Rayver Cruz says he and Kylie Padilla are getting close, they’re "super friends"

Rayver Cruz is fodder to rumors of romance because he has been single for quite awhile since his last relationship. Is there a chance he may hit it off with Kylie Padilla? He answers, "Tignan natin after the movie."


Kapareha ni Rayver Cruz sa horror movie na Dilim ng Regal Films si Kylie Padilla.

Nabanggit nga ng aktres na gusto niya ang aktor kaya marami tuloy ang nag-isip na maaaring mauwi sa isang relasyon ang samahan ng dalawa sa trabaho.

Single si Rayver at nauwi sa breakup ang ilang taong relasyon ni Kylie kay Aljur Abrenica.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor sa ASAP nung nakaraang Linggo, hiningan namin ng reaksyon si Rayver sa naging pahayag na ito ni Kylie at kung may nararamdaman din ba siyang pagkagusto sa aktres?

“Hindi naman siguro na, ’Gusto ko siya kasi guwapo.’ Kasi nag-jive kami, gusto ko rin siya as a person kasi ang sarap niyang kasama.

"First time ko pa lang siyang ka-work, ang bait pala niya, napapanood ko lang kasi siya sa GMA.

"Ang saya sa set, kada may shooting, nae-excite ka tuloy magtrabaho kasi siya ang kasama mo.

"Naging comfortable ako sa kanya kasi napakabait niya.”

May posiblidad ba na maaring ma-develop sila ng kapareha sa isa’t isa?

“Wala naman akong sinasabi na walang tsansa.

"Anything can happen naman pero ’di dapat madaliin kasi gumagawa kami ng movie.

"Sinabi ko naman na ’di mabibitawan ang pagkakakibigan, e.

"Tine-text ko siya once in a while, nangungumusta.

"Ang importante as of now magkaibigan kami, close kami sa isa’t isa at super friends kami.

“’Di pa talaga yung go out, go out.

"Busy siya kasi gumagawa rin siya ng TV show.

"Tingnan natin after the movie.”

Sa namumuong closeness nila, napag-usapan na raw kaya nila ang tungkol sa kinauwian ng relasyon ng aktres sa ex-boyfriend nito na si Aljur Abrenica?

“’Di namin pinag-uusapan yun kasi medyo sensitive pa, kahihiwalay pa lang.”

CRISTINE REYES. Samantala, hiningan din namin ng reaksyon si Rayver tungkol sa tsismis na buntis diumano ang ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Rayver ay wala siyang dapat ika-react tungkol dito pero masaya siya kung anuman ang kalagayan sa ngayon ng dating kasintahan.

“Wala, ano ang dapat kong i-react?

"Katulad nga ng sinasabi ko kahit na anumang mangyari kay Aa [palayaw ni Cristine], desisyon niya yun.

"I’m sure buntis man siya o hindi, super happy siya sa personal life niya and sa career niya.”

“Kung saan masaya si Aa, dapat masaya tayo para sa kanya.”

Hindi pa pala nakikilala ni Rayver nang personal ang kasalukuyang boyfriend ni Cristine.

Kinuwento rin sa amin ng aktor na bihira na rin sila mag-text ng ex bilang respeto na rin sa relasyon nito sa kasalukyang kasintahan

“Nakikita ko sa litrato, nagpo-post siya sa Instagram.

"’Sa ASAP, okEy kami, nagbabatian kami, friends naman kami.

“Siguro kung magte-text man kami as magkaibigan bilang respeto na rin sa boyfriend niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN