Jake Vargas signs four-year contract with GMA-7

Jake Vargas beams after signing a four-year contract with the Kapuso network: “Isa na naman itong malaking opportunity sa akin, dahil sa loob ng apat na taon ay magkakasama-sama pa rin tayo dito sa Kapuso Network at siguradong sunud-sunod na ang trabahong gagawin ko.”


Certified Kapuso na ang young actor na si Jake Vargas na pumirma ng four-year contract with GMA-7 nitong nakaraang Biyernes, October 3.

Ayon nga kay Jake sobrang kasiyahan ang naramdaman niya nang papirmahin siya ng network contract.

Kuwento ni Jake nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Walang Tulugan with the Master Showman sa Studio 6 ng GMA matapos nitong pumirma ng kontrata, “Sobrang saya ko, kasi ngayon puwede ko nang sabihin na certified Kapuso na ako, dahil pumirma na ako ng four-year contract.

“Isa na naman itong malaking opportunity sa akin, dahil sa loob ng apat na taon ay magkakasama-sama pa rin tayo dito sa Kapuso Network at siguradong sunud-sunod na ang trabahong gagawin ko.

“Although dito naman talaga ako nagsimula at dito ako nakilala at nagka-pangalan, kaya naman happy ako na pumirama sa GMA.

“Kaya naman excited na ako sa mga susunod pang trabaho na ibibigay nila sa akin. Proud to be Kapuso na talaga ako.”

PROJECTS. Tinanong namin kay Jake kung anu-anong mga projects ang inihanda ng network para sa kanya alinsunod sa bago nilang kontrata.

Sabi niya, “Ayoko kasing mag-detalye kung ano ang mga nakalagay sa contract ko, baka kasi isipin ng iba mayabang o nagyayabang.

“Sikreto na lang, basta alam naman natin sa pagpirma ng kontrata merong mga proyektong gagawin, yun na lang siguro.

“Basta ang mahalaga nakapirma na ako at happy ako, haping-happy!

“’Tsaka si Bea [Binene, his girlfriend] kakapirma rin lang. Sana nga sabay kami kaya lang medyo na-busy ako kaya nauna na siya at ito nga, ngayon lang ako nakapirma.

“Kaya paniguradong marami pa kaming proyektong pagsasamahan ni Bea."

EXPECTATIONS. Ano naman ang mga expectations ni Jake ngayong certified Kapuso na siya?

Lahad niya, “Ano ba? Siguro isa sa expectation ko yung sana lang magkasunud-sunod na yung trabaho namin ni Bea na magkasama, kasi medyo matagal-tagal din kaming hindi nagkaroon ng teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana next year maganda na, mas dumami na yung projects na magkasama kami."

NOT CHOOSY WITH PROJECTS. Nilinaw din ni Jake na hindi naman siya maarte sa pagpili ng mga projects.

Ani Jake, “Actually, sa akin naman kahit anong ibigay nilang project sa akin okey lang, ayoko naman isipin nila na namimili ako ng proyekto. Basta sa akin naman, ang mahalaga may trabaho.

“Katulad ngayon balik tambalan kami ni Bea sa Strawberry Lane at pang-bagets yung show namin dito.

“Kaya okey lang sa akin, kung bibigyan ba nila ako ng mature roles na bagay sa akin at kaya ko naman, okey lang.

“If ever naman na bibigyan nila ako ng pa-cute na role o yung may kilig-kilig lang kasama si Bea, okey din. Sabi ko nga, ang mahalaga may trabaho ako.

“Sa panahon ngayon kasi dapat ’di ka namimili ng trabaho. Sa dami ng artista, masuwerte ka na na hindi ka nawawalan ng trabaho.

“Mahirap kaya ang mabakante at walang trabaho, wala kang kita."

UNFAZED BY NEW TALENTS. Hindi raw apektado si Jake kung sakaling magdagsaan ang mga bagong artista sa kanyang home network.

Pahayag niya, “Hindi naman ako kinakabahan o nababahala sa pagdating mga bagong artista sa GMA-7 na galing sa StarStruck especially now na naka-sign up na ako.

“Dito naman kasi sa industriya as long as mahusay ka magtrabaho at marunong ka makisama, hindi ka mawawalan ng trabaho.

“Kailangan lang talaga magtrabaho ka nang maayos para lagi ka paring bibigyan ng trabaho."

PLANNING FOR HIS FUTURE. Aminado si Jake na hindi naman pangmatagalan ang kanyang showbiz career, kaya’t hindi naman niya ikinakaila na kailangan din niyang magplano para sa kanyang kinabukasan.

Patuloy pa niya, “Sa ngayon kasi lagi ko ngang iniisip na hindi naman lagi kaming bata.

“Darating yung time na tatanda rin, kaya nga ngayon pa lang nag-iisip na ako ng mga puwede pang gawin para mas lumago yung kinikita ko sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iniisip ko nga na mag-put up ng business para in the future kapag mag-aasawa na ako at magkakapamilya at hindi na ako ’in’ sa showbiz, may iba akong puwedeng pagkakitaan at pagkaabalahan.

“At kung puwede nga si Bea na yung makatuluyan ko pagdating ng panahon na ready na ako sa lahat ng bagay.

“Kaya nga sa ngayon, gusto ko talaga na laging may trabaho, ayoko mabakante dahil nag-iipon na talaga ako para sa future. Iba kasi talaga pag may ipon ka.”

MARRYING AGE. Kailan naman kaya planong magpakasal ni Jake?

Estima niya, “Para sa akin 30 years old siguro. That time may ipon na ako, kasi pipilitin ko kasi na bago ako dumating ng 30 years old, stable na ako pag dating sa financial aspect.

“Kaya nga sabi ko ’di ba, gusto ko magtrabo nang magtrabaho kahit walang tulugan basta may work.

“Mas maganda kasi na pinaghahandaan mo yung mga ganung bagay, ’di ba? Mahirap yung sasabak ka dun tapos hindi ka pa ready, kawawa naman yung magiging pamilya mo.”

NEW ALBUM. Proud din si Jake na bukod sa mga shows niya ay ginugugulan din niya ng panahon ang kanyang pangalawang album at bagong pelikula na lalabas sa 2015.

Pahabol ni Jake, “Bukod sa shows ko na Pepito Manaloto, Strawberry Lane, Walang Tulugan with the Master Showman at Sunday All Stars, may pelikula kaming ginawa ni Bea—ang Liwanag sa Dilim na next year na ipapalabas. Next year din ilalabas yung second album ko kaya dapat abangan ng mga fans ko ’yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN