Pam Mendiola not bothered by comparison with sister Jessy: "Proud ako sa sister ko and kahit na ipagkumpara kami ng ibang tao, it will not matter."

“May mga nagsabi sa akin na sana pinalitan ko yung last name ko. Sana hindi raw Mendiola. Naisip ko rin po iyon pero parang mahirap din gawin. Kasi even before na mag-showbiz ako, marami nang may alam na kapatid ko si Jessy. ’Tapos magkamukha pa kaming dalawa... people would only ask me kung sister ko ba si Jessy... Kaya okey na yung Mendiola na rin ako," Pam Mendiola on being compared with sister Jessy.


Hindi na-disappoint ang nakatatandang kapatid ni Jessy Mendiola na si Pam Mendiola noong mag-stop taping pansamantala ang dapat sana’y unang project nito sa TV5 na Pretty Little Liars.

Kaagad naman daw nabigyan ito ng ibang project at ito ay ang Wattpad Presents Mr. Popular Meets Miss Nobody kunsaan nakasama niya sina Mark Neumann, Shaira Mae dela Cruz, at Diego Loyzaga.

Samantala, hindi naman alam ni Pam kung kailan magre-resume ng taping ang Pretty Little Liars.

“Nakapag-taping na kami for three days para sa pilot episode. ’Tapos sinabihan kami na stop taping muna.

“Wala naman silang sinabi na shelve na yung project.

"Sasabihan na lang daw kami kung kailan mag-taping ulit.

“Kaya binigyan muna nila ako ng ibang project and okey lang naman sa akin ‘yon.

“As long as may trabaho tayo at maganda naman ang role, tanggapin lang natin, kasi blessing lahat ‘yan,” sabi pa ni Pam nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa TV Media Center.

Graduate ng kursong International Studies si Pam sa Miriam College noong 2013. Mina-manage siya ng Viva Artist Agency at nakagawa na siya ng ilang TV commercials. Naghu-host din siya ng corporate events.

Malaking tulong nga sa pagsisimula ng showbiz career ni Pam na alam ng marami na magkapatid sila ni Jessy. Mabilis nga raw siyang nakikilala at sinusuportahan din siya ng maraming fans ng kanyang kapatid.

BONDED SISTERS. Pero maganda rin daw na hiwalay sila ng TV station para maiwasan na magkaroon sila ng comparison at walang maganap na sibling rivalry.

“May mga nagsabi sa akin na sana pinalitan ko yung last name ko. Sana hindi raw Mendiola.

“Naisip ko rin po iyon pero parang mahirap din gawin.

"Kasi even before na mag-showbiz ako, marami nang may alam na kapatid ko si Jessy.

“’Tapos magkamukha pa kaming dalawa.

"Kung mag-change ako ng last name, people would only ask me kung sister ko ba si Jessy kasi nga magkamukha kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya okey na yung Mendiola na rin ako.

"Proud ako sa sister ko and kahit na ipagkumpara kami ng ibang tao, it will not matter.

"Sobra kaming close ni Jessy at pati na yung youngest sister naming si Megan.

“Pinalaki naman kami ng mother namin na kailangan nagmamahalan kaming magkakapatid,” ngiti pa ni Pam.

Kuwento pa ni Pam na kahit na may sariling lugar na si Jessy, umuuwi pa rin daw ito sa bahay nila sa may Commonwealth at sa iisang kuwarto sila natutulog.



SHY JESSY. Yun daw ang isang magandang quality ni Jessy—hindi raw ito nagbabago ng ugali kahit sikat na ito.

“Roommates kami ni Jessy noong bata pa kami kaya very close kami.

“Even sa mga gamit, naghihiraman kami, kasi nga magka-size kami ni Jessy mula sapatos hanggang sa mga damit.

“Ang maganda naman kasi kay Jessy, kahit big star na siya, hindi siya naging mayabang.

"Kung makikilala n’yo lang si Jessy, she’s very, very shy.

“Sa aming dalawa, ako ‘yung matsika, ako ‘yung makuwento.

"Si Jessy, tahimik lang ‘yan kaya nagulat nga kami noong bigla siyang naging artista.

"Kasi hindi namin noon nakita sa kanya na may hilig pala siya sa pag-arte,” tawa pa niya.

Mahilig daw mag-share si Jessy ng kanyang blessings sa kanyang pamilya. Kaya naman daw tuluy-tuloy ang blessings na dumarating rito.

“One thing about Jessy, she’s not maluho. Bibili lang ‘yan ng mga kailangan niya.

"Kung hindi rin lang niya kailangan, hindi niya bibilhin at itatago na lang yung pambili para rito.

“Pero pagdating naman sa amin, lalo na kay Mama, all out si Jessy.

“Kung sa sarili niya ay nagagawa niyang pagtipiran, pagdating kay Mama at sa aming mga kapatid niya, willing siyang gumastos.”

BROKENHEARTED. Si Pam nga ang nilalapitan ni Jessy kapag kailangan nito ng mga personal na advise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya nga alam ni Pam ang mga naging personal problems ni Jessy, lalo pagdating sa love life nito noon with JM de Guzman.

“Lahat naman ng mga na-involve kay Jessy noon ay alam ko.

"Open naman siya sa akin pagdating doon.

“I know all about yung mga panliligaw nila Matteo Guidicelli, Jake Cuenca, and Sam Milby.

"Pero yung kay JM yung pinakamatindi kasi sobrang emotionally-drained si Jessy during their relationship.

“It came to a point na naaapektuhan na ang work ni Jessy dahil sa naging problema niya with JM.

“In-advise-an ko naman siya bilang mas nakakatanda sa kanya.

"Ayokong makita si Jessy na umiiyak because she doesn’t deserve to get hurt.

“Kung pakiramdam niya ay nagawa na niya ang mga dapat niyang gawin to save their relationship, ’tapos wala pa ring pagbabago, then it’s time to give it up.

“It was a good decision for Jessy to move on.

"In all fairness naman to JM, mabait siyang tao, nagkaroon lang talaga ng problema and he went into this dark place.

“But I heard that JM’s okay now and he’s slowly making a comeback. Good for him, ‘di ba?

“Si Jessy naman, she has moved on.

"She’s in a good relationship now with her Colombian boyfriend.

"So everyone’s happy.”

PLANS FOR THE FUTURE. Gusto nga raw ni Jessy na bumalik sa pag-aaral dahil gusto raw nitong pasukin ang pagnenegosyo tulad ng kanilang ina.

“Nakatapos naman ng high school si Jessy, but she wants to finish a college course.

“She said nga na she wants to take up a business management course.

"I suggested Ateneo de Manila University. Kasi may mga online courses sila doon.

"Sa busy schedule kasi ni Jessy, imposible na maka-attend pa siya ng regular classes.

"At least kung online, magagawa niyang makapag-aral kahit saan man siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasa plano nga namin ni Jessy na pasukin ang isang business.

"It’s for our future na rin just in case hindi na kami active ni Jessy sa showbiz.

“Pinag-iisipan pa namin kung ano yung maganda, yung pangmatagalan at hindi napagsasawaan kaagad.

“Siyempre, we want to invest our money sa isang business na alam namin na tatagal at hindi kami malulugi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN