Mommy Dionisia still wants to have a baby; boyfriend Michael Yamson rejects the idea

Michael Yamson to critics of his relatiosnhip with Mommy Dionisia: “Marami na ring pinagdaanang batikos, pero still, kailangan naming pagdaanan yun. Kasi, kahit gaano katagal, hindi mo maiiwasan din, nandun talaga ang tinatawag na mga negative sides. Hindi mo sila mapi-please talaga kahit anong gawin mo. So, ang sa amin lang, kami ang magsasama. So, ayusin namin ang pagsasama namin.”


Dinaluhan ng Startalk, showbiz talk show ng GMA Network, ang dedication ng bunsong anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Israel, noong September 28, sa General Santos City.

Ang isa sa pumukaw ng atensiyon sa mga dumalo sa handaan ay ang pagdating ng ina ni Manny na si Dionisia Pacquiao, 65, kasama ang kasintahan nitong si Michael Yamson, 38, isang seaman na tubong-Iloilo.

Nagpaunlak ng panayam ang dalawa at naging open sila tungkol sa nararamdaman nila sa isa’t isa.

Ngayon ay mas kumportable na si Michael na nagpapakita ng pagiging sweet nito kay Mommy Dionisia.

“Honey” pa ang tawagan nila sa isa’t isa at hindi na raw sila naaapektuhan sa mga natatawa, nanlalait, at bumabatikos sa kanilang relasyon.

Pahayag ni Michael, “Marami na ring pinagdaanang batikos, pero still, kailangan naming pagdaanan yun.

“Kasi, kahit gaano katagal, hindi mo maiiwasan din, nandun talaga ang tinatawag na mga negative sides.

“Hindi mo sila mapi-please talaga kahit anong gawin mo.

“So, ang sa amin lang, kami ang magsasama.

“So, ayusin namin ang pagsasama namin.”

Minsan ay nasasaktan din daw sila, pero iniisip na lang ni Michael na hindi ganun kadali ang pagdadaanan nila.

Saad niya, “Minsan naapektuhan, tao ka, naapektuhan ka sa mga comment na hindi magaganda.

“Sabi ko, ’Madadaanan sa ano, sa prayer ‘pag tayong dalawa, e, alam natin kung ano ang nararamdaman sa isa’t isa. Prayer sa gitna nun.’

“Maaano natin, maku-conquer ‘yang tinatawag na trials sa aming dalawa.”

Pahayag naman ni Mommy D, “Siya naman ang nagsabi sa akin na, ‘Hayaan mo na lang yung mga sabi-sabi. Basta ang importante, ako ang kasama mo.

“’Hayaan mo lang, tiisin natin kay di man sila nagdala, ako man. Hayaan mo na lang.

“’Darating ang araw matingnan nila ang ating magsama. Wala nang sabi-sabi, wala nang batikos. Tiisin mo na,’ sabi niya sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



CONVERSATION WITH MANNY. Ang unang concern daw muna nila ay kung paano sila tanggapin ng kani-kanilang pamilya.

Nakausap na raw ni Michael ang ibang anak ni Mommy Dionisia, maliban lamang kay Manny.

Sabi ng boyfriend ni Mommy Dionisia, “Malapit na.

“Yun ang pinaka-wish ko na makapag-usap kami na kami, kahit ano, basta isa sa mga wish ko na makapag-usap na kami.

“Nakapagbigay na ako ako ng message sa kanya noon.”

Singit naman ni Mommy Dionisia, “Darating din ang araw na magkausap sila. Tingin-tingin lang silang dalawa.”

Pagdating naman sa mga magulang ni Michael, nagparating na raw sila ng mensahe na gusto silang makilala ni Mommy Dionisia.

Kaya lang, sa kasamaang-palad, sumakabilang buhay ang ina ni Michael noong nakaraang buwan.

Nakausap na raw ni Mommy Dionisia ang ama ng binata, at naramdaman naman daw niyang tanggap siya.

Kuwento ng ina ni Manny, “Umiiyak ako pagkaalam kong namatay nanay niya.

“Umiyak ako. Sabi ko, ‘Sayang, si Tatay na lang.’

“Pero narinig ko silang dalawa, ‘Huwag kang mahiya, ‘Day... ‘Day na lang ang tawag ko sa ‘yo dahil may Nene na diri, ate niya.

“’Huwag kang mahiya magtawag ng Tatay. Kung totoong mahal mo ang anak ko.’

“Sabi niya, ‘Tanggap ka na namin kahit hindi pa nagsabi si Michael na Mama ka ni Pacquiao, ‘Day.

“’Natanggap na namin kung ano ang gusto ng anak namin, ibigay namin sa kanya. Kasi alaga namin ang anak namin.

“’Kung ano ang gusto niyang naramdaman sa puso niya, ibigay. Hindi kami maghadlang kasi mahirap hadlangan ang puso niya.’”



LIVE-IN PARTNERS. Inamin ng magkasintahan na nagli-live in na sila.

Naghihintay lang daw si Michael ng tawag na sasakay na siya sa barko.

Kaya nagsasama na muna sila sa tahanan ni Mommy Dionisia, at ang tanging libangan lang daw nila ay mag-videoke.

Wala pa raw sa plano ang kasal. Pero sabi ni Mommy Dionisia ay darating din daw sila doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit ayon kay Michael, “Hindi pa pinag-uusapan.

“Ang importante kasi yung magwu-work out, saka maging stable ang relationship namin with the family, both sides.”

Sa loob ng walong buwan ng kanilang relasyon ay napagtanto na raw ni Michael na si Mommy Dionisia ang gusto niyang makasama habang buhay.

Sabi niya, “Hindi ako mahilig mag-promise.

"In God’s grace na pagtibayin yung nararamdaman ko sa kanya, handa akong tumagal sa piling niya.

"Kasi siya na talaga yung napagdesisyunan ng puso ko.

“Kasi ’di ko na kailangan maghanap ng iba para maging masaya ako.


“Sa kanya, masaya na ako, wala nang iba.”



BABY TALK. Sa tono ng mga pahayag ni Mommy Dionisia, parang gusto pa niyang magkaanak sila ni Michael, sa kahit na anong paraan.

Pero ayaw raw ni Michael na mabuntis siya at baka ikamatay lang daw niya ito.

Pahayag ni Mommy D, “Gusto tarang i-inject sa kanyang semilya sa aking kuwan. I-inject na lang. Ayaw niya.

“’Pag magkaanak ka sa edad mo, baka mamatay ka. Wala na akong asawa. Natatakot akong… ayoko,’ takot siya.

“’Di na puwede, ‘Day. Huwag na. Takot ako, baka mawala sa akin, ayoko.’”

Ang mahalaga, sabi ni Michael, masaya silang dalawa lang kahit maraming nagdududa sa kanilang pagmamahalan.

“Mas maganda na yung masaya na kaming dalawa lang,” aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN