Nova Villa admits relationship with late sister Tia Pusit was not perfect

Nova Villa on her "tampo" with late sister Tia Pusit: “Young pa siya sa showbiz, palagi ko siyang pinagsasabihan. Nagkataon naman na she was discovered sa showbiz, magaling naman siyang talaga, sa comedy. Gina-guide ko lang siya. Noong ma-reach niya ang kasikatan, parang na-ignore na niya ako. Yun ang tampo ko sa kanya. Yun ang sinasabing may gap daw kami.”


Aminado ang veteran actress na si Nova Villa na hindi naging perpekto ang relasyon nila ng yumao niyang kapatid na si Tia Pusit—o Myrna Villanueva sa totoong buhay.

Pumanaw si Tia Pusit noong October 2 dahil sa kumplikasyon na resulta ng kanyang kidney illness at aortic aneurysm.

Kuwento ni Nova, sa panayam ng The Buzz sa kanya sa burol mismo ni Tia Pusit, “Young pa siya sa showbiz, palagi ko siyang pinagsasabihan.

“Nagkataon naman na she was discovered sa showbiz, magaling naman siyang talaga, sa comedy. Gina-guide ko lang siya.

“Noong ma-reach niya ang kasikatan, parang na-ignore na niya ako.

“Yun ang tampo ko sa kanya. Yun ang sinasabing may gap daw kami.”

Nabalita nga na diumano’y may tampuhan o magkaaway silang magkapatid.

Pero paglilinaw ni Nova, “Hindi kami nag-aaway, pero kapag nagkikita kami, gagawin niya, there was a time na she embraced me, ‘Ate, sorry…’ sabi niya.

“She didn’t hear anything from me, because hindi ako palatanim, e.

“Masaya, masaya kami, no problem.

“Kung anumang problem ang dumating sa buhay niya, ke ito ay pagsubok na malaki, tumatayo siyang mag-isa.

“Parang pinu-prove na lang niya sa amin na kaya ko ‘to. At we have a good relationship.

“So, ang role ko na this time, everytime I go there [sa ospital], every other day, ako ang nagpapakain sa kanya.

“Kapag aalis na ako, nakatingin sa akin, makulamlam ang mata. ‘Love you, Meng, love you.’ ‘Love you, ‘te.’”

Ibinahagi rin ni Nova ang naramdaman niya sa huling sandali ni Tia Pusit.

“Hindi na cried, para sabihin mo pang, ‘I’m sorry for all the things I’ve done for you. Sorry ate, ha, sa mga kasalanan ko, sa mga nagawa ko sa ‘yo.’

“No, the gesture is enough. Tumutulo yung luha kong ganun kasi yun ang love.

“Now I know what love is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang sa huling sandali, yun ang naibaon ni Meng, especially sa aming dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN