Alden Richards reaps the rewards of his hard work

Alden Richards says his sacrifices and hard work have made him what he is today: “Siguro, kung anuman po yung narating ko ngayon ay dahil po sa paghihirap ko rin, sa sakripisyo kong ginawa ko sa buhay ko and sa mga pagpupuyat—dugo’t pawis, lahat po, effort. Siguro ito lang po yung kapalit nun.”


Hanggang Top 60 lamang umabot si Alden Richards nang sumali siya sa StarStruck Season V noong 2009, kunsaan ang nanalong Ultimate Male and Female Survivors ay sina Steven Silva at Sarah Lahbati.

Tinanong namin si Alden kung ano ang masasabi niya ngayon na mas sikat pa siya sa ibang winners ng naturang artista search ng GMA-7.

Tila nahihiyang napatawa si Alden bago sumagot.

“Hindi ko po alam!

“Siguro kung anuman po yung narating ko ngayon ay dahil po sa paghihirap ko rin, sa sakripisyo kong ginawa ko sa buhay ko and sa mga pagpupuyat—dugo’t pawis, lahat po effort.

“Siguro ito lang po yung kapalit nun,” pahayag niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa presscon ng Bet ng Bayan noong Martes, September 30 sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Si Alden ang co-host ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa Bet ng Bayan.

Sa direksyon ni Mark Reyes, ang Bet ng Bayan ay eere na simula mamayang gabi, Linggo, October 5, mula 9:40 hanggang 10:40 ng gabi at may updates naman mula Lunes hanggang Biyernes, 10:05 pm -10:20 pm.

SACRIFICES. Going back to his sacrifices, ano ba ang mga sakripisyong ginawa ni Alden?

Ayon kay Alden, “Of course, yung studies.

“Hindi ko po ipinagpatuloy yung studies ko kasi, because of time.

“Lovelife, hindi ko po talaga binibigyan ng... hindi naman sa hindi binibigyan, pero... hindi siya priority sa akin ngayon.

“And yung time ko sa family ko wala na masyado, halos wala na nga rin po akong time sa sarili ko.

“And siguro, iyon po, iyon po yung certain sacrifices na talagang medyo mabigat for me. Pero yung rewards naman po nun after those sacrifices—worth it naman so okay lang po iyon.”

INVESTMENTS. Ang ilan sa mga rewards na tinutukoy ni Alden ay ang mga na-invest na niya.

Isa na dito ay ang farm na binili ni Alden sa Lemery, Batangas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humigit-kumulang na 2.4 hectares ang lawak ng bagong farm ni Alden.

May mga tanim ang kanyang farm.

Detalye niya, “Mostly mahogany trees po, may mangga, may langka tapos santol. Iba-iba po, e.”

Ayaw namang i-reveal ni Alden kung magkano ang bili niya sa kanyang farm.

Aniya, “Mura lang, mura lang po.”

Hulugan daw ang pagbabayad niya sa kanyang farm.

Sino ang nag-advise sa kanya na bumili siya ng farm?

“Real estate po talaga ang pinakamagandang investment.

“Family ko po... ang nag-advise sa akin na iyon ang gawin kong investment,” lahad niya.

Isusunod naman ni Alden na magpundar ng mga apartment units.

Ibinibenta na niya ang bahay nila sa Laguna na binabaha at naghahanap rin siya ng bagong tirahan na hindi binabaha. Sa ngayon ay nagrerenta muna sila ng bahay.

Nakabili na rin ng bagong kotse si Alden at malapit na ring mag-graduate next year ang kapatid niyang babae na siya ang nagpapaaral.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN