Enrique Gil on loveteam partner Liza Soberano: “Nag-uusap kami, nagte-text pero yung ligaw, bawal pa.”

Enrique Gil explains why he’s biding his time before courting new loveteam partner Liza Soberano: “Kasi ’di pa kami ganun ka-close na masasabi mo. I mean you can imagine pero para sabihin mong sure na akong puwede kami, siyempre kailangan pa kaming mag-bond nang matagal.”


Marami ang nagsasabi na ang career path daw na tinatahak ni Enrique Gil ay maikukumpara sa pinagdaanan ng Box Office King na si John Lloyd Cruz.

Sa kabila kasi na isa sa pinakatanggap na tambalan ang Bea-John Lloyd tandem ay ipinareha din ang sikat na aktor sa ibang leading ladies tulad nila Sarah Geronimo, Angel Locsin at Toni Gonzaga kung saan pare-parehong naging box office hits ang mga ginawa niyang pelikula kasama ang mga ito.

Kung susuriin, may pagkakahawig ang tinatakbo ng career ni Enrique kung saan una itong ipinareha kay Julia Montes, sinundan ni Julia Barretto, at ngayon ay itinambal naman kay Liza Soberano sa seryeng Forevermore ng Kapamilya network.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Enrique sa pocket presscon ng Forevermore nitong nakaraang Biyernes, October 3, sa 9501 resto sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN, para sa aktor ay isang magandang hakbang ang ipareha siya sa iba’t ibang aktres ng kanyang henerasyon.

Ayon kay Enrique, “Actually yun din ang okay sa akin, paiba-iba, you get to learn pero yun nga lang, minsan dun nagkakaproblema.

“May good side, may bad side pero wala tayong magagawa.

“Ganun talaga, yung mga fans minsan ’di namin maintindihan: ’Bakit si Julia?’

“Kasi yung management ang nag-decide, wala tayong magagawa, it’s just work. Kung fans namin kayo, you can support us sa iba’t ibang shows namin.”

“Okay yun, John Lloyd is a great actor, he worked with different leading ladies and nag-grow siya kasi paiba-iba.

“When you work with somebody then with the next one, minsan may flow na kayo pero with the different girl iba naman.

“It’s good na ma-exercise, na makita mo, ’Ah iba pala ang pag-arte ko sa kanya, iba naman dito.’

“Mas mabuti yun para sa akin.”

DIRECTORIAL TANDEM. Dahil sa bagong tandem ng direktor para sa kanilang serye, aminado si Enrique na may pressure sa part nilang mga aktor lalo’t naging matagumpay ang nakaraang serye kung saan si Theodore Boborol ang direktor ng Angelito at si Cathy Garcia-Molina naman ang direktor sa seryeng Got To Believe in Magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagmamalaki niya, “Sa loveteam namin sobrang saya na, what more with Direk Cathy Garcia pa? It’s like the cherry on top... yun ang pinakamaganda sa lahat.”

“Kinakabahan din, pero yung state of mind namin ’wag mong isipin yun, you have the best director, you have a good script, you have a good story, so we trust the team.”

“May ganung kaba at pressure, pero para sa amin we just want the people to fall in love sa story at sa characters namin.

“Yun ang gusto namin, yung ma-feel nila kami, at ’pag na-feel nila kami, ’pag kumapit na, I believe magiging okay na.”

Balita na si Enrique ang humiling kay Ms. Malou Santos (Star Cinema Managing Director) na gusto niyang makapareha si Liza sa isang proyekto.

May ilan tuloy na nagtatanong kung bakit hindi si Julia Montes ang hiniling niya, gayong may malakas silang fan base ng dating kapareha dahil sa mga seryeng pinagtambalan nila noon.

Paliwanag ni Enrique, “Iba kasi siya [Liza], yung tipong nakakita ka ng sobrang hinhin, soft-spoken, parang walang malisya, inosente.

“Ano ba itong batang ito? Sobrang mahiyain, cute pa tapos ang bait pa. ’Di ko alam kung bakit humirit ako kay Tita Malou, ’di naman ako nagsasabi sa iba na gawan mo naman kami ng show ni ano. Hiniritan ko tapos, wow!

“Kaunti siguro dahil nagagandahan, yun nga ang sinasabi ko.

“’Di ko alam, basta nung sinabi niya na, ’Oy, napanood ko yung eksena ninyo ni Liza, okay naman,’ bigla akong humirit out of nowhere. Siguro yun ang nararamdaman ko," aniya.

“Julia Montes? Okay lang din kasi coming from Tita Malou... napanood niya ang eksena namin sa She’s The One. Sinabi niya, ’Okay puwede,’ sabi ko, ’Okay Tita, we can do something.’

“Coming from Tita Malou... may nakita daw siya sa amin. Kasi yung eksena namin is ’di ko in-expect na ganun ang dating sa kanya. ’Di namin in-expect na si Tita Malou, iba ang tingin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, ’Sige po.’ E, she’s the boss, may mata yun. Of course, coming from her, dun ko naisip na baka nga puwede.”

GETTING TO KNOW LIZA. Sa kabila ng pagiging bukas sa paghanga niya kay Liza, aminado si Enrique na ’di pa talaga niya masasabi na super close na sila dahil di pa nagsisimula ang taping ng Forevermore.

Sa tanong kung may ginawa na ba siyang "moves" kay Liza, hindi naman itinago ng aktor na wala pa siyang ginagawa kahit na anong hakbang sa kapareha.

Sabi pa niya, “Kasi ’di pa kami ganun ka-close na masasabi mo... I mean, you can imagin pero para sabihin mong sure na akong puwede kami, siyempre kailangan pa kaming mag-bond nang matagal.

“Hindi pa. Nag-uusap kami, nagte-text pero yung ligaw, bawal pa.

“Wala pang moves kaya gusto kong magsimula na sa taping para may masagot ako. Teaser pa lang, pero yung shoot ay soon.”

Ayon kay Enrique, hindi rin sila nabigyan ng pagkakataon na makapag-usap at maging close noong una silang nagtambal sa pelikulang She’s The One ni Liza. Pero nakatulong daw nang malaki ang workshops kunsaan nagkasama sila ng aktres para may mabuong closeness sa kanilang dalawa.

Patuloy pa niya, “Not that much, kasi first time so ’di kami magkakilala masyado. Yung eksena namin not as much with Bea so it’s different kasi parang best friends kami dun.

“After that, nung naging loveteam kami, in-announce tapos we’re doing workshops now. ’Di kami nag-workshop before, pero now nagwu-workshop kami.

“Mas naging close kami ngayon coming from She’s The One. Ngayon mas naging solid kami.”

MANAGEMENT DECISION. Dahil naging matagumpay rin naman ang mga proyekto na pinagtambalan nila ni Julia Montes at Julia Barretto, hindi kaya naisip ni Enrique na gumawa na lang uli ng serye kasama ang mga ito at hindi na lang sumugal sa isang tambalang hindi pa sigurado kung tatanggapin ng publiko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa niya, “Kung yun ang desisyon ng management, okay lang sa akin, walang problema.

“Kung magustuhan ng tao imposibleng ’di ibabalik siguro. Depende sa management, basta kami trabaho lang.”

MISSING JULIA BARRETTO. Hindi naman tinago ni Enrique na nung nagdesisyon ang management na ipahinga muna ang tambalan nila ni Julia Barretto ay nakaramdam siya ng lungkot. Agad naming hiningan ng reaksyon, kung sa palagay ba niya ay hindi nakaapekto ang mga negatibong isyu kay Julia kaya pinagpahinga muna ang loveteam nila ng ABS-CBN?

“Siyempre at that time, nakasama mo for one whole show, iba yung bonding namin ni Julia.

“Siyempre kami ang mas close tapos nalaman mo hindi na. Siyempre that time you’re so sad and you think, ’When will I see you again o kailan tayo magkakatrabaho?’

“Pero ganun talaga, she has another show, I have this one, sanay na ako na maglipat-lipat ng loveteam.

“Wala akong alam dun, I don’t think it’s a factor kasi yung mga fans namin okay naman sila. Siguro may nakita lang ang management kaya stop muna yung loveteam.

“Siguro at that time, wala pang script na available for us, ’di masasabi.

“To make a show like this, it takes time din, siguro nung after She’s the One, they made lang a good script, a good story para bagong loveteam for me.

“Different teams po kasi, ibang team ito, ibang team yun.”

“I know about it. Si Julia nagkukuwento din sa akin yun, pero para sa akin, ’di naging factor, never ever."

KEEPING IN TOUCH. Bagamat hindi na sila nagkakasama ni Julia, kinuwento ni Enrique na tuloy pa rin naman ang komunikasyon nila ng dating kapareha.

“We see each other sa ASAP pero ’di katulad dati na everyday kaming nagkikita dahil sa taping, ’di na ganun but the friendship will always be there.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN