Mikael Daez clueless about rumored extension of Megan Young’s reign as Miss World

Mikael Daez on settling down: “Well, siyempre noong hindi pa tayo artista, sinasabi ko na gusto ko nang magpakasal bago ako mag-twenty-five. Kasi, yung mommy ko at ang daddy ko, ganun. Akala ko, yun din ang gusto ko. Siyempre, nag-a-adjust lahat depende sa ganap. So, nandito ako sa work ngayon at kailangan pigain ko muna kung anong image ang meron sa akin. Sayang naman, ‘di ba? Minsan lang dumarating ang opportunity na ganito, so itinabi ko muna yung thought na yun.&


Wala raw alam si Mikael Daez sa kumakalat na balitang ie-extend daw ang reign ng rumored girlfriend niyang si Megan Young bilang Miss World.

Pahayag ng Kapuso actor-TV host, “Well, for me, ang masasabi ko lang diyan is I don’t know.

“Wala akong alam at wala akong naririnig.

“And even if may alam ako, hindi ako authority na magsalita tungkol dun.

“So, ayokong mag-confirm.”

Pero ano ang alam niya tungkol sa balitang ito?

Sagot ni Mikael, “Ang alam ko lang, magkakaroon ng Miss World sa December and, after nun, hindi ko na alam.

“Ang alam ko lang na sure, may Miss World sa London this December.”

Kung sakaling totoo ngang mae-extend ang reign ni Megan, ano ang mararamdaman niya?

“Good for her. Ibig sabihin, nagugustuhan siya, so I’m happy for her.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa grand launch ng pinagbibidahan nilang afternoon fantaserye ni Andrea Torres sa GMA, ang Ang Lihim Ni Annasandra, kagabi, October 1.



NO MARRIAGE PLANS. Sunud-sunod ang marriage proposals at wedding ng mga artista ngayon. Siya ba ay wala pang balak magpakasal?

“Wala pa, wala pa!” natawang sagot ni Mikael.

“Well, siyempre noong hindi pa tayo artista, sinasabi ko na gusto ko nang magpakasal bago ako mag-twenty-five.

“Kasi, yung mommy ko at ang daddy ko, ganun.

“Akala ko, yun din ang gusto ko.

“Siyempre, nag-a-adjust lahat depende sa ganap.

“So, nandito ako sa work ngayon at kailangan pigain ko muna kung anong image ang meron sa akin.

“Sayang naman, ‘di ba? Minsan lang dumarating ang opportunity na ganito, so itinabi ko muna yung thought na yun.”

Kailan niya nakikita ang sarili sa ganoong senaryo?

Sagot ng 26-year-old actor, “Hindi ko pa alam.

“Tinatanong ko ang ibang kaibigan kong artista na nagpakasal na o gusto nang magpakasal, sinasabi nila sa akin na, ‘Huwag mong bigyan ng date. Huwag mong sabihin na before ito, hintayin mo lang or pakiramdaman mo lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s either mapi-pressure ka or hindi mo lang masusunod—yun lang ang dalawang mangyayari.”



ANDREA TORRES. “Super excited” naman na raw si Mikael sa pagsisimula ng Ang Lihim Ni Annasandra.

Aniya, “Actually, ako naman, kahit anong project, excited naman ako.

“Pero ngayong narinig ko na ang feedback ninyo [entertainment press], I think this is the first time na narinig ko ang ganitong feedback.”

Kuwento ng isang mortal na tao na nagiging awok o baboy ramo sa gabi ang Ang Lihim Ni Annasandra.

Ito na ang ikatlong pagsasama nina Mikael at Andrea pagkatapos ng Sana Ay Ikaw Na Nga at With A Smile, pero ito raw ang unang pagkakakatong nakagawa sila ng fantaserye.

“First namin ni Andrea na ganito and happy ako dahil, I’m sure, hinulma ng GMA ang teleseryeng ito para mag-fit sa amin, may iba kaming ibibigay.

“So, thankful din ako dahil nagbibigay sila ng material na magagamit namin at puwede kaming magbigay ng kakaibang character na hindi pa namin nagagampanan.

“So, for me, I’m very, very happy talaga.”

Masaya rin daw siya na balik-tambalan sila ni Andrea, pagkatapos gawin ni Mikael ang Adarna kung saan naging leading man siya ni Kylie Padilla.

Sabi pa niya, “I think, may pros and cons talaga working with a loveteam and working with someone new.

“Sa amin ni Andrea, ang daming puwedeng gawing magaganda, especially close talaga kami and maganda talaga ang working relationship.

“If ever, yung SAINN nga, sinasabi na maganda talaga, maganda ang working relationship namin at pareho kaming focus sa work.

“At yung work attitude namin, sobrang tumutugma sa isa’t isa.”

Hindi ba nila inaasam na sa susunod nilang proyekto ni Andrea ay pang-primetime na?

Saad ni Mikael, “Kung mangyayari yun, mangyayari.

“Andrea and I, I know, I can speak for her also, we just give our 100 percent each and every time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi namin iniisip kung saan ilalagay ang soap namin.

“Noong nag-morning kami [With A Smile], it doesn’t matter as long as makita ng GMA, mapapansin nila na we’re working hard, we’re trying to improve, may ibubunga rin yun, may effect din yun.”

Pangatlong pagtatambal na nila ni Andrea, pero talaga bang “for reel” lang ang tambalan nila?

Sabi ni Mikael, “Well, our working relationship is very good.

“May naisip nga ako, parang may na-coin ako at sumakto siya sa description ng relationship namin.

“Personally, she’s a really good friend. In work, she’s one of my best friends.

“On screen, she’s the love of my life.

“So, yun ang sinasabi ko na ngayon.

“Kasi, sa different areas ng life namin, iba-iba trato mo sa kanya.

“So, yun talaga. Ang pinaka-specific at detailed description ko, so far.”

Sa presscon ng Ang Lihim Ni Annasandra, nagpakita ng kaseksihan si Andrea sa production number pa lang nila. Naging kapansin-pansin din ang malaking “hinaharap” ni Andrea.

Hindi ba siya naa-attract dito?

Sagot ni Mikael, “I think, she’s very pretty.

“Kamukha niya si Eva Mendes, sexy!

“But, you know what I like? Ang dali lang makahanap ng magagandang babae, kasi ang daming magagandang babae sa Pilipinas.

“Ang mahirap hanapin sa babae, na hindi mo palaging nakikita sa babae, yung attitude niya, yung mindset niya.

“And para sa akin, gustung-gusto ko ang mindset at attitude ni Andrea.

“Very focused talaga siya and, in a way, turn-on na rin yun.

“Gusto kong makitang focus siya sa ginagawa niya and malaki ang dreams niya, and very impressed ako dun.”

THE RIGHT MOVE. Sa isang banda, may billboards na si Mikael para sa bagong iniendorso niyang brand ng undergarments.

Kumpara sa ibang undergarment pictorials, may pagka-conservative ang larawan ni Mikael sa kanyang mga billboard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung kailangan niyang mas maging “daring” sa pictorial, kaya ba niya?

Sagot ni Mikael, “Nagawa ko naman, sa Cosmo.”

Yung naka-brief lang?

“Kung kailangan naman at ikagaganda ng career, I’m always open.

“Sinasabi ko nga kay Tita Betchay [Vidanes, his manager], sa GMA Artist Center, ‘You know, lahat ng choices na gagawin natin, pag-iisipan natin, pag-uusapan natin. Kung feeling natin, ito ang pinakatamang move, ito ang gagawin natin.’

“I think, pinaka-example na move yung role ko sa Ismol Family,” pagtukoy ni Mikael sa role niya bilang closet gay sa sitcom na ito ng GMA.

“Maraming nagulat noong tinanggap ko yun, ‘di ba?

“Actually, nagulat kayong lahat, pero ang tagal naming pinag-usapan ni Tita Betchay yun.

“‘Eto ang puwedeng mangyari, ito ang hindi. Okey, sige.’

“So, talagang business-like ang atake namin sa mga desisyon namin.

“’Tapos kung sa tingin nila ikagaganda ng career, sige, go tayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN