Vhong Navarro camp on Roxanne Cabañero’s junked rape complaint: "Justice comes slowly but surely."

“As correctly pointed out by DOJ [Department of Justice] Assistant State Prosecutor Christine Perolino, Roxanne’s allegations on the supposed rape are contradictory, suspicious, and of a doubtful nature," says Vhong Navarro’s legal counsel Atty. Alma Mallonga in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last night, October 3.


“Justice comes slowly but surely.”

Ito ang pahayag ng legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga kaugnay ng pagbasura sa reklamong panghahalay na inihain ni Roxanne Cabañero laban sa actor-TV host.

Na-dismiss ang naturang reklamo dahil sa “lack of probable cause,” ayon sa resolusyon ni Assistant City Prosecutor Christine Perolino ng Pasig Prosecutor’s Office.

September 8, 2014 lumabas ang desisyon ni Fiscal Perolino, ngunit natanggap ng kampo ni Vhong ang kopya ng resolusyon nito lamang September 30.

Dito ay idinetalye ang mga bahagi ng sinumpaang salaysay ni Roxanne na kuwestiyonable, hindi tugma, at kahina-hinala.

Partikular na ang kakulangan ng detalyeng ibinigay ni Roxanne kaugnay ng mismong insidenteng panghahalay diumano sa kanya ni Vhong.

Hindi raw kasi ito sapat upang mapatunayan na tinakot at sapilitang ginawan ng karahasan ni Vhong ang complainant.

Read: Roxanne’s rape complaint vs Vhong junked

Eksklusibong nakausap ng PEP si Atty. Mallonga sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono kagabi, October 3.

Patuloy na pahayag ni Atty. Mallonga, hinggil sa pagka-dismiss ng reklamong panghahalay na inihain laban sa actor-TV host: “Vhong is happy that Roxanne’s complaint has been dismissed.

“As correctly pointed out by DOJ [Department of Justice] Assistant State Prosecutor Christine Perolino, Roxanne’s allegations on the supposed rape are contradictory, suspicious, and of a doubtful nature.

“For evidence to be believed, it must be credible in itself.”

Sa kabilang banda, nakasaad din sa joint resolution ni Fiscal Perolino ang tungkol sa pagbasura sa reklamong perjury na inihain ni Vhong laban kay Roxanne.

Ang perjury, ayon pa sa resolusyon, ay mailalarawan bilang “willful and corrupt assertion of a falsehood under oath or affirmation administered by authority of law on a material matter.”

Kaugnay nito, hindi umano sapat ang ebidensiya upang mapatunayang maituturing na “material matter” ang “core of argument” ng magkabilang kampo, kaugnay ng petsa kung kailan naganap ang diumano’y insidenteng panghahalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang sa unang complaint-affidavit ni Roxanne ay nabanggit nitong nagkakilala sila ni Vhong nang mag-guest sa It’s Showtime ang dalaga, kasama ang iba pang contestants ng isang beauty pageant, noong April 24, 2010.

Inihayag din ni Roxanne na noong hapong iyon ay nagpalitan sila ng text messages ng aktor at niyaya siya ng huli na lumabas upang magkita sila.

Ngunit sa counter-affidavit ni Vhong, nanindigan itong walang katotohanan ang alegasyon ni Roxanne.

Naghain din ng mga testigo si Vhong na makapagpapatunay na nasa ibang lugar siya at wala sa sinasabi ng complainant na pinangyarihan ng insidente.

Sa mga sumunod na panayam kay Roxanne, inihayag ng dalaga na wala siyang eksaktong petsang binanggit sa kanyang sinumpaang salaysay.

Read: Roxanne Cabañero camp denies saying Vhong Navarro raped aspiring beauty queen on April 24, 2010; explains mix-up over name of hotel

Taliwas ito sa nilagdaang Investigation Data Form ng dalaga, kung saan nakasaad na naganap ang insidenteng panghahalay diumano ni Vhong sa “Pasig City, near Astoria Hotel,” noong “April 24, 2010, 11 p.m. to 1 a.m.”

Ganunpaman, nakasaad sa resolusyon na ang eksaktong petsa ng “alleged rape” ay hindi maituturing na “element of the crime.”

Pahayag ni Atty. Mallonga hinggil dito: “The disposition of Vhong’s complaint for perjury against Roxanne centered on the technical point that the asserted date and place when the crime was committed is not ’material’ as to constitute perjury.

“We disagree and will file a motion for reconsideration.

“For the meanwhile, however, what is important is that the complaint against vhong has been unmasked as a lie.”

Nananatiling bukas ang PEP sa pahayag nina Roxanne at Vhong hinggil dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN