LJ Reyes has no courage to ask Paulo Avelino about KC Concepcion

LJ Reyes on the bond that ties her and ex-boyfriend Paulo Avelino: “Above everything, ang importante is the love for our son. At saka, second is the respect for each other. Siguro naman kasi, kahit wala na yung love na ano, meron pa ring respect. You’ve known the person for how many years, alam mo naman yung good and bad side niya. Hindi naman porke’t hindi kayo nag-work out as a couple and as a family, mawawala na yung respeto for each other.”<


Hanggang ngayon ay wala pang lakas ng loob si LJ Reyes na tanungin ang dati niyang boyfriend na si Paulo Avelino tungkol kay KC Concepcion.

Si KC ang rumored girlfriend ngayon Paulo, kahit itinanggi na ito ng dalawa sa mga panayam sa kanila.

Saad ni LJ, “Hindi, nahihiya ako.

“I think kasi, yung mga ganyang bagay, it’s better na siya ang mag-open up instead of me asking him.

“Hindi pa naman siya nag-open up sa akin.

“Baka kasi hindi niya alam kung paano niya io-open up sa akin.

“We’ll see in the future,” pasubali pa niya.

Base sa kanyang obserbasyon, sa tingin ba ni LJ ay magkakatuluyan sina Paulo at KC?

Tugon ng StarStruck alumna, “We see the impossible.

“I mean, hindi ko puwedeng masabi na magkakatuluyan sila kasi, personally, hindi ko kilala si Ms. KC, kaya ‘di ko talaga masabi.

“Pero ang sa akin po kasi, nasa dalawang tao ‘yan na nandun sa isang relationship.

“Kung gusto nilang trabahuhin to make it work, it will work.”

Boto naman daw si LJ kay KC para kay Paulo.

“Oo naman, I think KC is a beautiful person, inside out.

“Isa siya sa listahan ko na gusto kong makatrabaho.

“Isa siya sa mga artista sa ABS-CBN na gusto kong makatrabaho.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa presscon ng pelikulang The Janitor noong Miyerkules, October 1.



PAULO’S RESPONSIBILITY. Ang importante raw kay LJ, ipinararamdam ni Paulo ang sobrang pagmamahal nito sa kanilang anak na si Ethan Akio, na apat na taong gulang na ngayon.

Kaya nga raw sa kabila ng pinagdaanan ng kanilang relasyon noon, magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon ni Paulo.

Pahayag ng Kapuso actress, “Lagi ko namang sinasabi na he is a loving father.

“Ganun po naman siya kay Aki, hihiramin niya ‘pag may time siya, ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like si Dennis [Trillo], very proud din siya sa anak niya.

“Ako po, I came from a broken family, and alam ko naman ang importance ng father sa bata.

“Kaya ayaw ko naman na mawala siya [Paulo] sa buhay ni Aki.”

Kasama ni LJ sa The Janitor si Dennis, na mayroon na ring anak sa dating girlfriend nitong si Carlene Aguilar.

Dagdag pa ni LJ, “Above everything, ang importante is the love for our son.

“At saka, second is the respect for each other.

“Siguro naman kasi, kahit wala na yung love na ano, meron pa ring respect.

“You’ve known the person for how many years, alam mo naman yung good and bad side niya.

“Hindi naman porke’t hindi kayo nag-work out as a couple and as a family, mawawala na yung respeto for each other.”



LJ’S SON. Tungkol naman kay Aki, ayon kay LJ, sa edad nito ay wala pa itong mga tanong tungkol sa nangyari sa kanila ni Paulo.

“Wala pa naman siyang questions tungkol sa mga ganyang bagay, wala pa naman siyang nasasabi sa akin.

“Hindi ko pa rin alam kung paano ko ‘yan sasagutin kapag dumating ang panahon.

“Pero if ever man, pag-uusapan namin ni Paulo yun.

“Usually naman po, kapag napanood niya ang soap na ginawa namin ni Pau, lagi ko namang ini-explain sa kanya na, ’O, that’s only mommy and daddy acting on TV, ha? That’s not us. But when we’re home, that’s us.’ Ganun lang.”

Patuloy niya, “Feeling ko, hindi naman niya kailangang magtanong pa, kasi nung maghiwalay kami ni Pau, na-explain ko naman yun sa kanya.

“Sabi ko sa kanya, ‘Daddy will no longer be coming home dito sa house, he will have his own house na.’

“Whatever happens, mahal namin siya, yun mga ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE JANITOR. Sa puntong ito ay napag-usapan namin ang tungkol sa The Janitor na ire-release ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Isang Kapuso si LJ kaya marami ang nagtatanong kung makakapag-promote ba siya sa kabilang istasyon.

Saad niya, “I’m thankful naman po sa GMA kasi pinayagan naman po nila ako mag-promote the film sa kabilang network nga po.

“May certain shows lang ’ata na puwede akong mag-promote, at thankful nga ako na pinayagan nila ako.

“Kahit ngayon ay imposible, gusto ko rin na makapagtrabaho ako sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN