Regine Velasquez says she and Ogie Alcasid don’t meddle in each other’s careers

Regine Velasquez says she and hubby Ogie Alcasid don’t meddle in each other’s careers: “He would ask me, what’s my opinion on moving and stuff and whatever and I will give him my opinion. Pero at the end of the day, it’s still his decision. Kasi nga, ayokong makialam sa career niya. Alam na niya yun, e.”


Nanatiling isang Kapuso ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez habang ang mister niya na si Ogie Alcasid ay nagdesisyon noon at piniling maging isang Kapatid.

Sa ginanap na press conference ng bago niyang reality-talent search na Bet ng Bayan na magsisimula ng mapanood sa October 5, naitanong kay Regine kung napag-uusapan nilang mag-asawa ang magkaibang network nila ngayon.

Ginanap ang prescon noong September 30 sa Studio 7 ng GMA.

GRATEFUL TO GMA. Mas masaya raw ba si Regine na nanatili nga siyang isang Kapuso?

“You know his decision for moving, first of all, it was not an easy thing to do.

“But he’s very, very close kasi to Manny Pangilinan. He’s our ninong and one of the reasons why he moved is because, he wanted to help O.P.M. and Manny.

“And kasi, gusto niyang i-encourage ang ninong niya na, ’Kaya natin ‘to, kaya natin ‘to.’

“And as far as I am concerned, magkahiwalay kami as far as our careers are concerned. Hindi talaga kami nagpapakialaman. Although we talk about it.

“He would ask me, what’s my opinion on moving and stuff and whatever and I will give him my opinion.

“Pero at the end of the day, it’s still his decision. Kasi nga, ayokong makialam sa career niya. Alam na niya yun, e.

“So, ako naman, of course, I’m happy that I’m here in GMA. Like I’ve said, I’m very, very grateful to GMA.

“First of all, when I got pregnant, you know, I was given time off. Soon, after giving birth, I was still given time off to get in shape, para makuha ko ulit, the groove back.

“So now, I’m given really good shows and I still have time for my family.

“I’m very grateful, I’m very, very blessed that I’m with Kapuso and that I’m here and I’ve been here for quite sometime na, so medyo matagal-tagal na rin ako. So, I’m very, very grateful,” pagpapasalamat niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BALANCING WORK AND MOM ROLES. Nami-miss na rin siya sa pelikula.

“I was supposed to do a movie, pero hindi kaya ng schedule.”

Natatawang sabi pa niya, “Kasi alam mo, kapag tumatanggap ako ng project ngayon, iisipin ko, saan ko ilalagay si Nate?

“Meron ba akong time for Nate? Kasi siyempre, iba na yung... I have to think, kapag nanay ka pala ganun.”

Sinasama nga raw niya si Nate sa trabaho niya kapag puwede.

“I do, kapag nagta-travel nang matagal, I bring with me. Of course, I have to ask my husband first if that’s okay.

“Actually, I would only bring him kapag alam kong busy siya. Kapag busy rin siya at wala siya sa bahay, then I will take him with me kung mag-a-out-of-town kunwari.

“Kasi, kung kunwari isang lakad lang naman siya in a week and then, uuwi siya agad, I don’t.

“Kasi gusto ko, meron din silang time together. Kawawa naman. At saka, I don’t wanna keep bringing him palagi, kawawa naman. Ang hirap din naman.

“I only do that kung yun nga, mag-isa lang siya sa bahay or I ask my mom to be with him. Siya yung taga-bantay. Natutuwa naman siya ro’n,” kuwento ni Regine.

SITCOM. Napag-usapan din ang sitcom at kung bibigyan daw siya ng sitcom ng GMA, okey sa kanya.


Pero sabi rin niya, “Pero, uso pa ba ngayon ang sitcom?”

May nagsabing ibinabalik naman ito ngayon.

“Kung okey ang sitcom, e di okey.”

Mas gusto niyang mag-sitcom kesa mag-soap opera?

“Mas madali yun, once-a-week lang yun, ’te!”

Sabi naman namin sa kanya, marami na ang nakaka-miss sa kanya sa teleserye.

“Talaga? Meron ba? Parang hindi ako sure,” natatawang sagot niya.

OPEN TO DOING TELESERYES. Pero paano nga kung alukin na siya ng Kapuso network ng teleserye?

“You know, with every project that GMA will give me, if the role is good, yung interesting for me, of course, I would take it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ako maarte rin. Basta rin type ko ang role na hindi ako masyadong magku-compromise.”

Wala pa bang inaalok sa kanya na soap ang GMA na tinanggihan niya lang?

“Wala pa naman, bawal ang tumanggi. Bawas sa suweldo,” tawa niya.

Seryosong dugtong din niya, “Pero may say rin naman ako kung ano ang gagawin ko.

“They would always... isa pa yun sa mga things na gusto ko. They would always ask me if I’m comfortable to do this. Bago pa nila ’ko latagan, they would always ask me first.”

STAVING OFF DEPRESSION. Napag-usapan din ang tungkol sa pagkakaroon ng depression ng mga artista o midlife crisis.

Dumaan na rin daw ba siya sa ganoong phase ng buhay niya?

“Bakit naman?” gulat na tanong niya.

Sabi rin ni Regine, “Parang hindi pa ’ko umaabot dun kasi, late na akong nag-asawa. So parang—ganun ba ang midlife crisis? E, happy ako.

“Ewan ko, I think, everybody would go through it, but you just have to have faith. I think, it’s a God thing.

“I don’t know ha… kasi, kung meron kang God, kung anuman ang nae-experience mo, ipapasa-Diyos mo yun, I think, you’ll be able to recover or go through it easier.

“Lahat naman tayo may pinagdadaanan.

“Hindi naman midlife crisis lang, ‘di ba? May mas matindi pa nga ro’n.

“Kasi, ang midlife crisis nga, sa sarili mo lang yun. Parang you just need to adjust to whatever situation you’re in, then you’ll be fine again. Although, depression is very real, ha?

“That’s a sickness.”

May pagkakataon din ba na hindi siya masaya sa nangyayari sa career niya, na may mga hindi siya nagugustuhan dumating sa puntong nag-complain o naisipan niyang mag-complain?

“No, no… Because I have so much time to do the things I wanted. And I was given all the opportunities and all the chances in the world, why would I complain? I really have no right to complain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“God has been so good to me. Parang hiyang-hiya naman ako nun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN