Kristoffer Martin taking it slow with non-showbiz girl

"As much as possible, ayoko pa sana ng may mga love scenes… Siguro yung mga kissing scenes, matatawid pa natin," says Kristoffer Martin about the limits he has set to his next projects.


Iba ang ngiti ni Kristoffer Martin kapag tungkol sa estado ng lovelife niya ang naitatanong sa kanya.

Diretsahan naman niyang inamin na may idini-date siya ngayon nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars noong Linggo, September 28.

Kuwento ng Kapuso young actor, “Schoolmate ko siya... non-showbiz para maiba naman.

“Getting to know each other pa lang kami, ganun yung stage namin.

"It’s been months na rin na lumalabas kami.”

Hindi pa raw sila mag-on. Ano ba ang nakakapigil para officially ay maging sila na?

Ayon kay Kristoffer, “Alam naming parehas yung trabaho ko, siyempre ayaw naman niyang makasira.

“We both know na mahirap mag-commit sa isang bagay na hindi mo maibibigay nang buo yung sarili mo, e.”



THOUGHTFUL. Ano ang nagustuhan niya rito?

Sabi ng 19-year-old actor, “Ngayon ko kasi naramdaman yung self-worth ko bilang ako na ipinaparamdam niya.

“Siya kasi yung tipong ano… ma-effort.

"Kapag may sakit ako, nagdadala ng pagkain, dadalaw agad-agad.

"Hindi mo kailangang i-text nang maraming beses.

“’Tapos nakasuporta siya sa lahat ng ginagawa ko, lalo sa trabaho ko, open naman siya.”

Hindi ba iyon nagawa ng ex-girlfriend niyang si Joyce Ching noong sila pa?

Nakangiting sabi ni Kristoffer, “Nagawa naman pero… huwag na nating balikan pa.

“I have nothing against my past.

"Kasi, I admit, siya talaga yung pinakaminahal ko nang seryoso.

“Pero iba yung way ng pagpaparamdam sa akin niya dun sa ngayon,” pagtukoy niya sa non-showbiz girl na nauugnay sa kanya ngayon.

Dagdag ni Kristoffer, “And it’s very different.

"You can’t compare yung atensiyon na ibinibigay nila sa akin parehas."



LESS INTRIGUE. Sa palagay ba niya ay mas okey karelasyon ang non-showbiz?

Tugon ni Kristoffer, “Feeling ko, mas okay, kasi less intriga, kung iintrigahin man, kasi hindi naman artista.

"So, medyo nakakahinga ako nang maluwag na konti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon, siyempre kinikilala ko muna siyang mabuti.

"Well, yung parents ko, approve naman sa kanya.

“Kasi she’s very humble, e. In a way na nalalambing niya yung parents ko.

“Isa ring malaking bagay sa akin ‘yon na nakuha niya agad yung loob ng parents ko.

“At isang malaking plus sa akin yung lahat ng ginagawa niya sa ngayon.

"She’s been giving her very best just to make me feel my worth."

RESPITE. Anim na buwan na ang nakalilipas, pero wala pa ring bagong soap sa GMA Network si Kristoffer.

Huli siyang napanood sa teleseryeng Paraiso Ko’y Ikaw, kung saan naging leading man siya ni Kim Rodriguez.

Marami tuloy ang naiintriga kung bakit natatagalan bago ulit mabigyan ng project ang batang aktor.

Sabi niya tungkol dito, “Siguro kasi ’yon din ang isa sa patakaran ng management.

“Kasi na-explain din naman iyon sa lahat, hindi lang naman sa akin na... cycle kasi ‘yan, e. Hindi naman puwedeng ikaw lagi.

"Hindi lang naman ikaw ang artista ng GMA, so pana-panahon lang, kumbaga."

Okay raw siyang mamahinga sandali dahil naging sunud-sunod ang mga proyekto niya last year hanggang nitong 2014.

Pagkatapos ng Pahiram Ng Sandali ay sumunod kaagad ang Kakambal ni Elyana. Sinundan ito ng Kahit Nasaan Ka Man na nang matapos ay ginawa naman niya ang Paraiso Ko’y Ikaw.

Nag-aaral din si Kristoffer ngayon, at first year siya sa course niyang Entrepreneurship sa San Beda College.

Tuloy pa rin daw ang trabaho niya dahil bukod sa Sunday All Stars, na kanyang regular show, ay hindi rin siya nawawalan ng guest appearances sa iba pang mga programa ng GMA.



NOTHING BAWDY. Pahayag pa ni Kristoffer, “May sinasabi na sa akin na bagong soap daw.

"Maybe magsisimula kaming mag-taping late part of this year ’tapos ipapalabas next year.

“Hindi naman daw kasi puwedeng basta ipasok na lang ako sa kung saan-saang soap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nag-lead na raw ako kaya iniingatan nila yung next na ibibigay sa akin na role o project.

“As much as possible, ang gusto nila ay yung siguradong makakatulong sa career ko ang next project na ibibigay nila."

Dahil iniingatan ng GMA management ang pagbibigay ng project sa kanya, magiging choosy na rin ba siya ng pagtanggap ng projects outside Kapuso network, gaya halimbawa sa pelikula?

Saad ni Kristoffer, “Diyan ako nagpapasok ng limitations ko.

"As much as possible, ayoko pa sana ng may mga love scenes, ganyan.

“Siguro yung mga kissing scenes, matatawid pa natin.

"Pero yung mga extreme na medyo magugulat sila kapag ginawa ko, iyon siguro yung nililimitahan ko ang sarili ko.

“Dapat nga, mag-o-audition ako para sa isang indie film, pero ang story ay tungkol sa isang male prostitute.

“Iyon ang iniwasan din ng GMA Artists Center kasi ayaw nilang maiba ang image ko.

“Ayaw nilang ma-establish ako na ganun na kaagad, kaya hindi muna sa mga ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN