Billy Crawford shrugs off fake sex video of girlfriend Coleen Garcia

Billy Crawford on his present condition: “I’m very, very good, I’m happy. Yes, nakapagpahinga, balik-trabaho. Medyo nagkasunud-sunod lang ang trabaho, na-pressure lang. I’m definitely happy, I’m blessed.”


Ipinagkikibit-balikat lamang ni Billy Crawford ang sex video hoax ng girlfriend niyang si Coleen Garcia na kumalat sa social media nitong mga nakalipas na linggo.

Nataon pang kasagsagan din noon ng pagkaka-detain ni Billy sa Taguig Police Headquarters dahil gumawa siya ng eksena sa isang presinto doon.

Sabi ni Billy tungkol sa fake sex video ng kasintahan, “Na-timing nga na nasa loob ako kaya wala akong alam…

“Alam ko namang ‘di totoo ‘yan, natawa na lang si Coleen after.

“There are lot of important things to do.

“Nagpapapansin lang ang mga tao, gawa-gawa sila ng mga istorya.

“Wala naman tayong magagawa diyan, walang basagan ng trip.”

Ayon kay Billy, hindi niya tinanong o hindi nila pinag-usapan ito ni Coleen.

Sabi niya, “I don’t have to ask. I’m confident enough na walang katotohanan ‘yan, that it’s not true.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy sa studio ng It’s Showtime noong Lunes, September 29.



LOYALTY. Kinontra naman ni Billy ang sinasabi ng ilan na tila may “sumpa” sa mga host ng It’s Showtime dahil sunud-sunod ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan nila.

Sabi niya, “I don’t believe in that… [God] puts all of us to trials para malaman lang natin na to have faith and to trust Him.”

Nang ma-detain si Billy ay may mga lumabas na espekulasyon tungkol sa babaeng kasama niya noong oras na iyon at ang hindi pagsama sa kanya ni Coleen.

Pero naipaliwanag na ng magkasintahan na ang kasamang babae ni Billy noong ma-detain siya ay kaibigan ni Coleen.

Tapat din daw siya sa relasyon nila ng kasintahan.

Saad ni Billy, “I’m very loyal, you have to be loyal, you know, and you stay with the person that you love.

“I love Coleen and I’m with her.

“Kasama ko that night was Coleen, her friends, and kasama ko yung kaibigan niya, nandun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa pagwawala niya sa presinto sa Taguig ay naghain ng reklamo laban sa kanya ang police authorities sa naturang lungsod.

Handa naman daw itong harapin ni Billy.

“Of course, wala naman akong ginawang masama kaya haharapin ko yun.

“Settlement? That’s not any of my concern, that has to do with my lawyers na lang.”

Kumusta na siya ngayon? Nakapagpahinga na ba siya?

Sagot ni Billy, “I’m very, very good, I’m happy.

“Yes, nakapagpahinga, balik-trabaho.

“Medyo nagkasunud-sunod lang ang trabaho, na-pressure lang.

“I’m definitely happy, I’m blessed.”



COLEEN’S BIRTHDAY. Samantala, nagdiwang ng kanyang ika-22 kaarawan si Coleen noong September 22. Ano ang ginawa nilang celebration para sa birthday ng girlfriend?

Ayon sa singer/TV host/actor, “Ang request lang niya talaga is to spend time with her family, to have a blessed birthday.

“We had dinner, both sides of the family.

“Simple lang, it’s just really simple, that’s it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN