Paulo Avelino says he’ll miss working with co-star Bea Alonzo now that Sana Bukas Pa Ang Kahapon draws to a close

With the forthcoming ending of their teleserye Sana Bukas Pa Ang Kahapon, Paulo Avelino says he’ll miss the fun times he had working with co-star Bea Alonzo: “Siguro ang pinakamami-miss ko kay Bea, ang pang-aasar niya sa akin. Kasi sagad-sagaran yung pang-aasar niya sa akin. Umabot na sa umiyak ako sa isang sulok.”


Inaabangan na ang mala-pelikulang pagtatapos ng teleserye ni Paolo Avelino with Bea Alonzo na Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa Primetime Bida ng ABS-CBN na mapapanood sa Oktubre 10, Biyernes.

Umere sa telebisyon for 17 weeks ang top-rating drama series nina Bea at Paulo.

Sa naganap na thanksgiving presscon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, magkasamang humarap sa ilang miyembro ng entertainment media ang lead stars ng teleserye na sina Bea at Paulo. Doon inamin ni Paulo na marami siyang natutunan at mami-miss sa programa.

“Siguro yung camaraderie namin sa set, being with the actors. Being with Bea, Sasha [Maricar Reyes], Kuya Albert [Martinez], Kuya Ton [Gutierrez], Ms. D [Dina Bonnevie] and ah, lahat mahuhusay!

“Lahat napakababait na tao, kaya parang... kasi when I’m on the set din mas marami yung usap namin, e. Kesa sa mga scene na ginagawa namin.

“Mas maraming beses kaming nag-uusap-usap lang, we enjoy talking about food, about life... kaya yun po siguro ang pinakana-enjoy ko,” kuwento ni Paulo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

WORKING WITH BEA. Ano in particular ang mami-miss niya kay Bea?

“Siguro ang pinakamami-miss ko kay Bea, ang pang-aasar niya sa akin.

"Kasi sagad-sagaran yung pang-aasar niya sa akin. Umabot na sa umiyak ako sa isang sulok,” natatawang pahayag ni Paolo.

Anong klaseng pang-aasar?

“Hindi, kung anu-ano lang. Kung ano ang maisip niya,” pahabol pa niya.

Naging personal friends ba sila ni Bea while doing Sana Bukas Pa Ang Kahapon? Nakakapag-usap ba sila about their personal lives sa set?

“Siguro masasabi ko lang kay Bea, gusto ko palagi siyang masaya. Palagi siyang naka-smile.

“’Tapos kung gusto na niyang mag-settle down, he-he... Hindi, joke lang.

“Gusto ko lagi lang masaya si Bea,” ngiti ni Paulo sabay tingin kay Bea.

BEA’S WISH FOR PAOLO. Isa sa mga wish ni Bea kay Paulo ay makatagpo siya ng babaeng magmahal sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But he’s a good guy, so, he deserves a good girl,” sabi ni Bea.

Sagot naman ni Paulo, “Touched naman ako. Sige na nga, dagdagan ko ang advice ko sa ‘yo, ha-ha.”

“Si Bea kasi lagi akong asar-talo sa kanya sa set. Kasi hindi ko alam kung saan niya hinahagilap yung mga impormasyon niya.

“Palagi niya akong inaasar. So, asar-talo ako lagi ako. Pero yun lang.

“Si Bea kasi iba, e. Alam ko kapag masaya siya, like nito, galing siya sa bakasyon.

“Iba yung aura niya, iba lahat. Talagang sobrang ganado magtrabaho. Laging nauuna sa set. Yun lang siguro.”

LOVE SCENE.Isa sa mga nag-trending at pinag-usapan na eksena sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay ang love scene nina Paulo at Bea.

“It was the first love scene na ginawa namin after namin magkita ulit ni Rose [isa sa characters ni Bea sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon].

“Ah, siguro never na kaming magiging kumportable siguro sa mga ganoong eksena.

“But what we could do is focus on what the character needs to do and siguro parang andoon pa rin yung respeto sa isa’t isa habang ginagawa namin yun,” saad niya.

May mga natutunan ba siya sa paggawa niya ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon?

“Siguro ang natutunan ko minsan may mga nararanasan ka talaga na akala mo tapos na ang buhay mo.

“Parang nawawalan ka na ng gana na mabuhay pero huwag kang mawalan ng pag-asa dahil may dumarating talaga na, hindi pa tapos ang lahat talaga. May liwanag pa rin sa buhay,” pahayag niya.

LEANER FIGURE. Kapansin-pansin naman ang pagpayat ni Paulo ngayon. Pumayat ba siya dahil sa hirap ng mga eksena at ngaragang taping para sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon?

“Siyempre may parang... well, first of all, yung role ko rin kasi kailangan medyo macho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos ’ayun, dumating na Bench, yung Cosmo [fashion shows], so kinailangan na rin mag-slim down. Hindi naman payat, may laman naman,” ani Paulo.

CHALLENGING SCENES. Saang eksena sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon siya pinakanahirapan?

“Siguro isa doon sa mga yun yung time na bumalik si Emmanuelle.

“Kasi parang nung bumalik siya, pumasok siya ng Buena Creolo, ’tapos parang may nararamdaman si Patrick na kakaiba pero parang ang hirap din, e.

“Hindi mo alam kasi may asawa rin si Patrick, may anak, hindi mo alam kung mali ba na yung nararamdaman niya or as a viewer, or parang pakita nila na nangangaliwa ‘tong lalaki na ‘to.

“So, yun yung isa sa nahirapan ako. Sa eksena siguro sa love scene.

“Mahirap kasi, hindi kasi, mainit ’tapos siyempre iisipin mo rin si Bea. ’Tapos may sinusunod kang script at may sinusundan kang instruction habang ginagawa,” kuwento pa niya.

Maganda ang chemistry nina Bea at Paulo sa screen. May posibilidad ba na madugtungan ang tambalan nila sa big screen?

“Actually, depende po kay Bea ‘yan, e. Ha-ha-ha. Joke lang,” muli niyang biro.

MOVIES. Puwede na ba siyang gumawa ng pelikula sa Star Cinema?

“I guess, next year,” pakli niya.

As of now, wala pa raw siyang alam kung ano ang kasunod na teleserye ang gagawin niya sa Kapamilya network.

Magbabakasyon ba siya after ng last taping nila?

“Ako po may kailangan lang ako na tapusin na pelikula. Yung Mara, working title pa lang.

“It’s from Regal and Reality, ’ayun. Kasama ko si Isabelle Daza and Jasmine Curtis Smith. Horror po yung movie directed by Borgy Torre,” banggit pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN