Governor Vilma Santos flattered by high score in 2016 elections poll; insists, "As of now, no political plans."

According to Pulse Asia’s latest survey for May 2016 national elections, some celebrities who are expected to make their senatorial bid include Vilma Santos, Manny Pacquiao, and Dingdong Dantes.


Ngayon pa lang ay matunog na ang pangalan ng ilang showbiz personalities na inaasahang kakandidato sa May 2016 national elections.

Una na rito si Batangas Governor Vilma Santos-Recto na sinasabing malaki ang pag-asang manalo bilang senador sa 2016.

Ito ay base sa Pulse Asia survey na sinagutan ng 1,200 respondents mula September 5 hanggang September 18, 2014.

Lumabas ang resulta ng naturang survey noong September 29.

Nakasaad dito na “out of the 57 individuals who are part of the senatorial probe, only 15 have a statistical chance of winning.”

Isa si Governor Vi sa nakakuha ng may pinakamataas na boto sa listahan ng “2016 Senatorial Preferences,” dahil sa nakuha niyang total votes na 44.5 percent.

Ayon pa sa survey, nasa pagitan ng third hanggang tenth place ang posibleng ranking ni Governor Vi.

Bunsod nito, hiningan ng reaksiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Governor Vi at tinanong kung may plano ba siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa May 2016 national elections.

Nagpasalamat ang actress-politician sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng publiko, ngunit sa ngayon ay nakatutok muna raw siya sa mga responsibilidad niya sa lalawigan ng Batangas.

Pahayag ng gobernadora sa ipinadala nitong text message sa PEP ngayong araw, October 1:

“I highly appreciate your trust, but my focus is still Batangas. As of now, no political plans. I thank also my mentor Senator Ralph Recto. Maraming salamat muli sa tiwala ninyo.”

OTHER EXPECTED SENATORIAL CANDIDATES. Si Tito Sotto ang nangunguna sa survey na may pinamagatang “2016 Elections: Senatorial Preference” at nakakuha ng 51.6 percent mula sa total votes.

Pasok din ang Pambansang Kamao at Sarangani representative na si Manny Pacquiao, na may ranking na "11-16", sa listahan ng probable senatorial candidates at nakakuha ng 31.3 percent na boto mula sa respondents.

Kapansin-pansin ding kasama ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes sa mga inaasahang kakandidato bilang senador sa May 2016 elections.

Nasa "28-30" naman ang ranking ni Dingdong, na nakakuha ng 11.1 percent na boto mula sa respondents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat matagal nang may espekulasyon tungkol sa pagsabak ni Dingdong sa pulitika, hanggang ngayon ay wala pang pormal na anunsiyo ang aktor hinggil dito.

Kaugnay nito, matatandaang pinabulaanan ni Dingdong ang usap-usapang may kinalaman ang kanyang nalalapit na pagpapakasal kay Marian Rivera sa diumano’y napipintong pagsabak ng aktor sa pulutika.

Read: Dingdong Dantes denies political motive behind proposal and wedding to Marian Rivera

Ilan pang showbiz personalities na kasali sa survey ng Pulse Asia ay sina Cavite Representative Lani Mercado-Revilla at Taguig Representative Lino Cayetano.

Nasa "14-18" ang ranking ni Lino, na nakakuha ng 27.7 percent na boto, habang si Lani naman ay may ranking na "17-25" dahil sa nakuhang 21.4 percent na boto ng huli.

"2016 ELECTIONS: VICE-PRESIDENT PREFERENCE." Kasama rin si Governor Vi sa listahan ng may labing-isang vice presidential candidates sa 2016.

Ika-anim si Governor Vi para sa naturang kategorya at mayroong six percent na boto mula sa respondents.

Ang TV5 owner na si Manny Pangilinan ay pang-labing-isa sa listahan at nakakuha ng two percent na boto.

Si Senator Bong Revilla, na kasalukuyang nahaharap sa kasong plunder, ay pangsampu sa listahan at nakakuha ng three percent na boto.

Kasama rin ang senador sa survey para sa "2016 Presidential Preferences" at nakakuha ng one percent na boto mula sa respondents.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN