Regine Velasquez advises soon-to-be married couple Dingdong and Marian to be "best of friends"

Regine Velasquez on being a Kapuso: “Happy ako where I am right now. Mabait sa akin ang GMA, e. They’ve been very, very nice to me. Pero hindi natin alam kung ano’ng mangyayari in the future, hindi ko naman alam kung ire-renew pa rin nila ako! ‘Di ba? Hindi ko rin naman sure, so tingnan na lang natin kung ano’ng mangyayari.”


Bilang isa sa magiging ninang sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa December 30, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine Velasquez kung ano ang maipapayo niya sa dalawang ikakasal.

Tugon ng Asia’s Songbird, “They have to be best of friends.

“But from what I can see, they are.

“I think napakaimportante nun na ang best friend mo dapat talaga, yung gumigising sa iyo sa umaga.

“It’s very, very important to always talk.

“So, ang maipapayo ko sa kanila is to be friends talaga and then be lovers.

“And be patient with each other and most importantly, have God in the center of the relationship.

“If they have that, they’re good!”

Dapat ba may itinatago pa rin kahit papaano ang mag-asawa sa isa’t isa?

“Siguro dapat lahat alam, ‘di ba?

“Iyon naman ang concept ng friendship, na wala kang itinatago sa best friend mo.

“Pero a little bit mystery will not hurt.

“Hindi secret, mystery, especially sa babae.”



ROLE-PLAYING. Paano siya maging “mysterious” sa mister niyang si Ogie Alcasid?

“Kunwari inaaway-away ko siya, pero kunwari lang.

“Kunwari nagseselos-selos ako, pero hindi!” natawang sabi ni Regine.

“Dapat may konting tsika na ganun. At role-playing.

“Ang role-playing namin, hardinero siya, ako ang ma’am!

“Minsan ako yung maid, iti-text ko siya, ‘Koya, nalego na po ako!’

“Text ito, ha... ‘Koya, nalego na po ako!’

“You know, it gives excitement to your marriage. It’s nice.

“Pero ano lang ‘yan, sa umpisa lang ‘yan.

“Siyempre pagka matanda na kayo, the one that will last talaga is the friendship. Respect for each other.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa press conference ng bagong reality talent competition ng GMA Network, ang Bet Ng Bayan, noong Martes, September 30.



HOSTING VS. ACTING. Speaking of Bet Ng Bayan, may posibilidad bang mag-guest bilang celebrity judge sa programa niya ang kanyang mister na si Ogie Alcasid, kahit na exclusive talent na ito ng TV5?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Regine, “Bakit hindi, ‘di ba? Kung magpapaalam naman siya, kung magpapalaam naman. Hindi naman imposible.”

Nasa plano ba na maging judge si Ogie sa Bet Ng Bayan?

“Hindi ko lang alam kung nasa plano nila, pero I think doable… I think doable.

“Kasi laging may guest judge lang... malay mo,” sabi niya.

Hindi ba niya nami-miss gumawa ng teleserye?

Ang huling teleseryeng ginawa ni Regine sa GMA ay ang I Heart You, Pare noong 2011. Hindi ito natapos ni Regine dahil nabuntis siya sa anak nila ni Ogie na si Nate.

“Yung umarte-arte? Hindi masyado!” natawang sagot ni Regine.

Ayaw na niyang magpaka-aktres?

“Hindi naman, pero kung mabibigyan nga ako ng magandang project, mabibigyan ako ng magandang role, why not? It depends.”

Ibig bang sabihin, hindi pa siya nao-offer-an muli ng GMA ng isang magandang drama series?

“Yung interesting? Wala pa so far, wala pa so far.

“Kasi hindi naman din ako tatanggi. Wala pa.

“’Tsaka meron pa silang mga gustong gawin.

“And I think, this [Bet Ng Bayan] is the project that they really want for me to do, that’s why ni-reserve talaga ito para sa akin.

“So, happy naman ako doon.

“But next year, we don’t know, we don’t know…”



HAPPY WITH GMA. Ilang taon pa ba ang kontrata ni Regine sa GMA?

“Two-year kasi yung contract ko, this is my second year. Matatapos na yung first… mga next year pa.”

Hindi kaya matsismis na naming aalis na siya sa GMA?

“Lagi namang may tsismis, exciting naman yun, ‘di ba? Hayaan mo na!” tawa na naman niya.

Pero kinukunsidera ba niyang tumawid sa ibang TV network?

Biro ni Regine, “Tumawid? GMA News TV! Ganda ng sagot ko, ‘teh!

“Happy ako where I am right now.

“Mabait sa akin ang GMA, e. They’ve been very, very nice to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi natin alam kung ano’ng mangyayari in the future, hindi ko naman alam kung ire-renew pa rin nila ako! ‘Di ba?

“Hindi ko rin naman sure, so tingnan na lang natin kung ano’ng mangyayari.”

Siya raw ang highest paid artist ng GMA?

“Huwag mong sabihin ‘yan, kasi hahabulin na naman ako ng BIR, bakla ka!” biro na naman niya.



ASIA’S SONBGBIRD. Bilang siya ang nag-iisang Songbird, natanong si Regine, kapag nasa bahay ba ay bumibirit din siya?

Sagot niya, “Minsan sa banyo. Kasi kailangan kong magpraktis, nagbo-vocalize ako.

“’Tapos nakakatawa yung anak ko [Nate], ‘Sing ka, Mom!’

“Kabisadung-kabisado na niya yung boses ko, ‘Sing ka, Mom!’

“’Tapos sasabihin niya sa akin ‘pag gusto niyang magsayaw, ‘Sing ka, Mom, sing ka.’

“’Tapos sasayaw siya. ’Sing, Mom, sing!’

“Gaganun siya sa akin.”

So, si Nate ay magiging dancer paglaki, hindi singer na ’tulad ng mga magulang niya?

“I have a feeling!” at tumawa si Regine.

Papayag ba sila ni Ogie na pasukin din ni Nate ang showbiz?

“E, nasa dugo niya, ano’ng gagawin mo?

“Tatanggihan mo ba yun? Kawawa naman.

“As much as possible, sana hindi pero kung iyon ang gusto niya.”

Samantala, sa Valentine’s next year ay magkakaroon ng hiwalay na concerts sina Regine at Ogie.

Pero ayaw munang i-reveal ni Regine kung sino ang mga makakasama niya sa kanyang concert.

“Hindi ko pa sure, hindi pa sila [the concert producers] nag-a-announce, so I don’t wanna say anything.

“Sure na may Valentine concert, Foursome ulit, pero sino yung foursome?

“Kasi ang asawa ko, may show na, e.

“May iba akong ka-foursome.”

Noong 2013 ay nakasama sina Regine, Ogie ang ex-couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez sa Foursome concert.

This year, 2014, si Martin lang ang nakasama ni Regine sa Valentine concert na Voices of Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ogie naman ay nagkaroon ng solo concert, ang Samahang Walang Ka-Valentine.

Ayon kay Regine, iba ang kasama ni Ogie sa sarili nitong Valentine show next year.

“At susyal yung ka-Valentine show niya, twosome siya!

“Hindi ko muna sasabihin, dapat siya yung mag-announce.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN