Heart Evangelista changes her mind about having a baby

Heart Evangelista on having a baby after her wedding: "Because coming from dun, may nahanap sa akin na cyst last year, parang ngayon na I’m so thankful na na-clear na ako, made me realize na huwag ko nang isipin ang sarili ko. Isipin ko din ang maging anak ko ngayon na healthy’ng-healthy ako, it would be best talaga to have a child earlier. So, iniisip ko, thirty-one or thirty-two, parang puwede na."


Nagbago ang desisyon ni Heart Evangelista pagdating sa pagkakaroon ng anak pagkatapos nilang magpakasal ni Senator Chiz Escudero sa susunod na taon.

Pagkatapos mag-propose sa kanya ni Senator Chiz sa Sorsogon noong Agosto, nagpahayag si Heart na ayaw muna niyang mabuntis.

Tantiya niya, mga limang taon pa bago siya mabuntis dahil gusto muna niyang magkaroon sila ng panahon sa isa’t isa.

Pero pagkatapos magpa-checkup ni Heart kamakailan, nagbago ng isip ang Kapuso actress.

Paliwanag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Last year kasi meron silang nakitang cyst sa labas ng uterus ko. So, I was under observation.

“Although it was not a hindrance for me to have a baby.

“Itong huli ko na punta, na-clear na ako dun.

“Pero binigyan niya ako ng briefing na, ‘You know, you should be careful. You should really think to have a child earlier because madaming mga puwedeng mga complications, mga ganyan.’

“And because coming from dun, may nahanap sa akin na cyst last year, parang ngayon na I’m so thankful na na-clear na ako, made me realize na huwag ko nang isipin ang sarili ko.

“Isipin ko din ang maging anak ko ngayon na healthy’ng-healthy ako, it would be best talaga to have a child earlier.

“So, iniisip ko, thirty-one or thirty-two, parang puwede na.”

Twenty-nine years old na ngayon si Heart.



BACK TO WORK. Natuwa naman daw si Senator Chiz—na magdiriwang ng kanyang ika-45 kaarawan sa October 10—sa pagbabago ng desisyon ni Heart dahil gusto raw talaga nitong magkaroon sila ng baby.

Ayon sa 29-year-old actress-TV host, “As much as possible, gusto talaga niyang magkaroon agad ng baby na parang nae-excite din siya.”

May dalawa nang anak si Senator Chiz mula sa kanyang unang asawa na si Christine Flores.

Ayon pa kay Heart, hindi niya alam kung mabubuntis siya agad dahil balik-trabaho sila agad pagkatapos ng kasal sa February 15, 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa raw silang napag-uusapang honeymoon.

Saad ni Heart, “Busy siya, e, hindi pa break nun [sa Senado].

“Saka after ng wedding ko, magsu-soap na yata ako.

“I’ve heard na I’ll be doing something with Star Cinema na parang Tanging Ina, na parang ganun yata.

“May dalawang movies yata akong isu-shoot.”



WEDDING PREPARATIONS. Pinagkakaabalahan pa rin ni Heart ang paghahanda sa kanilang kasal at, so far, nabuo na raw nila ang wedding entourage.

Hindi pa raw niya puwedeng sabihin kung sino ang mga napili nilang ninong at ninang, pero nabuo na nila ang 15 pairs ng principal sponsors.

Ang bridesmaid daw niya ay 14 pairs din, at meron pa raw junior groomsmen and bridesmaids.

Maid of honor daw niya ang kapatid na si Camille Ongpauco at ang dalawa pa niyang kapatid na babae ay matrons of honor naman.



HEART’S PARENTS. Hanggang ngayon ay hindi pa masabi ni Heart kung makakadalo ang mga magulang niya sa kanyang kasal, dahil sinasabi raw ng daddy niyang si Rod Ongpauco na hindi pa rin sila handang ihatid siya sa altar.

Pero medyo involved na rin daw ang mommy niya na si Cecile Ongpauco sa paghahanda sa kasal.

Nasa Amerika ngayon ang ina ni Heart, at sinasabi raw sa kanya nitong naghahanap siya roon ng sapatos na bagay sa kanyang wedding gown.

“Medyo may ganun na siya na involvement, which is good.

“Pero on the day itself, hindi pa rin natin alam kung ano…” tila alangang pahayag ni Heart kung makakadalo ba ang kanyang mga magulang sa kasal niya.

Ang daddy raw niya ang hindi pa talagang handang makita siyang ikakasal, kaya hindi sila makapangakong makakarating sa araw ng kasal nila ni Senator Chiz.

“Sabi ng daddy ko, kami na muna daw ang unahin na maayos namin ang relationship namin na father and daughter, before anything else.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang sa kanya, ang sabi niya, hindi pa rin daw.

“Hindi pa rin siya handa na makita ako sa wedding. Kaya the answer is still no.

“Nag-joke pa nga siya sa akin na gumawa na lang daw ako ng standee niya na may wheels daw.”

Kaya gusto man daw ni Senator Chiz na sundin ang tradisyon na may pamamanhikan, hindi pa raw nila alam kung puwede na.

“Okay naman kami, pero sinasabi pa niya [Heart’s dad], hindi pa rin.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nakakausap ng senador ang mga magulang ni Heart.

Saad pa ng Startalk co-host, “Kinakausap niya ang mga sisters ko kung paano siya, you know, maka-one step forward.

“Pero sabi ng daddy ko, okay na yun. Okay na raw kami magpakasal.

“May blessing na siya na magpakasal, hindi na raw na makapamanhikan.

“Kumbaga, may approve na raw na magpakasal.

“Kaya lang, hindi pa raw siya handa na makita ang buong picture.”

Hindi pa rin naman daw nawawalan ng pag-asa si Senator Chiz. Nandiyan pa rin ang pagnanais nitong makapamanhikan, at sana raw ay mangyari yun.

“Siyempre, hindi ko naman mapilit ang lahat at baka malagot,” nakangiting sabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN