Alden Richards dismisses talk that he is the reason why Aljur Abrenica wants out of GMA

Alden Richards on being associated with Aljur Abrenica’s move to bolt out from GMA: "Hindi po ako credible para maging rason, para maging isang factor sa decision-making niya sa career niya, especially. So, malayung-malayo po, e, ewan ko kung bakit ako naa-affiliate.


May ilang nagsasabing si Alden Richards ang isa sa mga dahilan kung bakit nais nang kumalas ni Aljur Abrenica mula sa kontrata niya sa GMA Network.

Ayon sa ilang showbiz insiders, nagkakaagawan kasi ng projects sina Alden at Aljur; na ang dapat sana para kay Aljur ay napupunta kay Alden.

Reaksiyon dito ni Alden, “Naku, hindi po, kasi ako po naghihintay.

“Marunong po akong maghintay. Hindi po ako nagde-demand, sa GMA especially po.

“Nagsisimula pa lang naman po ako, three years and a few months na po ako in showbiz.

“Mas alam po ng GMA kung ano yung ibibigay sa aking project.

“Hindi po ako yung mamimili.

“Kasi, for me, parang sign of weakness po yun kapag pinili mo kung ano lang yung makakaya mong gawin.

“So, yung mga hindi ko po nagagawa, iyon po yung gusto kong ma-experience.

“Katulad nga po nito,” pagtukoy niya sa bagong talent search ng GMA na Bet Ng Bayan.

Ibig niya bang sabihin ay “weak” si Aljur?

“Ay, wala po akong sinasabing ganun!” natawang paglilinaw ni Alden.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa presscon ng Bet Ng Bayan noong Martes, September 30, sa Studio 6 ng GMA Network.



CAIN AT ABEL.Ano naman ang reaksiyon ni Alden sa usap-usapang siya raw ang dahilan kung bakit tinanggihan ni Aljur ang pelikulang Cain At Abel na pagsasamahan dapat nila?

Saad ng Kapuso heartthrob, “Hindi ko po alam, e. Hindi ko po alam kung bakit, kung ano nga pong naganap.

“Pero okay naman po, e. Nung nag-workshop kami, very hands-on siya, e.

“Ewan ko po kung bakit biglang, all of a sudden, nagkaroon ng ganitong isyu, tinanggihan niya yung project, and then nag-domino effect sa lahat ng mga kaganapan po sa career niya.

“Pero ewan ko po… I’m very clueless.”

Ano ang nararamdamn niya kapag siya ang naituturong dahilan diumano ng kagustuhan ni Aljur na umalis sa GMA?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, hindi naman po kasi ako talaga, kasi ang layo…” sagot niya.

Para sa kanya ay hindi siya ang dahilan, pero ang iniisip ng iba ay dahil sa kanya. Flaterring ba iyon?

Ayon kay Alden, “Hindi po, wala lang po.

“Kasi, kumbaga, seniority naman po, mas senior siya, si Aljur.

“And hindi po ako credible para maging rason, para maging isang factor sa decision-making niya sa career niya, especially.

“So, malayung-malayo po, e, ewan ko kung bakit ako naa-affiliate.

“Siguro po nade-determine iyon, kasi yung mga projects po na nabibigay sa akin, magaganda.

“Especially nagsimula po ‘yan sa Carmela, One True Love, ‘tapos ngayon po itong Bet Ng Bayan.”

Ang susunod na primetime series ni Alden ay ang Ilustrado, na tungkol sa buhay ni Jose Rizal.

Matagal na raw niyang hindi nakakausap si Aljur.

Sabi ni Alden, “Since po nung ginawa po namin yung Magpakailanman, iyon na po yung huli.”

Ipinalabas ang naturang episode ng Magpakailanman, kung saan gumanap silang magkapatid, noong Marso.



KAPUSO PRINCE. Samantala, ang titulong “Kapuso Primetime Prince” ay kay Alden na umano ibinigay ng GMA.

Pagkatapos kasi ni Dingdong Dantes na tinaguriang Primetime King ay si Alden na ang next in line.

“Naku, ewan ko po, bahala na!” tila nahihiyang reaksiyon ni Alden.

Tanggap na ba niyang siya na nga ang “Kapuso Prince”?

Saad ni Alden, “E, kagaya nga po nung sinasabi ko noon, hindi po talaga ako tumatanggap ng mga kung anu-anong title.

“Kasi, ako po, hinahayaan ko lang naman po yung mga tao po ang magsabi.

“Kayo po, mga press people po, ang magsabi and mga taga-GMA.

“Pero ako po, to myself, hindi ko po puwedeng i-claim, kasi wala po akong karapatan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN