Sam Rodriguez keeps dad Miguel Rodriguez’s award for inspiration

“Masaya na talaga ako kung madating ko pa yung nadating na niya. Siguro susubukan ko na lang kung ano ang makakayanan ko,” says Sam Rodriguez about her career goal in show business.


Proud ang newbie actress na si Sam Rodriguez na makilala bilang anak ng yumaong aktor na Miguel Rodriguez.

Para sa baguhang celebrity, malaki pa rin ang tulong ng kanyang ama sa pagkakapasok niya sa showbiz.

“I always say that I’ve been getting all the blessing, and I’m so grateful, I’m not gonna lie, I really think that my dad is my guardian angel.

“I still think that even if my dad passed away, he still plays a major role in my life. He still helps me out kahit wala siya rito,” sabi ni Sam nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na press conference para sa susunod na Wattpad novel na ia-adapt ng TV5 sa telebisyon, ang Poser.

Sabi pa ni Sam, wala raw problema sa kanya kung palagi siyang natatanong o naiuugnay sa kanyang pumanaw na ama.

“My dad kasi is really a part of me. Buti na nga naaalala pa siya through me.

“It doesn’t bother me because I wouldn’t be who I am, I wouldn’t be here kung wala ang daddy ko.”

MAKING A NAME FOR HERSELF. Sa kabila ng pagkilala sa kanya bilang anak ng kilalang aktor na si Miguel Rodriguez, umaasa si Sam na makagawa rin siya ng sariling marka sa showbiz.

“Sana balang araw, siyempre, ’yan naman ang goal ko, na makilala ako bilang Sam Rodriguez,” sabi ni Sam.

“Sa ngayon, wala naman akong isyu kung makilala ako bilang anak ni Miguel Rodriguez kasi kung wala siya, wala ako.”

Hindi katulad ng ibang anak ng celebrities, ngayon lamang daw napasok si Sam sa showbiz dahil inuna niyang tapusin ang kanyang pag-aaral.

Graduate si Sam ng kursong Legal Management sa Ateneo de Manila University.

Ilang buwan matapos ang graduation, nagkaroon ng offer si Sam na maging endorser ng whitening lotion product ng Bench. Kasama niya bilang endorser ang iba pang anak ng celebrities na sina Dominque Cojuangco, anak ni Gretchen Barretto; at Addie Manzano, anak ni Edu Manzano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito ay ang offer ng TV5 na maging bahagi ng week-long series na Wattpad Presents: Poser, na magsisimula sa Lunes, October 6.

Bilang bagong aktres, ginagawa raw inspirasyon ni Sam ang FAMAS award ng kanyang ama, na naka-display pa rin daw sa kanyang kwarto.

“Noon kasi ginagamit ko lang siya para maalala yung daddy ko,” kuwento ni Sam.

“Ngayon, nagse-serve na siya as inspirasyon kasi ito yung direksyon na tinutungo ko ngayon.

“Of course, gusto ko rin na magka-Famas award ako one day kasi napakalaking karangalan ’yon.

“Sana naman may nakuha akong kasing-level ng talent ng tatay ko para naman one day magkaroon din ako ng award kasama ng tatay ko.”

Sa ngayon, sabi ni Sam, “Masaya na talaga ako kung madating ko pa yung nadating na niya.

“Siguro susubukan ko na lang kung ano ang makakayanan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN