Alden Richards hesitant to claim Kapuso Primetime Prince tag

Alden Richards on being tagged Kapuso Primetime Prince: “Flattered po ako kapag sinasabing Primetime Prince. Kasi, three and a half years ago, sino ba ako? Parang nanonood lang din ako ng mga shows ng GMA, ‘di ba? Nararamdaman ko yung importance na binibigay sa akin ng GMA.”


Tila hiyang-hiya pa rin ang Kapuso star na si Alden Richards kapag naririnig at direktang sinasabi sa kanya, lalo na ng entertainment press, na siya na raw ang Kapuso Primetime Prince.

Halos karamihan, ganoon ang sinasabi kay Alden at tinatanong siya kung ano ang reaksiyon niya rito sa nakaraang press conference noong September 30 sa Studio 7 ng GMA para sa Bet ng Bayan, ang bagong reality talent search ng GMA-7 na magsisimula ng mapanood bukas, Linggo, October 5.

“Ewan ko nga po ba, hindi ko po alam, nagkataon lang po na maraming projects na binigay.

“Si Kuya Dong [Dingdong Dantes], nandiyan pa rin po. Kahit ikasal, Kuya Dong pa rin ‘yan,” ang tila nahihiyang sagot ni Alden.

Pero ano nga ang masasabi niya kung sakali sa titulong Kapuso Primetime Prince?

“Yung title, ayokong mag-claim-claim kasi. Baka sabihin ng mga readers, viewers natin, ’Bakit kine-claim, sino ba ‘yan?’”

Nilinaw namin kay Alden na hindi naman siya ang nagsasabi kundi entertainment press at maging ilang staff na rin ng network.

Sabi naman ni Alden, “Flattered po ako kapag sinasabing Primetime Prince.

“Kasi, three and a half years ago, sino ba ako? Parang nanonood lang din ako ng mga shows ng GMA, ‘di ba? Nararamdaman ko yung importance na binibigay sa akin ng GMA.”

FILLING ALJUR’S SHOES. May mga nagsasabi rin na lalo na raw nang mawala si Aljur Abrenica at nag-file ito ng complaints laban sa GMA-7 at hindi na napapanood, masasabing malayo na raw ang lamang ni Alden dito.

Sabi naman ni Alden, “Siguro po, depende sa tumitingin.

“Ako po, kung ano ang tingin nila sa kung ano ang takbo ng career ko at takbo ng career ni Aljur.

“Pero ako before, noong ginagawa namin ang Magpakailanman at Cain at Abel na nag-workshop kami, okey naman po kami, very good friends naman po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ewan ko bakit, yun lang po, all of a sudden, parang shinut-down po yung communication.

“Parang wala na akong balita after ng Magpakailanman. So, hindi na ’ko nakialam.

“’Tapos yun nga po, lumabas na sa news, may mga naging reklamo, pero labas na po ako ro’n. Hindi ko na alam ano nangyari.”

Alam din ni Alden—dahil palagi raw naitatanong sa kanya at may mga nagsasabi—na tila siya ang isa sa Kapuso star na “kina-insecure-an” nga ba ni Aljur?

“Yun nga po, hindi ko nga po alam, kasi po ang dami po ni Aljur na... based po sa mga nabalitaan ko sa press, he really wants something to happen sa career niya.

“Parang sa kanya, galing sa kanya na hindi maibigay ng network.

“Siguro, in that case po, doon siya medyo napu-frustrate.

“Siguro sa sarili niya, hindi niya makita ang career niya sa sarili niyang perspective. Parang kulang pa for him,” pag-aanalisa niya.

THE VALUE OF PATIENCE. Ngayon, sa kanya nakatuon ang lahat ng pansin. May ilan na ngang nagsasabi na sa katagalan, baka dumating din siya sa puntong marami rin siyang magiging reklamo o idaan din niya sa legal complaints kapag may hindi na siya nagugustuhan.

Mabilis namang sagot ni Alden, “Never po, never ko pong gagawin.

“Kasi, very patient po ako. Katulad nga po ng sabi ko, patience is one of my tools para maging kalmado.

“Kasi minsan, dumarating ako sa point na kapag nawawalan ako ng show after soap, yung days na lilipas ang buwan, sasabihin ko sa sarili ko na parang ang bagal.

“Pero magkakaroon ako ng realization sa sarili ko na baka kapag dumating naman, sunud-sunod. Ito po yun, after ng Carmela, hindi ko alam na may Bet ng Bayan, hindi ko alam na may Ilustrado.

“Doon ko napatunayan na kapag naghintay ka, nagdasal ka lang nang nagdasal at saka, wala kang babastusing ibang tao, wala kang sasagasaang ibang tao, ibibigay ni Lord sa ‘yo, at His time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HONING HIS HOSTING CHOPS. Si Alden ang co-host ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa Bet ng Bayan.

Unang pagkakataon lang din na makapag-host si Alden sa telebisyon. Pero nagulat daw si Regine sa kanya na kumportable na siya sa paghu-hosting.

Paliwanag naman ni Alden, “Naku, actually po, pinaghahandaan ko pong talaga. Hinihingi ko ang script a few days before.

“Babasahin ko ‘yan. Nakatulong din ang hosting sa akin sa pagpapabilis ng memorization. Siyempre, hindi naman most of the time, nakatingin ka sa cue card.

“Hindi rin naman most of the time na nakatingin ka sa prompter. Hindi ka host nun, e. Kumbaga, si Prompter, nandiyan lang ‘yan para i-feed ka kung ano ang composition ng spiel mo at that moment.

“So, doon ko natutunan na basahin ko ang spiel, kunin ko lang siya at puwede kong ibato on my own words.

“At that, mas nagiging kumportable ako. Kasi dati, naghu-host lang ako, by the script ako.

“Nahihirapan ako. Minsan, may hindi ako comfortable na mga salita. Minsan, yung composition ng sentence, parang bitin. So ngayon, mas iba.

“Puwede ko pala siyang sabihin in my own way.”

Magkasama na silang host ni Regine sa Bet ng Bayan.

Nakikita rin kaya niya ang sarili kung sakali at maging magkatambal pa sila sa isang teleserye?

“Naku, hindi naman po siguro malayo ang possibility. Yun nga lang po, ang role na ibibigay kay Ms. Reg, very limited na. Of course, yung image niya po now.

“She’s married. Si Baby Nate, nandiyan na. Of course, ayaw naman natin na gagawa si Ms. Reg beyond the limit na hindi maiintindihan ni Baby at Kuya Ogie [Alcasid].

“Pero sa ganda ng projects, doon po ako palaging naka-depend. Sa ganda ng project at kalidad ng materyal. Minsan, bibigyan ka ng project, pero wala namang sense ‘to, e. Hindi masamang pumili ng role,” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumarating na ba siya sa puntong namimili na siya ng role?

“Hindi po, hindi pa rin po,” nakangiting sagot niya.

Dugtong pa niya, “Kahit ano ‘yan. Kahit anong ibigay sa akin.”

Posibleng ang dahilan, okey naman kasi siya sa mga nakukuha niyang proyekto?

Aniya, “Opo, okey naman ako sa mga nakukuha ko.”

Kung sakali at hindi niya gusto ang ibibigay sa kanya, may boses na ba siya para tumanggi?

“Hindi ko pa rin po alam. Wala pa rin po,” natawang sabi niya.

ILUSTRADO. Sa isang banda, malapit na rin mapanood ang seryeng Ilustrado na hango sa buhay ng pambansang bayani na si Jose Rizal.

Isang buwan lang ang itatakbo nito sa ere, pero ayon kay Alden, napakarami pa raw nilang kailangang gawin.

“Last seven shooting days pa po kami. Kasi, ‘di ba, kapag movie, set-up ka ng camera, set-up ka ng ilaw, yun na yun.

“‘Eto, kapag gumagawa kami ng eksena, yung isang eksena, ibabato ‘yan sa post ng GMA. Igi-grade ‘yan.

“And since hindi kami nakakapunta sa abroad, yung mga abroad scenes, naka-chroma. Pero yung mga chroma, ibang klase. Mahusay po talaga,” pagpuri niya sa production team.

WORKING WITH KYLIE. Si Kylie Padilla ang kapareha niya rito bilang si Leonor Rivera.

Kumusta naman silang dalawa?

“Nag-workshop kami ni Kylie, ewan ko, parang isang ganun lang din, ang bilis naming nag-jive,” pagmamalaki ni Alden.

Napag-usapan nilang dalawa si Aljur?

“Hindi po maiwasan, talagang na-bring-up ang topic na yun. Hindi po maiwasan, siyempre, love life niya yun, so medyo naging malaking impact sa kanya.

“Sabi ko, kung gusto mong pag-usapan, ako, okey naman akong kausap. Sabi naman niya, kapag ready na raw siya.

“Pero ngayon, mukhang okey naman siya. Busy siya kaya sabi niya, ang sarap daw ng pakiramdam na maging busy,” patuloy pa niya.

Ang orihinal na ka-loveteam niya, si Louise delos Reyes, hindi ba niya nami-miss?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang tagal na naming hindi nagkikita, sobra.

“Updated naman ako sa Instagram niya, may bago yata siyang bahay. Pero sa show, mukhang wala pang malinaw na gagawin namin.

“Pero kung bigyan po kami ng network, okey ako sa kanya na gumawa po kami ulit, kasi matagal na rin naman yung last na nagkasama po kami,” tukoy niya kay Louise.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN