Tom Rodriguez attributes his daring moves in "The Naked Truth" fashion show to adrenaline rush

Tom Rodriguez recalls how he felt just before he walked onstage at the recent Bench "Naked Truth" underwear fashion show: “Something happened na as soon as I stepped out, hindi ko na-expect, parang nag-auto pilot ako, nag-blackout. I didn’t expect that I’ll do what I did, na parang ako rin nagulat na pagkatapos, sabi ko, ‘Oh, did I just do that?’”


Isang malaking birthday gift daw para kay Tom Rodriguez ang ipinagkaloob sa kanya ng programang Don’t Lose The Money.

“Bagong skill set yung natututunan ko... it’s a different challenge na naman.

“Actually, dun ako masaya, e. Parang every birthday ko, parang binibiyayaan ako ng something na marami akong natututunan, marami akong na-e-explore na bagong things.

“Last year was MHL [My Husband’s Lover], nung birthday ko nagtatrabaho ako sa set ng MHL. Iyon yung kinonsider kong birthday gift for that year,” kuwento niya.

Birthday ni Tom noong Miyerkules, October 1, at sa tanong namin kung meron pa siyang materyal na bagay na hinihiling bilang birthday gift, sagot niya, “Hindi ako ma-materyal, e.

“’Pag ano, gadgets lang. E, kumpleto na naman ako ngayon ng pang-drawing ko. Iyon lang naman yung kailangan ko sa buhay, ang makapag-drawing.

“Makapag-chat sa family ko.

“So far, wala na akong… well material thing siguro itong condo na kakakuha ko lang.

“It’s my first investment kasi kung saan ako nagre-rent ngayon, I got one [floor] higher up lang na same building.

“Kasi ’pag sanay na ako sa isang area or kahit anong bagay... sanay na ako sa lugar, gusto ko na yung building, yung staff, yung mga tao dun, so doon na lang din ako.

“At home na ako.”

Cash na binili ni Tom ang bago niyang condominium unit.

“Actually kasi, hindi naman ako maluhong tao, hindi ako mabisyo so I try to save. Kasi nasasayangan din ako na lagi na lang renting, I don’t see it going anywhere.

“At least sana, hopefully, it’s a sound decision,” pahayag pa niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa last shooting day ng T’yanak kahapon, October 4, sa UP Diliman campus.

Ang birthday month rin daw niya ang maituturing niyang most challenging month dahil nagkasabay-sabay ang mga trabaho niya—ang My Destiny at ang Don’t Lose The Money, ang pagrampa niya sa “The Naked Truth” show ng Bench, at ang indie horror film directed by Direk Peque Gallaga at Lore Reyes na T’yanak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At habang nangyayari ang lahat ng ito ay naroroon daw si Carla Abellana para bigyan siya ng suporta. Si Carla ang leading lady ni Tom sa My Destiny at hindi mamatay-matay ang isyu na may relasyon na raw ang dalawa bagaman pareho silang walang inaamin. Special friends lang daw sila.

COCO MARTIN CONTROVERSY. And speaking of “The Naked Truth,” naging kontrobersyal ang naturang denim and underwear show ng Bench dahil sa pagrampa ni Coco Martin na may hawak na leash at sa dulo nito ay may naka-kolyar na isang foreign female model.

Pero hindi raw alam ni Tom ang mga detalye ng pagbatikos at pamba-bash ng publiko lalo na ng mga women’s rights advocates tungkol dito.

Pag-amin niya, “I had no idea that anything like that was going on.

“Hindi ko rin alam, since I was a performer din. Naka-focus ako sa kung ano yung pinapagawa sa akin... Lalo na when we’re backstage, minsan hindi mo maano yung ibang segment.

“So ang hirap magbigay ng opinyon na hindi ko alam yung kabuuan.”

MOM’S REACTION. Si Tom ay hindi na-bash pero pinag-usapan nang husto ang “bukol” niya at ang mapangahas na pagbaba niya ng kanyang underwear na muntik na ngang makita ang kanyang itinatago.

“Yung ano ko lang was nag-request ako sa ate ko na sana huwag ipakita sa nanay ko pero too late na, e. Si Mommy marunong na palang mag-Facebook,” at natawa si Tom.

“Dati puro Solitaire lang ang alam gawin. Advanced na, hindi ko na napigilan,” ang patuloy na tumatawang sinabi ni Tom.

Nawindang daw ang ina niya nang makita ang ginawa ni Tom.

“She was shocked but extremely proud kasi she knew how hard I’ve been working for that day,” pakli pa niya.

Wala raw sana siyang intensyon na ipakita sa Mommy niya ang kanyang daring move.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, hindi ko naman alam, e. Usually si Mom hindi naman ma-Internet na tao kaya nagulat ako. Nasabihan na pala agad siya ng mga friends niya,” dagdag pa niya.

Tinawagan daw agad ni Tom ang Mommy niya na nasa Arizona sa USA.

“Sabi lang niya, ‘Okay lang yan, lalaki ka naman,’ ang tawa pa rin nang tawang kuwento sa amin ni Tom.

CARLA’S REACTION. Ano ang reaksyon ni Carla sa ginawa ni Tom?

“Shocked but extremely proud. Si Carla [knew how hard I] worked, kasi kasama ko siya sa taping ng My Destiny. Sa taping, talagang diet, hindi kakain, minsan [wala] kahit tubig.

“Nakita naman niya na ano, so she was really proud din naman daw.”

Given the chance ay gagawin daw muli ni Tom ang ginawa niya sa “The Naked Truth.”

ALL-NATURAL.” Itinanggi naman ni Tom ang tsismis na gumamit daw siya ng labakara nang rumampa siya ng naka-briefs lamang.

Giit niya, “Ah, no, no, no! Someone mentioned it pero, no.”

So it’s all natural?

“Oo,” at muling tumawa si Tom.

Proud ba siya sa kanyang katawan?

Pagklaro niya, “No, I don’t think I set out to do anything or prove anything naman in that department.

“But I understand that people are always open to their own interpretations and people will always say what’s in their hearts, what’s on their minds.

“And to me, okay lang, I mean that’s their own opinion. Ako I don’t let it affect me. Lalo na things I can’t control.

“The things I would let myself be affected na lang siguro yung mga, kunwari for work, if it’s my craft, acting-wise, ganun.”

DARING MOVE. Sinabi ni Tom na iyong paghila niya pababa ng underwear niya ay wala sa script; naisipan lang daw niyang basta gawin iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbabalik-tanaw ni Tom, “Adrenaline na lang. Kasi sobrang kinakabahan talaga ako, sobrang takot ako noon.

“Nung nandun ako, something happened na as soon as I stepped out, hindi ko na-expect, parang nag-auto pilot ako, nag-blackout.

“I didn’t expect that I’ll do what I did, na parang ako rin nagulat na pagkatapos, sabi ko, ‘Oh, did I just do that?’

“Mabuti na lang I didn’t take it all the way kasi pag ganun ko [paghila], nung naramdaman ko, [sabay-muwestra ng mga kamay niya na nagtama] tumama! Sabi ko, ‘Whoa! Okay!’”

Na mabuti na lang raw at nakontrol niya kundi ay mahihila niya nang tuluyan pababa ang suot niyang underwear.

“Oo! Mabuti na lang, at least.”

Ayon pa kay Tom, “Kasi it’s my first time to do that kind of thing, kaya hindi ko alam kung iyon yung nangyayari with other people who do runway, na parang they go into a zone, parang nagba-blackout din, yung parang nag-o-auto pilot rin or kung ako lang.

“Pero it’s exhilarating din in a way, I never expected it to be that way kasi sobrang kabado ako backstage, e.

“Na hindi ko alam na posible pala na you can get that kind of adrenaline rush. Siguro you get that rush from the people directly.

“Na paglabas mo, nakita mo kung gaano sila kadami.

“It’s a deafening-type of cheer na almost hindi mo na naririnig but you know it’s there, na parang it’s intoxicating in a way—their cheers—kaya siguro nangyari iyon.

“Hindi ko rin naplano.”

Hindi naman daw nagalit, bagkus ay natuwa naman daw ang manager niyang si Popoy Caritativo.

“Siguro he wouldn’t be happy if it went all the way,” at muling tumawa si Tom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN