Kylie Padilla on possible romance with Rayver Cruz: “I like him. Pero ayaw ko rin pinipilit.”

"Masaya ako kay Rayver kasi sobrang bait. Maganda ’yong chemistry," Kylie Padilla says about working with Rayver Cruz.


Inamin ni Kylie Padilla na aprubado sa kanyang tatay na si Robin Padilla si Rayver Cruz, ang bago niyang ka-partner sa Dilim.

Sa press conference na inihanda ng Regal Films para sa bago nitong suspense-thriller movie, napansin ng mga entertainment reporters na bagay onscreen ang tambalan nina Kylie at Rayver.

Kaya tinanong siya kung ano ang masasabi ni Robin sa bago niyang ka-partner. Sagot naman ni Kylie, “Actually, gusto niya ’to [Rayver]. Siya ang may sabi, ’Anak, mabait ’yon.’”

Napag-usapan daw nila ang tungkol kay Rayver nang mabangggit ng asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez ang tungkol sa Dilim.

Tila nagustuhan naman ito ni Kylie dahil nagkomento siya, “Tama ’yon. Ayaw ko na ng drama.”

Bilang bagong katrabaho, masaya raw ang 21-year-old actress sa pagsasama nila ng 25-year-old actor.

“Masaya ako kay Rayver kasi sobrang bait. Maganda ’yong chemistry,” dagdag pa ni Kylie.

Kaugnay nito, hindi itinanggi ng dalagang actress na kinikilig siya habang pinapanood niya ang mga eksena nila ni Rayver.

Natatawang kuwento pa niya, “Nagda-dubbing ako, pinapanood ko, hindi naman nakakakilig ’yong eksena pero kinikilig ako!”

Gayunman, pinangunahan na ni Kylie ang entertainment reporters na huwag na munang bigyan ng ibang kulay ang pagkakaibigan nila ni Rayver sa ngayon.

“Masaya na ako sa ganun, may kaibigan na ako sa ABS-CBN,” biro pa ng Kapuso actress.

ENJOYING HER FREEDOM. Samantala, gusto raw muna i-enjoy ni Kylie ang “freedom” sa pagiging single. Matatandaan na ilang buwan pa lamang ang nakalilipas nang maghiwalay sila ng kanyang kasintahang si Aljur Abrenica.

Para kay Kylie, “Take time muna kasi ang fresh pa nung nangyari. Masarap ’yong freedom.”

Hindi pa rin daw siya handang pumasok sa bagong relasyon.

Katuwiran niya, “Tama rin naman kasi ’yon, na huwag mong madaliin. Feeling mo ready ka na pero hindi pa pala. Ayaw kong madaliin. Kasi kapag ako ang nai-in love todo, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nang tanungin kung magiging bukas ba siya sa mga manliligaw, sagot ni Kylie, “Kung sa tingin ko worth it ang guy, puwede.”

Sa huli tinanong si Kylie kung maaring manligaw si Rayver sa kanya kung sakali.

Nakangiting sagot ni Kylie, “Oo, kasi I like him. Pero ayaw ko rin pinipilit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN