Iñigo Pascual has no problem with dad Piolo Pascual settling down

Iñigo Pascual on his dad Piolo Pascual: "I just love my dad and I just wanted to maximize my time with him. Kasi, 'di ba, hindi naman ako lumaki dito sa Pilipinas and I don't spend much time with him. I just wanted to spend more time with him, that's really all."


Isa si Iñigo Pascual sa celebrities na um-attend ng premiere ng Hari Ng Tondo kagabi, September 30, sa SM North Edsa The Block.

Si Iñigo ay anak ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual na unti-unti na ring sumasabak sa showbiz.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Iñigo tungkol sa balitang nag-audition siya para sa isang boy band sa Amerika.

Saad niya, “I am not allowed to talk much about it po, pero yun nga po, I did audition for a boy band in the States, in Nashville [Tennessee].

“I made it to three rounds of auditions… I am not saying that I will be signing with the band.

“That is where the band is going right now, that is what we’re looking at, so hopefully everything works out.”

Ano yung magiging takbo ng career niya sakaling makasali siya sa boy band na ito?

Sagot ni Iñigo, “It depends po.

“Hopefully, it will be successful, that’s what we are hoping for.

“If not, God has always a plan.”

Ano ba ang mas gusto niya—ang maging miyembro ng isang boy band o maging isang aktor katulad ng kanyang ama?

Pahayag niya, “You know, ever since I was a kid, I always wanted to be in a boy band.

“Ever since One Direction came out, actually I wanted to be in a boy band, and it’s been like a dream come true.

“But this acting thing, what my dad is doing, when I was a kid, watching what he’s doing, I said to myself that I will do the same thing.

“It’s just crazy that it finally happened po.

“Both of them is a dream come true for me.”

Kung sakaling matanggap siya bilang miyembro ng boy band sa States, iiwan ba niya uli ang Pilipinas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Iñigo, “I talked to my mom about that and we said, that if I have time to come back here to shoot a film or something like a short project, and if it's possible, why not po?”

 

 

THE AGREEMENT. Sa isang interview ay sinabi ni Piolo na may kasunduan sila ni Iñigo na kapag 18 na ang anak ay saka pa lang niya ito papayagang pumasok ng showbiz

Seventeen years old pa lang ngayon si Iñigo, pero nakagawa na siya ng isang indie film, ang Relaks, It Just Pag-ibig.

Mabuti’t pinayagan siya ng kanyang daddy na gawin ang pelikula?

Saad ni Inigo, “Sabi nga nga po, ‘pag nag-eighteen na ako.

“But he’s slowly letting me join, and I don’t know why.

“He said last night nga po, that he can’t stop me anymore.

“Parang, like, ‘We have a deal, but I can’t stop you if this is what you want.’

“And he is very supportive about it and very helpful in whatever I’m doing.”

Hindi ba dumating sa point na nagkaroon sila ng argumento na gusto niyang pumasok sa showbiz, pero ayaw muna ng dad niya?

Aniya, “We always have arguments, but we had some talk about it na.

“He said he is not allowing me to do it because I’m I school.”

Sa isa ring interview ni Piolo ay sinabi niyang mahalaga ang opinyon ni Iñigo pagdating sa kanyang lovelife.

Mas gusto raw kasing sulitin ni Piolo ang kanyang oras para sa anak bago niya pagtuunan ang lovelife.

Sabi ni Iñigo tungkol dito, “You know, I don’t really know what to say.

“I just love my dad and I just wanted to maximize my time with him.

“Kasi, ‘di ba, hindi naman ako lumaki dito sa Pilipinas and I don’t spend much time with him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just wanted to spend more time with him, that’s really all.

“I don’t know what to say…”

Okay lang ba sa kanya na ikasal ang ama niya?

“Yeah, I mean that’s life... I guess! That’s all I want to say for now,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN