Joyce Ann Burton says Megan Young will not extend reign as Miss World: “Her work sa charity projects... ang ma-e-extend.”

Former beauty queen Joyce Ann Burton (in photo) on rumors that Megan Young will extend her reign as Miss World: “Megan will still relinquish her crown to the next Miss World. But her work sa charity projects ng Miss World ang mae-extend. Mrs. Julia Morley loved how involved Megan is sa mga charity works nila kunsaan-saan. So she wants to keep Megan just for that. And that is good news for everybody, ‘di ba?"


Nilinaw ng former Miss Young Pilipinas 1981 at Bb. Pilipinas-Universe 1985 na si Joyce Ann Burton ang tungkol sa nabalitang pag-extend ng pagiging Miss World ni Megan Young.

Binalita kasi sa entertainment website na Adobo Chronicles na hanggang 2015 daw ang pagiging Miss World ni Megan Young.

Ayon kay Joyce, na isa sa mga members ng screening committee ng Miss World Philippines, wala raw katotohanan na ma-e-extend ang tenure ni Megan bilang Miss World. Ang ma-e-extend daw ay ang involvement nito sa charity works ng Miss World Organization.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang former beauty queen sa press launch ng GMA-7 Afternoon Prime teleserye na Ang Lihim ni Annasandra noong October 1 sa Area O5 Superclub along Tomas Morato Ave., Quezon City.

“Yeah, I read about that and you know what? Yung website na ‘yon, nanggugulo lang sila ng balita.

“Ako mismo, binabasa ko yung site na ‘yon kasi nakakatawa. Parang totoo ang mga news nila.

“If you just read about it, you would think na totoo yung binabalita nila. But it’s not. Fake yung news nila. Magaling lang yung mga nagsusulat sa kanila.

“Kelan lang nga, they had this news na banned daw ang Philippines to join international beauty pageants for two years.

“That is so funny kasi wala namang gano’n talaga. It’s all for fun at kung naniwala ka, nabiktima ka nila,” tawa pa niya.

IMPRESSED BY MEGAN’S INVOLVEMENT. Nagustuhan nga raw ng head ng Miss World Organization na si Mrs. Julia Morley ang pinakitang sipag ni Megan sa kanilang mga charity works sa iba’t ibang bansa, kaya gusto nilang kasama pa si Megan hanggang 2015.

“Megan will still relinquish her crown to the next Miss World. But her work sa charity projects ng Miss World ang ma-e-extend.

“Mrs. Julia Morley loved how involved Megan is sa mga charity works nila kunsaan-saan. So she wants to keep Megan just for that. And that is good news for everybody, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even if Megan is no longer Miss World, nandoon pa rin siya sa Miss World Organization helping out.

“Ganyan naman tayong mga Pinoy, ‘di ba? As long as they need our help, tutulong tayo ng buong puso at kaluluwa natin,” ngiti pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN