German Moreno admits to being clueless about Willie Revillame’s plans to bring game show to Kapuso network

Kuya Germs on rumors about Willie Revillame’s plans to bring game show to Kapuso network: “I don’t know. I’m sorry, wala akong alam kung anuman ang nangyayari, kung anuman ang pagpa-plano. Basta ang sa akin lang, kung dumating, e, ’di i-welcome.”


Ipinagdiwang ni Master Showman German Moreno ang kanyang kaarawan sa kanyang late-night musical variety show na Walang Tulugan with the Master Showman sa GMA-7 last Saturday, September 27.

Prior to his birthday celebration sa Walang Tulugan ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si German, o mas kilala bilang si Kuya Germs sa showbiz, sa grand presscon ng The Trial ng Star Cinema last Thursday, October 2.

Bungad niyang pahayag, “Birthday wish? Well, I’m still here at inilalaan ko ang aking buhay, ang aking katawan para doon sa legacy pa rin na binigay ng ating Panginoon.

“Wala na akong pinapangarap kundi ma-maintain ko lang kung ano yung ginagawa ko at makita ko pa rin, gagabayan ko pa rin ang anak ko, si Freddie [Federico Moreno] at yung apat na apo ko.

“At yung mga tinuturing akong ama sa showbiz, at tinuturing ko na mga anak-anakan,” masayang panimula ni Kuya Germs.

Bukod sa Walang Tulugan, meron pa ba siyang ibang malaking selebrasyon para sa kanyang kaarawan?

“Ano lang naman, e... Actually, surprise lang ang gagawin sa akin sa show [Walang Tulugan] Wala akong idea. Ngayon, family ano lang, siyempre get together.”

Hindi na siya magpa-party nang personal?

“Basta ang sa akin mas importante sa akin ang pagbibigay nng pasasalamat sa ating Panginoon na I’m still here...

“Na gusto ko pang gamitin Niya ang katawan ko para doon sa legacy na ibinigay Niya sa akin na ginagawa ko mula noon hanggang ngayon—yung pagtulong pa rin na mag-build-up ng mga bata kahit hatinggabi ang show mo ay nakikita naman na puwede pa ring pakinabangan.”

How long does he wish na humaba pa ang buhay niya para patuloy ang ginagawa niyang pagtulong sa showbiz especially sa mga baguhang artista?

“Siguro naman ’no, proven naman na ang buhay ko talaga inilaan ko sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit Panginoon naman kapag nagdadasal ako sinasabi ko, ah, entertaining people and of course, bahagi ka ng pagtupad ng pangarap ng mga bata, e. That is something already.”

Puwede kayang malaman ang kanyang edad?

“Ah, same as yesterday. Ha-ha-ha! Dahil kapag sinabi mo ang edad mo, para ka lang nag-aano... e, di mabuti na yung ang feeling mo ay ganoon pa rin.”

SECRET TO LONG LIFE. Ano ang sikreto at nananatili siyang malakas at malusog pagkatapos ng ilang dekada na niya na pagbibigay kasiyahan sa mga Pilipino?

“Well, actually, nag-ano ako kamakailan, overnight lang. Parang executive check-up, okey naman daw.

“E, yun ngang prayers, e. Dahil I believe, gaya ng sinabi ko kanina, na, ’Gamitin Mo ang katawan ko para dito muna at binigyan mo ako ng anak at apat na apo, at anak-anak sa showbiz, so gusto ko yung katawan ko na nagagamit pa rin kung ano yung nasimulan ko na legacy na binigay Mo,’ ganoon. And I feel it.

“I feel it na ganoon nga, binibigay sa akin. Dahil lahat ng makakita sa akin, ’Anong ginagawa mo? Anong sikreto mo,’ gaya ng tanong mo. ’Hindi ka tumatanda,’ ganoon e.

“Sabi ko, siguro yung hinihiling ko binibigay.

“Eto lang nga ang medyo nagbabago, e,” sabay hipo niya sa kanyang tiyan na lumalaki.

“Pag-upu-upo siguro. Siguro kapag nag-iinterbyu kayo, tumayo na lang tayo. Ha-ha-ha!”

May regular exercise ba siya na ginagawa every day?

“Wala na, wala na. Dahil ang ano mo na lang is kapag tumayo ka, naligo ka, nag-aano ka, kumikilos ka. ’Tapos pagpunta mo sa trabaho, naglalakad ka naman siyempre. I mean, ‘pag hatid sa ‘yo sa sasakyan, pagbaba mo, lalakad ka, ganoon. E, yun na lang siguro para sa akin.”

Paano niya gustong matandaan ang legacy niya sa show business?

“Well, ah, kung nakilala ninyo si Kuya Germs, e, Kuya Germs pa rin hanggang sa ending.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A star builder, discoverer, Master Showman... yun ang sinasabi nila tungkol sa akin. ’Tapos dinagdag na rin nila ako bilang ’The King of Late Night Shows’ dito sa Pilipinas.

“Pero ayokong ako mismo ang magbigay ng titulo sa sarili ko. Bahala na kayo.

“Ang gusto ko lang, sana i-continue natin yung pagtulong sa mga nandiyan na bago.

“Kung merong naliligaw ng landas, huwag nating ida-down lalo. Gisingin lang natin.

“Hindi yung sisiraan pa nating lalo, ganito, ganyan, e. Kawawa naman.

“Yun lang ang pakiusap ko sana. And from me to you, a million thanks for being part of my life na hindi ninyo ako pinabayaan. Hindi yung siraan dito, siraan doon.”

JAKE VARGAS. Hanggang ngayon ay patuloy ang pag-discover at pagtulong ni Kuya Germs sa mga batang artista. Isa na rito si Jake Vargas na patuloy na inuulan ng intriga.

Apektado ba si Jake ng mga isyu sa kanya?

“Well, Jake is a simple guy na bata, na hindi katulad... I don’t want to mention names, na masyadong mataas ang ere.

“Itong si Jake, kung paano mo nakilala, hanggang ngayon ganoon. Sabi ko, magbago ka na ng ganito, ganyan. Wala, e.

“Ang sa kanya, ’’Eto lang naman ako, e. ’Eto lang,’ ganoon.

“Ginagawa ko naman as a manager na i-push ko siya pero siyempre. Siya yung may katawan, e.

“Kaya lang pinapaliwanag mo pa rin sa kanya. Pero we have to move on. Ayaw niya siguro yung makakarinig ng, ‘Ang yabang na nito ngayon’ or ‘Ang laki na ng ipinagbago nito.’

“E, kung may nabago it’s for the better. Hindi naman yung pagbago for the worse na nakikitaan ka ng kapintasan or ano, e. Wala.

“Siya kasi, kahit na nga sa barkada, hindi mo makikita ang kabarkada niya taga-showbiz, e.

“Mga barkada niya yung mga kinalikhan niya sa Olangapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pati nga yung gastos sa gasolina, uuwi, ganoon. Sabi ko, ‘Ano ba ‘yan?’ Kumuha na lang siya ng unit dito sa Quezon City. E, ayaw.”

LUIS GABRIEL MORENO. Samantala, proud lolo naman si Kuya Germs sa kanyang apo na si Luis Gabriel Moreno na nakakuha ng gold medal sa nakaraang Youth Olympics sa sport na archery.

Detalye niyang kuwento,“Well, yung isa pang bagay na sasabihin ko nga na nagdasal ako nung Linggo ng umaga na yun dahil sa hapon gaganapin yung competition.

“So sabi ko noon, sana makauwi ng karangalan ang aking apo. Sana maibigay mo, sabi kong ganyan, para yung bata naman magkaroon ng inspirasyon para ipagpatuloy.

“So nangyari yun. No’ng unang-una, nandoon nga ako sa presscon ng album ni Ken Chan, ‘di ba?

“Ang sabi sa akin, tinawagan ako ni Tito Noli, ‘Kuya Germs, silver na si Gabby.’ Sabi ko, ’Mabuti, salamat.’ Parang ang akala ko hanggang doon lang, silver ano.

“E, ’tapos after a few hours, nagulat ako. ‘Kuya Germs, gold na gold na!’ Nakuha na yung gold nga, yun na.”

Si Luis ang ikatlong anak ni Federico at misis niyang si Sheila Magdayao na kapatid ng mga artistang sina Vina Morales at Shaina Magdayao. Ang tatlo pa nilang anak ay sina Joel, Franchesca at ang bunsong si Raffy.

“Part ng premyo niya idinonate niya sa GMA Kapuso Foundation. Nagbigay siya ng P100,000

“Ano naman yun, e... mabuti malaman ng bata na kung ano yung nakikita niya sa akin, sabi nga niya, very thankful sa papa niya, yun ang tawag niya sa akin, e.

“Ah, ’ayun nga, yung suprota ko, yung pagtulong ko nandodoon. Gusto niya, yung unang award niya meron siyang isi-share.

“Sariling kagustuhan niya yun. Siya ang may-sabi na magbibigay siya. So yun, binigay niya sa GMA Foundation. Kasi nakita niya yung ginawa ng GMA Foundation, yung bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi yun katulad nung ginawa noong alam ninyo na kung sino na para lang kaha ng posporo. Pero yung GMA Kapuso, mas malaki at mas medyo may division,” pagmamalaki ni Kuya Germs sa apo.

Mag-aartista rin ba ang apo niya?

“Ah, hindi,” sambit ni Kuya Germs.

“Marami na ang nag-offer. Commercial, definitely, kapag nandiyan, gagawin niya.

“Unang-una nga sabi ko doon sa kumpare ko sa Happee Toothpaste, kasi sumuporta rin siya sa apo ko, puwedeng gamitin ng Lamoiyan [manufacturer of Happee Toothpaste].

“In showbiz, ayaw ng bata. Sabi nya, ‘Papa, ayoko, please, ha.’”

Binigyan ba ng special recognition ng GMA Kapuso Foundation si Luis Gabriel?

“Ah, may date kami kay Atty. [Felipe] Gozon na hindi pa nga naano dahil yung schedule ni Atty. Gozon, napakarami.”

Ipinatawag din ba siya ng Malacañang?

“Ah, hindi pumunta si PNoy doon sa ano, University of Life na dapat nandodoon lahat ng athletes. Hindi dumating si PNoy. Pinadala na lang yung incentives na ibinigay,” lahad niya.

Magkano ang binigay ng pamahalaan?

“P2.5M, ewan ko lang kung para sa lahat yun, o sa kanya lang,” balita pa niya.

Kung proud lolo si Kuya Germs, super proud father naman si Federico.

“E, yung tatay niya kasama. Abalang-abala na ano, kamuntik pa ngang ma-disqualify dahil nagutom sila, walang pagkain.

“Lumabas muna sila. Yung taxi naman daw na sinakyan nila hindi makaintindi ng Ingles. So hindi malaman kung ano na, saan na sila. Nagmadali sila pabalik.

“So pagdating na pagdating, makikita mo sa camera, suot agad ng mga gamit niya na kabadung-kabado si Gabriel. Pero para sa akin nakatulong pa rin yun dahil ano, nadoonn yung kanyang energy na gagawin niya lahat.”

Anong support ang binigay niya sa kanyang apo sa sports nito?

“Una, yung material na kailangan niya. Ako ang bumili ng bow and arrow niya. Pero ayoko nang sabihin kung magkano yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang ginamit niya sa competition—yung binigay ko sa kanya.

“Oo, from the start naman, e. Hindi naman agad yun ang gamit niya. Habang lumalaki siya paiba nang paiba ‘yan.

“Yes, proud lolo... proud papa ako.”

GMA MANAGEMENT OVERHAUL? Speaking of Atty. Gozon, may magaganap ba na “overhaul” sa GMA-7 pagkatapos pumasok ng businessman na si Ramon Ang bilang may-ari ng istasyon?

“Well, abangan na lang natin ano dahil hanggang hindi pa nangyayari, hindi pa natin puwedeng sabihin na yun na pala, ganoon na pala, ‘no?

“So pero suportado naman ng lahat ng taong nariyan, nobody, nothing will change.

“Ako? Well, basta ako kung kailangan ninyo pa ako, of course, e, di nandiyan lang ako.

“Alam ninyo naman maraming nagkainteres sa atin. And until now naman, e, marami pa ring interesado [sa akin].”

Lilipat siya sa ibang istasyon?

“Well, depende ‘yan sa itatakbo ng usapan. Nasa ano ‘yan, kung kailangan pa ako siyempre you have to continue kung ano ang nasimulan mo.”

Happy ba siya sa mga show niya sa GMA-7 ngayon?

“Ah, may nanghinayang lang ako. Nanghinayang lang ako in the manner na I don’t blame the management kundi maybe there was a time na nagtaka ka bakit yung nakitang nai-prove mo na ginanoon. Na meron kang isang program na inalis.

“Kung yung tao na yun ay may utak, dapat bang alisin ang isang programa na nag-build ng maraming artista, pinasikat, marami kang ginawa ano.

So, I don’t think in any networks ay gagawin yun. Kaya nga ako pinag-iinteres ng ibang network noon, e, dahil nga sa nakita nila.”

NETWORK TRANSFER PLANS. Muntik na siyang umalis ng GMA?

Pag-amin ni Kuya Germs, “Oo, kamuntik na. Three times kaming nagmi-meeting ni Ma’am Charo [Santos, ABS-CBN President] pero hindi ko... pinapaliwanag ko lagi na, ayoko naman noong, kahit na before Ma’am Charo, e, si Mr. Geny Lopez (Gabby Lopez’s father) mismo nung buhay pa, kinausap ako na kung pwede akong makuha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko naman, e, kung mangyayari ang ganoon parang hindi rin ninyo ako pagkakatiwalaan dahil siyempre kapag may nag-offer sa akin na mas ano, e, lilipat din ako. E, hindi naman yun ang pinag-anuhan ko na dahil lang sa pera.

“Ang sa akin, e, is really yung ano, yung staying power mo, yung pagtitiwala sa ‘yo,” diin niya.

WILLIE REVILLAME: KAPUSO? May kumalat na balita na lilipat sa GMA-7 ang TV host na si Willie Revillame. Kadugtong ng balita, ang programa ni Willie ang ipapalit diumano sa Walang Tulugan.

Mabilis niyang sagot, “Ay, hindi naman. Imposible yung ganoong oras na hatinggabi, ’no?”

Naalarama ba siya nung lumabas ang ganoong balita?

“No, no, no. Let’s wait and see because Willie is Willie, okay?

“And thankful din ako dahil nag-donate siya para sa ginagawa ko na every December may Walk of Fame.

“In fact, hindi naman dahil sa binigay niya ako, kaya ko ilalagay ang pangalan niya this coming December.

“Dapat ‘yan noon pa, e. Pero nung sinabi sa akin ni Mareng Cristy [Fermin] na wala pang time si Willie, so, hindi naming matuluy-tuloy.

“So ngayon, itong December 1 kasama ang kanyang pangalan sa Walk of Fame.”

Confirmed na ba ang show ni Willie sa GMA-7?

“I don’t know. I’m sorry, wala akong alam kung anuman ang nagyayari, kung anuman ang pagpaplano. Basta ang sa akin lang, e, kung dumating, e, di okey, i-welcome. Wala naman akong ano diyan.”

Nabalita rin na ilalagay ang show ni Willie as pre-programming ng Sunday All Stars. Totoo ba?

“E, di kung ganoon din, di go, go, go!”

Bilang consultant ng programang Sunday All-Stars, sa tingin niya makakatulong si Willie at programa niya as pre-programming for their show?

“Well, ah, who knows? Ano naman, e. Alam ko kanya-kanyang panahon naman ’yan, e. Kahit Sunday All Stars, nakikita natin na kung ano ang problema, e, siguro ginagawa naman nila ang lahat ng magagawa. And pag-ikot ng ano niyan, e, may pagbabago na naman. Ganoon lang ’yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN