Nicco Manalo still maintains respectful distance from dad Jose Manalo

Nicco Manalo clarifies that he and his former talent manager talked it over amicably before he moved to Cornerstone, "I’m responsible for my decision... Ayoko na lang po mag-comment tungkol diyan kasi po nakapag-usap naman na kami at na-settle na."


Isa sa mga pangarap ni Nicco Manalo ay ang makasama sa anumang project ang kanyang ama, ang Eat Bulaga host na si Jose Manalo.

Ayaw lang munang i-pressure ni Nicco ang sarili sa intensyong ito dahil nga may isyu pang namamagitan sa ama niya at sa mga kapatid niya lalo na sa kanilang ina.

Wala rin namang offer na magsama sila sa isang project.

Saad ni Nicco, “Everyone knows about it and they respect that, yung space na ina-allow namin sa isa’t isa.

“My dad knows it, too. He knows me very well.

"He knows how I can treat or how I deal with things.

“And parang right now, he’s doing his own thing and I’m doing mine. So, okey na sa ganon.”

Nakapanayam si Nicco ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung Miyerkules. October 1, sa presscon ng Cinemalaya award-winning indie film, ang The Janitor na ire-release ng Star Cinema, Inc. sa mga sinehan nationwide.

Inalam ng PEP kay Nicco kung nakakapag-usap na ba sila ni Jose.

“Okey naman kami pero mas sila ang nakakapag-usap ng mommy ko,” mabilis niyang tugon.

"They’re fixing what needs fixing, I mean, in terms of our family.

"Yun ang pinag-uusapan, they’re working on it.”

Ang hindi ba nila pag-uusap ay dulot ng pagiging abala nila sa kanya-kanyang career?

Nag-isip muna si Nicco bago sumagot, “Marami rin akong ginagawa and right now...

“We know how controversies can arise kung makita akong ganyan, may masabi akong ganito.

"Marami pong lalabas from that. Like I said parang respect lang namin yung space na ina-allow namin sa isa’t isa.

Napatawad na ba niya ang ama sa mga nangyari sa kanilang pamilya?

“Like I said before, parang okey naman na ako ngayon, pero I would like to speak with him, to hear his side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PRIVACY. Ano ang nakakapigil para kausapin niya ang ama?

“Right now? Ayaw ko lang ma-fuel yung controversy na yun.

"We’ve been dealing with that for a while now, it comes and goes.

“Ayoko namang gumano’n pa siya uli. We’re working on it naman, e.

"Parang ma-respect yung privacy namin.

“Ayusin namin yung kailangan naming ayusin sa likod ng mga trabaho namin.”

Sinasabing the Christmas season is the best time to patch things up. Matatapos kaya ito bago matapos ang taon?

Napangiti at nanlaki ang mga mata ni Nicco, "Hindi ko alam.

"Pero siyempre, maganda naman yung maayos ang mga bagay-bagay.

“Masaya naman yung ganon. Masaya ang Pasko kung magiging gano’n nga.

"Parang right now, they’re both trying to fix things na kailangan namin… without it being in the limelight.

Ayaw na ring pag-usapan ng aktor ang anumang legal issues na inaayos ng kanyang mga magulang.

“They’re still talking about it, wala akong alam, actually.

"Kahit ang mommy ko hindi ko rin nakakausap.

"Masyado akong busy gumawa ng pangalan," biro nito.

OTHER WOMAN. May bali-balitang itinuloy umano ni Jose ang pakikipag-relasyon nito sa kasamahang dancer sa Eat Bulaga. Tinanong namin si Nicco kung ano ang pakiramdam niya tungkol dito.

“I think it’s old news, dati pa pong lumabas ’yang kuwentong ’yan at hanggang ngayon parang…

"Hindi ko siya pinakikialaman, hindi ko po iniisip.”

Tanggap mo na ba na may iba nang babae ang father mo, kung ito man ay totoo?

“Siyempre, hindi naman po maiiwasan na ma-affect by it.

"I mean, lahat naman nangangarap ng happy family.

"Kaso he has his reasons, I guess.

“’Ayun nga, hopefully, I’ll be able to hear his reasons when the right time comes.”

Willing ba siyang makaharap o makita nang personal ang sinasabing girlfriend ng dad niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kagaya nga po ng sinasabi ko, if I’m asked, am I proud of my dad? I am, hindi naman po mawawala yun.

“Ayun nga po, open ako na pakinggan yung side niya."

SIBLINGS. Nakatutok daw si si Nicco sa kapakanan ng kanyang mga kapatid.

“Right now, my concern are my little sisters, my younger sisters.

"Sila talaga yung pinagtutuunan ko ng pansin, I’m doing this for them.”

"Bata pa kasi yung pinakabata namin, eight years old pa lang.”

Hinahanap ba nila ang daddy nila?

“Hindi ko sila masyadong nakakausap. Medyo ako muna yung nagiging daddy nila.

"I check on them whenever I can or whatever I can do para maging available for them.

“Pero wala talaga akong alam kung ano ang nararamdaman nila.”

Hindi na raw nakatira si Nicco sa poder ng kanyang ina kaya hindi naman daw gano’n ka-regular kung makausap niya ang mga little sisters niya.

Kasama sa teaser ng The Janitor ang best supporting award na natamo ng pelikula na nakuha ni Nicco sa Cinemalaya awards.

Ano ang sabi ng ama niya sa karangalang nakuha niya?

“Wala po akong narinig na congratulations from him.”

Hindi naman daw niya ikinasasama ng loob ito, “Gaya nga ng sinabi ko kanina, alam niya na nirerespeto namin ang space nang isa’t isa.

"And I’m sure, alam ko na masaya siya for me, proud siya for me.”

Pinili lang muna nilang huwag magkaroon ng communication sa isa’t isa?

“We have our reason, meron kaming dapat intindihan para sa personal.

"Nandiyan yung bugso ng damdamin, ganyan-ganyan.

“We might as well... not na lang..”

TALENT MANAGER. Samantala, sinagot naman ni Nicco ang balitang hindi naging maayos ang pagkalas niya sa kanyang manager nang lumipat siya sa Cornerstone Productions and talent management.

Ang Cornerstone ang business team nina Sam Milby, Erik Santos, Richard Poon at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw ni Nicco sa sitwasyon nila ng manager niya na nangangalang Ferdie, “Okey naman kami, nakakapag-usap naman kami.

“I’m grateful for what Ferdie has done for me.

"Right now I’m happy kung nasaan ako, which is Cornerstone."

Hindi ba naging maayos ang paghihiwalay nila ni Ferdie bilang talent-manager?

“Ayoko na lang po mag-comment tungkol diyan kasi po nakapag-usap naman na kami at na-settle na.

“Tahimik naman po kami, nakapag-usap naman na kami.”

Isa raw sa issue ng hiwalayan nila ni Ferdie ay may kinalaman sa talent fee niya?

Natatawang komento ni Nicco, “Talent fee? Bakit naman po?

"Hindi naman po yun ang naging kaso. I’m responsible for my decision and I made a decision and I talked to him.”

“I’m grateful for what he has done for me. Kung ano yung naturo niya sa akin.

"Kung ano ang naitulong niya sa akin sa indie scene, yung slowly na pagpasok ko.

“Alam ni Ferdie yun and we talked about it, nakapag-usap na kami.

“I just made the decision. Yun lang po ang kaya kong sabihin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN