Gwendoline Ruais reveals best gift from boyfriend David Semerad: “Promise ring!”

Gwendoline Ruais (left) reveals talking about wedding plans with boyfriend David Semerad (right): “Parang napag-usapan na namin. Parang isang step before. Parang napag-usapan na naming gusto na naming magpakasal. So, alam na namin na we’ll end up with each other.”


Napaka-sweet nina Gwendoline Ruais at ng boyfriend niyang si David Semerad nang mabungaran sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules, October 1, sa Green Room ng Studio 6 ng GMA-7. Taping iyon ng Celebrity Bluff kung saan kabilang sa contestants ang Semerad twins.

Natawa nga ang Miss World 2011 first runner-up nang biruin naming mukhang sa kanyang lovelife na talaga umiikot ang buhay niya ngayon.

“Yes, it does!” pabirong sabi ni David na naunang sumagot.

Reaksiyon naman ni Gwen, “Siya din naman, e!

“Hindi. It’s just that parang… we’re happy.

“And then, when you’re happy, ’di ba, parang…” hindi na naituloy ni Gwen ang sasabihin dahil biglang hinaplos-haplos ni David ang kanyang tiyan na parang sinasabing buntis na siya.

Natatawang pagpapatuloy ni Gwen, “Huwag kang maano sa kanya. Nagdyu-joke lang ‘yan!

“Siguro dahil lagi nga kaming magkasama, siguro that’s what people think—na my life is revolving na lang kay David.

“Kasi nga, we’ve been very happy. At iba nga kasi kapag happy ka, mas gumaganda yung work mo.

“In life kasi, you have to spend your time when it comes to work and personal life. Whatever makes you happy, ’di ba, do it.

“So, happy naman ako.

“And it’s our monthsary today. Pang-20th month na namin… one year and eight months na kami.

“Working anniversary namin, so kapag ganitong nataon na may work on our monthsary, e, di work muna.

“And then you can always reschedule it for another time, ’di ba?

"We’re always together naman so it’s okay.”

Sa mga nakaraang monthsary raw nila, kapag walang schedule ng trabaho ay nakagawian na nilang magbakasyon sa resthouse nina Gwendoline sa Batangas.

“Dun kami sa Tali Beach,” ani Gwen.

MONTHSARY. Mahilig ba silang magbigay ng gifts sa isa’t isa kapag monthsary nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gwen, “Hindi na. Hindi naman kailangan na tuwing monthsary, ’di ba?

“Kasi kung monthsary, you can just imagine na every month, may gift ka.

“Pero the thing is, kung gusto naming magbigay ng gift, magbibigay kami ng gift.

"Hindi naman kailangan na kapag monthsary, ’di ba?”

Ano ang pinaka-special gift na naibigay sa kanya ni David?

“Ito!” sabay pakita ni Gwen ng diamond ring na kasama bilang pendant ng kuwintas na kanyang suot.

Engagement ring?

“Promise ring!” sabay ngiti ng beauty queen.

Nagli-live in na ba sila ni David?

“Uhm… it’s private!” tawa ni Gwen.

Pagkatapos ay sandaling nagbulungan sila na tila nag-usap kung ano ang susunod na sasabihin.

“Yeah!” pag-amin nila pareho na nagli-live-in na nga sila.

WEDDING PROPOSAL SOON? Sunud-sunod ang proposals lately sa showbiz couples. Sila na kaya ang susunod na magkakaroon ng announcement na ikakasal na rin sila?

Ayon kay Gwendoline, “My sister is engaged now. So, hindi ako puwede this year. Bawal ang getting married.”

Pero napag-uusapan na ba nila ni David ang tungkol sa kasal?

“Oo naman. Kaya nga may promise ring na ako, ’di ba?”

Ano ba ang kaibahan ng promise ring sa engagement ring?

“Parang napag-usapan na namin,” yung kasal ang ibig sabihin ni Gwen.

“Parang isang step before. Parang napag-usapan na namin na gusto na naming magpakasal.

“So, alam na namin na we’ll end up with each other.

“Pero we’re still young.

"Like I said, ate ko muna. Kapag nagpakasal na siya, puwedeng ako na!"

MISS WORLD PHILIPPINES. Sa October 12 na ang Miss World-Philippines 2014 pageant. Masaya raw si Gwen na may partisipasyon siya rito.

“Ako yung official Q&A [question and answer] at catwalk trainor ng mga candidates.

"At ako rin ng magiging anchor sa coronation night on October 12 na mapapanood sa GMA.

“This year’s batch is very ano… everybody has her own style. May mga mestisa at may mga morena beauties.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba-iba ang personalities. Iba-iba ang looks.

“So there’s a lot of varieties which is really good, na parang you can really see all the different types of Filipinas.

“Among the candidates, meron din akong bet, pero ayokong sabihin kung sino.

“Kasi hindi naman ako ang judge, ako ang trainor nila.

“So, to be fair, ’di ba?

“I mean, they are all really nice and I really enjoyed training all of them.

“I look at them as parang my little sisters, na I’m just helping.

“Wala naman akong favoritism. I like all of them because they are all really nice.

“Pero siyempre, having experienced the international pageant, medyo I know who can make it internationally and who can’t.

“But that’s all. Wala pang favorites kasi lahat sila mga little sisters ko.”

Hindi ba mahirap para sa magiging representative ng Pilipinas this year sa Miss World na manalo dahil ang reigning titlist nito ay si Megan Young, ang first Pinay to win the crown?

Kumbaga, pambihirang mangyari na ang magkasunod na winner ay mula sa iisang bansa.

Sagot ni Gwendoline, “Well, it has happened to other countries in different pageants, ’di ba?

"Like sa Miss Universe, Venezuela tapos Venezuela ulit.

“But the thing is, it’s not really about that. If it’s meant for you, it’s meant for you.”



GREAT HONOR. Kahit hindi naiuwi ni Gwen ang Miss World crown nang lumaban siya noong 2011, maituturing na malaking karangalan na rin ang naibagay niya para sa bansa nang makapuwesto siya bilang first runner-up.

Bago si Gwen ay dalawa pa lang ang naging runner-up sa nasabing beauty contest na mula sa Pilipinas.

Ang una ay si Evangeline Pascual na naging first runner-up din noong 1973, at si Ruffa Gutierrez na naging second runner-up naman noong 1993

Saad niya, “I feel honored. I went there to represent the Philippines and it was such an honor for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And the support of all the Filipinos is so overwhelming.

“So I’m very grateful and happy for the experience.”

May plano ba siyang manood ng Miss World 2014 pageant na gaganapin later this year?

“I’m not sure yet, because this year, it’s in London.

“Actually, I can go. It depends if my family decides to spend the holidays in Paris or in the Philippines.

“Kasi if it’s in Paris, it’s just one train ride away and I can go to London. So, madali lang.

“Pero it all depends on my family. Because the holidays are for the family, ’di ba?” ani Gwen.

HAPPY WITH RESPECTIVE CAREERS. Bukod sa masaya at matatag na estado ng relasyon nila ni David, natutuwa raw si Gwendoline na maganda rin ang takbo ng kani-kanilang career.

Ayon kay Gwen, “Kakapasok lang ni David sa PBA. Barako Bull ang kanyang team.

“Ako naman, I’m doing a lot of things din ngayon.

“May bago akong blog, it’s called Beauty Queen Secrets. It’s at www.gwenruais.com.

“So, ’andiyan lahat. Sini-share ko ang lahat ng mga secrets na natutunan ko in showbiz at sa beauty pageant… lahat.

“So, hindi lang siya about fashion. Meron ding tungkol sa beauty, sa fitness, meron ding health… lahat.

“So, lahat ng mga natutunan ko na mga sikreto na puwedeng makatulong sa mga babae, sini-share ko diyan.

“’Tapos naghu-hosting pa rin ako sa mga events.

"’Tapos ngayon nga, nagti-train ako sa mga Miss World-Philippines candidates.

“Siyempre nagmu-modelling pa rin ako. Bumalik ako sa modelling kasi nami-miss ko.

“So, ngayon, ginagawa ko lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN