Ynez Veneracion on rumors that she’s a call girl: "I don’t care. Patunayan nila!"

Ynez Veneracion waves off rumors about her, even the nastiest ones. She says, "Hello? Dito sa showbiz, ’pag tumaba ka nga dito, buntis ka. ’Pag pumayat ka nga, adik ka... saan ka lulugar?”


Isa si Ynez Veneracion sa sexy stars na nagkapangalan noong dekada ’90 at balitang marangya pa rin ang buhay nito kahit walang regular na acting projects.

Iniintriga nga si Ynez na kaya marangya ang buhay niya, kahit walang gaanong proyekto, ay dahil ibinibenta diumano niya ang kanyang katawan.

Mabilis na reaksiyon nito, “Walang trabaho? May out-of-the-country shows naman, may out-of-town shows naman ako.

"’Tapos nagkakaroon ako sa GMA-7, nagkaroon ako ng Munting Heredera, ten months na nag-air yun.

“Then, Paraiso… so two months yun, regular ako doon, maganda yung role.

“Lately, may mga TV guestings din ako, nag-MMK [Maalaala Mo Kaya]...

“So, hindi ako totally wala.

"’Pag wala akong TV guestings, rumaraket ako sa Japan, sa Dubai."

Aware ba siya sa mga tsismis na "pumapasada" pa raw siya, na ang ibig sabihin nito ay ikinakalakal niya ang kanyang katawan.

“I don’t care. Pasada? E, di patunayan nila... Pasada ba talaga? Saan? Kailan?” sabi ni Ynez.

Madalas daw kasi siya sa abroad at doon ginagawa ang kakaiba niyang "trabaho."

Sabi niya tungkol dito, “Ganun? May mga pictures ako ng mga shows ko.

"Last month, I was in Japan. Nag-show ako doon ng two weeks.

"’Tapos nong nakaraan, kasama ko pa si Andrew E.

“O, tanungin natin si Andrew E.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynez sa press conference ng pelikulang The Janitor, noong Miyerkules ng hapon, October 1, sa Dolce Latte restaurant.

NOT AFFECTED. Hindi naman daw nasasaktan si Ynez sa mga ganitong tsismis tungkol sa kanya.

Saad niya, “There’s no reason to get hurt.

"Kasi I’ve been in showbiz for thirteen, fifteen years already.

"I’m used to it na talaga, hello!

“Dito sa showbiz, ’pag tumaba ka nga dito, buntis ka, e.

"Pag pumayat ka nga, adik ka... saan ka lulugar?”

Inaasam ba niyang mawala na ang ganitong speculations?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Kahit hindi, okey lang. At least, buhay ako.

“Kung saan sila masaya, susuportahan ko sila. Ganun lang yun.

"Kasi kung kokontrahin ko sila or lalabanan mo, pangit pa.

“Parang sabi nga nila, kahit paano, maganda pa rin ako. At bakit raw? Kasi I’m happy.

“’Pag nagpaapekto ako sa ganyan, hindi na ako happy. Hindi ka na gaganda.”

Ayon pa sa usap-usapan, mayroon daw siyang benefactors na Japanese at politicians. Ano ang masasabi ni Ynez dito?

“May mga nanliligaw, oo. Japanese, foreigners...

"Marami talaga, sa States, mga nanliligaw talaga.

“Parang ako ngayon, I collect and then select na lang. Date-date, dinner-dinner.

"Nagdi-dinner nga ako kasama ko ang mama ko, ang best friend ko.

“Kasi nga, kinikilala ko at ’pag meron na talaga, siyempre sino ba naman ang ayaw mag-settle down?

“Sana nga, at the age of thirty-five makapag-settle down na ako, two more years pa.

“So, ngayon, nag-e-enjoy lang naman ako sa buhay ko.”

RELATIONSHIPS. Itong mga suitors, generous ba, may mga regalo na ibinibigay sa kanya?

“Hindi, ako ang nagbibigay sa kanila!” mabilis na sagot ni Ynez na sinabayan niya nang malakas tawa tanda ng kanyang pagbibiro.

Kuwento pa niya, “May naging boyfriend ako na quarter-Chinese siya.

"Yun nga ang nagreregalo sa akin ng mga kung anu-ano, Louis Vuitton...

“Pero it was a serious relationship. When we were together, wala akong naging iba."

Anong nangyari at hindi ito nauwi sa kasalan?

“Nasakal kasi ako, nasanay kasi ako kay Mon [Confiado, her ex-boyfriend].

"Fifteen years kami, hindi ako sakal. Malayang-malaya.

“’Eto, medyo, ’Oy, wait lang, ha? Baka akala mo si Anne Curtis ako? Huwag kang masyadong mahigpit, walang aagaw sa akin.’

“Kasi naman, napakaganda naman ni Anne at ’pag pinaglakad mo sa kahit saan, alam mo namang lilingunin at lilingunin talaga.

"Kumbaga, Anne Curtis is Anne Curtis.”

LOVE CHILD. Mula nang aminin ni Ynez ang pagkakaroon niya ng anak kay Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu, hindi na ito itinago pa ng sexy actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katunayan, sa presscon ng The Janitor, karga ni Ynez ang three-year-old daughter niyang si Princess Keilah bago siya sumalang sa interview.

Kilala naman daw ng anak niya ang daddy nito. May communication ba sila ni Gov. Mangadadatu?

Ayon kay Ynez, “Meron naman, in fairness… responsible naman yung dad. Thankful naman ako kay Lord.”

Kaninong apelyido ang dinadala ng anak nila?

“Sa akin, Del Rosario para aking-akin siya.”

Sinusuportahan naman ng father niya si Princess?

“Oo naman. Kung hindi, e, kumusta naman?

“Minsan sa talk show… single parent, yun ang topic namin, I’ve learned from the lawyer na ’pag walang sustento, puwedeng idemanda.

"Puwedeng ganito, puwedeng ganyan, may kasong ganito, may kasong ganyan.

“Ako naman, hindi naman sobra yung hinihingi ko, yung para lang sa kanya [Princess].

“Sabi ko nga, nabuhay ako na nakaya ko yung sarili ko e.

“Ang sa akin lang, that’s your responsibility.”

Kinukuha ba ni Governor Mangandadatu ang anak nila para ipasyal?

“Hindi, pero ayaw ko. Baka hindi ibalik.

"’Pag hindi ibalik, kawawa naman ako.”

SINGLE PARENTING. Kumusta naman ang pagiging mommy?

Sagot ni Ynez, “Happy, sobrang happy ang pagiging single parent.

"Kuntento ako, fulfilled nang sobra.

“Sana nga, isa pa, lalaki naman. Okey na ako.

“Ang daming nabago. Dati happy-go-lucky lang ako. Hindi ako marunong magluto, labas lang ako nang labas.

“’Tapos ngayon, I cook. I always stay at home. ’Tapos lahat ng bibilhin ko, sa kanya lahat yun.”

Bakit nga ba hindi sila nagkatuluyan o naging married couple ni Governor?

“Masyado siyang guwapo,” na ang ibig niyang sabihin ay maraming naghahabol na mga babae dito.

“Ang akin lang, siyempre mas maganda na may father figure siya.

"At kung wala at hindi din kayang ibigay sana yung mga needs... naibigay naman niya.

“Nandiyan ka nga palagi, wala ka namang naibibigay na needs. Kawawa naman yung baby.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw niya ba talagang magpa-convert sa pagiging Muslim?

“Ay, hindi kaya! Siya Muslim siya,” turo niya sa anak na noo’y papalapit sa kanya.

“Kasi gusto niya [the father], siya ang nagpabinyag diyan, okey lang naman.”

Patuloy pa ni Ynez, nasasambit daw ng anak niya ang pangalan ng ama niya.

“Tatanungin ko siya, ’Kilala mo ang daddy mo?’ Sasabihin niya ang pangalan.

"Pero yun lang, last time na binisita niya, last year February pa.”

Paglilinaw pa rin ni Ynez, ang anak lang niya ang sinusustentuhan ni Gov. Mangandadatu at hindi siya kasama.

“Sakto naman, okey naman.

"I work for myself at ’pag may sobra doon sa kinikita ko, inilalagay ko sa bangko ng anak ko.

"May bank account siya, wala naman akong mairereklamo.”

STILL AVAILABLE. Paano kaya ’pag nag-asawa na siya? Posible bang ipa-legally adopt niya ang anak sa mapapangasawa niya para magamit nito ang surname ng mister niya?

Sagot ni Ynez, “If he’s the one na talaga, why not?

“Hindi na kailangan yun. Ipapaalam ko naman sa kanya bilang respeto.

“Ngayon, kung dumating yun, at least, settle down na kami.

"’Tapos ako, okey na ako.

“Pero as long as gusto niyang makita yung anak niya, wala namang problema.”

Hindi ba siya natatakot na baka siya makapag-asawa at tumandang single parent?

Sabi naman ni Ynez, “Thirty-three pa lang ako, puwede pa yun.

"As long as maganda ka, maayos ang sarili mo, maraming nanliligaw, okey lang yun. I-enjoy mo ang sarili mo.

“Actually, for a time, hindi ko na-enjoy yun, e, nagkaroon ako ng boyfriend when I was eighteen.

“Fifteen years yun na nakulong ako sa ganun.

"Pero ngayon, nung naging malaya ako ay puwede palang i-enjoy ito, puwede pa palang i-explore ang mundo.

“Tumatanda ka nang hindi mo nasusubukan ang ibang bagay.”

GOODBYE TO SEXY ROLES? Samantala, nagpapasalamat si Ynez sa direktor na si Mike Tuviera dahil sa role na ibinigay nito sa kanya sa Cinemalaya award-winning film na The Janitor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat sexy pa rin ang kanyang role, hindi raw nagpakita ng kanyang private part si Ynez, gaya ng ginawa niya sa The Healing, ang horror film na pinagbidahan ni Vilma Santos kung saan inilabas niya sa screen ang kanyang boobs.

First time nga raw gumawa ng pelikula ni Ynez na hindi siya naghubad, bagamat malanding asawa ni Raymond Bagatsing ang karakter niya rito.

Saad pa ng sexy actress, “Sobrang wholesome yung role ko, sexy, pero wholesome.

"Dati may mga ginawa akong sexy films na sobrang sexy na kita yung likod.

“Dito [The Janitor], sexy yung ginawa kong scene, pero naka-dress ako. Unusual, ’di ba?

“Mas gusto ko na nga yung mga ganitong role ko.

"Thankful ako kay Direk Mike na kahit ganun yung role, sexy pa rin at hindi ako nawawala doon.”



NO MORE. Ngayong nabibigyan na si Ynez ng roles na hindi na kinakailangang magtanggal ng damit, hindi na ba siya magbu-bold?

Sagot niya, “Oo naman, kasi matanda na tayo para sa ganyan.

"Although, flattering for me dahil up to now, nakikita nila na puwede pa ako sa ganun.

“’Di ba, usually ’pag ganyan, iba na, mga Cristine Reyes, mga bata?

“Hindi na siguro... siguro ’pag Sharon Cuneta, Nora Aunor [movie], why not?

"Parang yung sa amin ni Ate Vi, at saka importante talaga yung eksena."

Bukas pa naman daw siyang mag-pose sa men’s magazines, gaya ng FHM.

“Okey pa naman ako sa ganyan kung magkakaroon ng offer.

“Dalawang beses pa lang naman akong na-offer-an.

"Sa Guam, may nag-offer sa akin, kaya lang hindi ko tinanggap, medyo grabe yung mga shots.

“Kung ang offer, e, ganito lang o ganyan lang, puwede pa, hindi na yung sobra-sobra.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN