtataka nga sila kung bakit wala pa raw akong lovelife.

“Hindi naman sa gusto na nila akong magka-boyfriend or what? Nagtataka lang sila, kasi nga sa edad ko, wala pa.”

Mapili ba siya?

Tugon niya, “E, may mga bagay na kailangan talagang pag-isipang mabuti.”

Anu-ano ba ang mga hinahanap niya sa isang lalaki na magiging boyfriend?

Ayon kay Barbie, “Gusto ko may respeto, hindi lang sa akin kundi pati kina Mama at sa pusa ko.

"’Tapos, gusto ko pilyo. Pero ‘pag usapang problema, seryoso.

“Saka gusto ko lagi kong nakakausap.

“Kasi ang hirap mag-isip na, ‘Ano bang nangyari sa kanya? Ganyan-ganyan.’

“So, gusto ko lagi akong ina-update, lagi akong kinakausap.”

Ang ibang mga kasamahan niya sa Tween Hearts ay nagka-boyfriend na; gaya ni Bea Binene na ang boyfriend ay si Jake Vargas, si Louise delos Reyes na naging kasintahan si Enzo Pineda, at si Joyce Ching na naging boyfriend si Kristoffer Martin.

Hindi ba siya naiinggit sa kanila?

Sabi ni Barbie, “Hindi naman sa naiinggit.

“Pero natutuwa ako sa para kanila at nari-realize ko na, ‘Oo nga, ‘no, bakit sila meron?’

“Pero hindi naman ako naiinggit.”

May takot ba siyang pumasok sa relasyon dahil sa mga pinagdaanan ng ilan sa mga kaibigan niya na nauwi rin sa breakup?

“Actually, excited ako…

“Kasi, base sa mga kuwento nila, may mga problema, may mga nagkakaayos, may mga nag-aaway.

“Nae-excite akong maramdaman yun.

“Siyempre, nandun pa rin yung takot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung matatakot ka all the way, walang mangyayari sa iyo.

“So, isipin mo na lang siya na challenge at consequence.”

Kailan ka magiging ready na magkaroon ng boyfriend?

“Anytime… basta yung makakarelasyon ko, kaibigan ko rin.

"Gusto ko, makilala ko muna siya. Hindi yung yun agad.”



ANDREI PARAS. Si Andrei Paras ang leading man ni Barbie sa The Half Sisters. Hindi ba ito nanliligaw sa kanya?

“Hindi… hindi naman.

“Hindi naman kami napi-pressure sa bagay na ‘yan na ‘pag magka-loveteam, kailangan kami din sa totoong buhay.

“Basta kami, nag-e-enjoy lang kami.

"Yun ang gusto ko kay Andrei.

“Hindi niya inoobliga yung mga sarili namin na maging more than friends dahil on cam, e, ganun yung ipinapakita namin.”

Pasado ba sa stanadard niya si Andrei?

“Oo, makulit siya, pero gumagalang naman kina Mama.

“Nakakatawa, mabait… gentleman in a way.”

Medyo nag-alinlangan lang si Barbie na sabihing “gentleman” sa kanya si Andrei.

“Baka kasi hindi niya ako nakikita sa tangkad niya,” biro niya.

Kung sakali mang manligaw si Andrei, tatanggapin niya ba?

Sagot ni Barbie, “Bakit naman hindi?

“Kung kaya ba naming i-manage yung trabaho namin at hindi makakasira sa working relationship namin, bakit hindi?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN