Rochelle Pangilinan on impending wedding to longtime boyfriend Arthur Solinap: “Ay naku, huwag tayong mag-assume.”

Rochelle Pangilinan on tying the knot with longtime boyfriend Arthur Solinap: “Basta darating din ’yan. Darating din ’yan. Iyon naman ay hindi namin minamadali kasi pinag-uusapan naman namin kung ilang anak, kung saan kami ikakasal.”


Sa Ang Lihim ni Annasandra ay gumaganap si Rochelle Pangilinan bilang si Esmeralda, ang Awok na nagbigay ng sumpa kay Annasandra (played by Andrea Torres) para maging isang baboy-damo pagsapit ng gabi.

Kaya tinanong namin si Rochelle kung ito ba ang pinakamasama niyang ginampanang papel so far?

"Ito yung masasabi kong pinakamahirap ko na role. Dahil bukod sa transformation, mind, body and soul talaga yung puhunan dito.

“Actually, ngayon lang ako sobrang nae-excite ako sa kakalabasan talaga.

“Like kanina, tinitingnan ko yung VTR, lahat, nae-excite ako and as in yung ginawa ko dito, talagang pilot pa lang pinaghandaan ko na talaga ito,” masaya niyang balita.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa grand launch ng Ang Lihim ni Annasandra noong Miyerkules, October 1 sa Area 05 Bar, sa Tomas Morato Ave. sa Quezon City.

Bukod kay Andrea at Rochelle ay nasa Ang Lihim ni Annasandra sina Mikael Daez (bilang si William Benitez) at Pancho Magno (bilang si Enrico).

Kasama rin sa cast sina Glydel Mercado bilang Belinda Vergara, Emilio Garcia bilang Carlos Vergara, Ma. Isabel Lopez bilang Rosario, Arthur Solinap bilang Kenneth, Joyce Burton bilang Hazel Benitez, Gab de Leon bilang Jimmy, Erika Padilla bilang Becca at Cris Villonco bilang Lorraine Armada.

Sa direksyon ni Albert Langitan, mapapanood na ang naturang fantaserye simula October 13, Lunes, sa GMA Afternoon Prime.

Mas gusto ba ni Rochelle na sana ay sa primetime o pang-gabi ang kanilang show?

Aniya, “Yes!

“How I wish. Pero kung ito yung ibinigay ng Diyos e bakit hindi? At least GMA pa rin.”

SEXY ROLE. Dahil Awok din siya sa show, may mga eksena rin siyang nagta-transform nang hubad.

Maingat ba siya na huwag mabosohan o masilipan sa taping?

“Hindi,” ang mabilis na sagot ni Rochelle.

“E, yun lang naman, e. Maliit na bagay lang ’yan.”

Hindi naman daw siya as in totally naked sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Basta mapapanood ninyo. Sobrang ang galing ni Direk [Albert Langitan]. Ang galing-galing ni Direk dun sa part na iyon.”

Conservative ang boyfriend niyang si Arthur Solinap.

“Oo, e. FHM nga pumayag siya, e,” at natawa si Rochelle.

“Hindi naman ito malaswa, e,” pagtukoy ni Rochelle sa Ang Lihim ni Annasandra.

“Actually fantaserye/drama naman ito.

“Kahit ako, gagawin ko talaga kasi ang ganda talaga, sobrang ang ganda ng role niya. Kahit ikaw kapag napanood mo yung pilot, sasabihin mo, ‘Ah, alam ko na yung sinasabi ni Rochelle!’”

Dati, sa interviews kay Rochelle ay ayaw niya na mag-pictorial ng sexy para sa FHM.

Bakit siya finally napapayag na maging cover girl ng naturang men’s magazine noong July ng taong kasalukuyan?

“Siguro ano, parang gawin ko na ito kaysa gawin ko ito ’pag nagka-family na ako.

“And tinanong ko naman si Art, sabi niya, ‘Sige, oo.’

“Sabi ko lang sa kanya, “Mag-e-FHM ako. ha!’

“Sabi niya, ‘Sige.”

“Hindi ko na tinanong na, ‘Beh, mag-e-FHM ako, ha?’

“Yung ganun. ‘Mag-e-FHM ako!’

“Yung ganun, yung walang tanong,” at tumawa si Rochelle.

WEDDING PLANS. At dahil pinsan ni Arthur si Dingdong Dantes, tinanong namin si Rochelle kung hindi ba siya naiinggit kay Marian Rivera.

Ikakasal na sina Marian at Dingdong sa December 30.

Tanggi niya, “Hindi. Darating din naman kami dun, walang dapat kainggitan.

“Siguro darating rin ang panahon para sa amin. So maybe hindi lang ngayon and in God’s time, darating talaga yun.

“So palasak na sa inyo ang in God’s time pero alam kong darating iyon.”

Kung sakaling biglang magpu-propose sa kanya si Arthur, yes raw ang isasagot ni Rochelle.

“Tatagal ba ako ng anim na taon sa kanya kung wala akong plano sa buhay ko para sa kanya?” balik-tanong niya.

Kaya wala nang pag-iiisip pa tungkol sa kung anuman tulad ng career, at tatanggapin niya kung sakaling mag-propose sa kanya si Arthur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tsaka kami namang dalawa e pinag-uusapan naman talaga namin ’yan.

“Hindi na rin bago sa amin ’yan kung sakaling magkakaanak kami, ganun naman yung usapan namin, kung ikakasal kami.

“Yung ganun. Normal naming pinag-uusapan, hindi namin inililihim sa isa’t isa,” dagdag pa niya.

Next year na ba ang kasal nila ni Arthur?

“Ay naku, huwag tayong mag-assume,” at tumawa si Rochelle.

“Basta darating din ’yan. Darating din ’yan. Iyon naman ay hindi namin minamadali kasi pinag-uusapan naman namin kung ilang anak, kung saan kami ikakasal.”

Tatlo raw ang gusto ni Rochelle na maging anak nila ni Arthur.

“Gusto niya marami, gusto niya basketball team.

“Ayoko!” natatawa niyang sambit.

NUDE SCENE IN THE JANITOR. Samantala, hindi pa napapanood ni Rochelle pero ikinagulat niya nang nalaman niyang may nude scene si Sunshine Garcia sa pelikulang The Janitor na pinagbibidahan ni Dennis Trillo at ipapalabas sa mga sinehan sa October 8.

Dating kasama ni Rochelle sa grupo nilang Sexbomb si Sunshine at magkaibigan sila hanggang ngayon.

Si Rochelle raw ay hindi niya kaya na gumawa ng ganung eksena.

“Hindi ko keri yata.

“Na-shock ako, pero kung ano naman e, kung maganda naman ang kinalabasan, bakit hindi?

“Kung para sa sining naman e bakit hindi?” pahayag pa ni Rochelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN