Erwin Tulfo on Paolo Bediones’s sex video scandal: “We make mistakes.”

Erwin Tulfo on TV5 news colleague Paolo Bediones, who recently figured in a sex video scandal: “We are friends, Paolo and I are best friends. Sabi ko, ‘Just hang on and pray.’ Yun lang at tatagan niya ang kanyang loob. Nandito lang kaming mga kaibigan niya.”


Iginiit ng TV5 broadcaster na si Erwin Tulfo na walang nangyayaring sibling rivalry sa pagitan nila ng mga kapatid niyang sina Mon, Ben at Raffy Tulfo. Suportado raw nila lagi ang isa’t isa.

“Wala naman ho [sibling rivalry].

“Kasi naturuan kami ng mga magulang namin ng respect doon sa panganay, sa matanda, e [Mon].

“So we always give way, yung mga younger [siblings] naggi-give way doon sa mas matanda sa amin,” sabi ni Erwin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling press people si Erwin sa Max’s restaurant sa Robinson’s Galleria noong Oktubre 1.

Natanong din ng PEP si Erwin kung ano ba ang masasabi niya na sa tingin ng iba ay siya na raw ang pinakasikat ngayon sa Tulfo brothers?

Tanggi niya, “Naku, hindi naman ho.

“We always look up to Mon because he started it all, ’di ho ba? He started it in the 1970s.

“And then nandiyan din si Raffy, nandiyan din si Ben, pare-pareho naman kaming nasa TV, it doesn’t matter.”

LOADED WITH WORK. Isa kasi sa mga pinaka-busy na broadcasters si Erwin ngayon dahil tatlong news programs ang hinahawakan niya mula Lunes hanggang Biyernes, umaga hanggang gabi.

Una na riyan ang Punto Asintado, na napapakinggan 8am-10am sa Radyo5 92.3 NewsFM with a live simulcast sa AksyonTV at sa n5e.interaksyon.com. Kasama niya rito sina Martin Andanar at Benjie Felipe.

Tuwing tanghali naman 12:45pm-1:30pm, ay napapanood sa TV5 ang public service program na T3 Enforced, na hinu-host nila nina Ben at Raffy. Kasama naman ni Erwin ang hepe ng News5 na si Luchi Cruz-Valdes sa Kapatid primetime news program na Aksyon na napapanood 6pm-7pm.

Bukod sa kanyang TV at radio programs, nagagawa pa rin ni Erwin na makapagsulat ng mga kolum niya sa ilang pahayagan. Sa kabila rin ng kanyang kaabalahan ay may oras pa rin siya para sa kanyang pamilya tuwing Sabado at Linggo, puwera lang kung may special coverage o assignment siya na natapat ng weekend. Naiintindihan naman daw ito ng pamilya niya lalo na ng kanyang mga anak dahil trabaho naman ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIOPIC? Natanong din si Erwin kung papayag ba siyang isapelikula ang kanyang buhay.

Natatawa niyang sagot, “Naku, huwag naman, boss. Masalimuot iyan.”

Kung sakali lang naman na gagawin ngang pelikula ang buhay niya, sinong artista ang gusto niyang gumanap bilang siya?

“E, si Edu [Manzano] na. Siyempre kaibigan ko siya, kaya kilala niya na rin ako.”

Kung siya rin daw ang mamimili ng leading lady ni Edu, “E, si Ate Vi [Vilma Santos] na, puwede.”

PAOLO BEDIONES. Samantala, bilang isa sa mga broadcaster ng TV5, hiningan ng PEP ng reaksyon si Erwin tungkol sa pinagdadaanan ngayon ng kanyang kasamahan sa News5 na si Paolo Bediones kaugnay ng lumabas na sex video nito kamakailan.

Sabi ni Erwin, “We are friends, Paolo and I are best friends.

“I was sad when I heard and lumabas sa news yung what happened to Paolo. Siyempre hindi ko naman siya tinanong na… I just waited na mag-open up siya.

“E, nung tinanong ako, ‘Bakit kaya nangyari yun, Erwin?’ Sabi ko, ‘I don’t know.’

“Siguro, sabi ko, when we are young, we make mistakes, ’di ba? So kagaya ko I used to drink a lot. Pero ngayon hinay-hinay na. We make mistakes.”

Ang payo lang daw ni Erwin sa kaibigan, “Sabi ko, ‘Just hang on and pray.’ Yun lang at tatagan niya ang kanyang loob. Nandito lang kaming mga kaibigan niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN