Jessy Mendiola denies Colombian student is her boyfriend; says she and ex JM de Guzman remain friends

Jessy Mendiola finds her role in The Trial such a challenge that she needed an acting coach to help her through the difficult scenes.


Sa live interview ni Jessy Mendiola sa The Buzz kahapon, October 5, tinanong siya kung magkaibigan pa rin sila ng dating boyfriend na si JM de Guzman.

Sagot niya, “Yes, we are friends.”

Hindi ba sila nagkabalikan?

“No, just friends,” nakangiti niyang sabi.

Kumusta naman sila ni Sebastian Lopez, ang Colombian national na nakilala ni Jessy sa Boracay at sumunod sa kanya nang magbakasyon siya sa Jeju Island sa South Korea?

Sagot niya, “He’s studying, he’s very busy.”

Kailan sila huling nagkausap?

“Two days ago!” natawang sabi ni Jessy.

Sila na ba?

“No.”

Pero nililigawan siya?

“Kind of,” pag-amin ni Jessy.

Naging mag-MU (mutual understanding) ba sila?

“No,” nakangiti pa rin nitong sagot.

Nagsabi ba ito na babalik sa Pilipinas para ligawan siya?

“Yes, sabi niya babalik siya.”

THE TRIAL. Samantala, nagkaroon ng katuparan ang pangarap ni Jessy na makatrabaho si John Lloyd Cruz sa pagsasama nila ngayon sa pelikulang The Trial.

Nasabi ni Jess dati na nasa “bucket list” niya ang makatrabaho si John Lloyd.

“Totoo po, crush ko siya dati pa."

Kuwento pa niya, “Palagi ko siyang pinapanood, Maging Sino Ka Man days pa, ’tapos One More Chance.

"Pero nasa showbiz na po ako nun.

"Sabi ko, sana may possibility na makatrabaho ko siya.

"And I’m very lucky na this early, nakatrabaho ko siya.”

Paano sila nakakagawa ng eksena na kasama ang crush niya?

“Sabi nga nila, ’Naiilang ka ba? Natatakot ka ba?’

"Kinakabahan ako, more on kinakabahan," sabi ni Jessy.



DIREK CHITO. May isyung lumalabas na sinigawan daw siya ni Direk Chito Roño sa shooting. Totoo ba ito?

Paglilinaw ni Jessy, “Hindi po, malakas lang talaga ang boses ni Direk Chito kasi Waray, e.

“Siya yung, tatawagin niya ako, ’Darling, halika rito.’

"Lalapit ako, ’Kailangan maramdaman pa natin.’

"Ganoon si Direk Chito.”

Paano siya minu-motivate ni Direk Chito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He doesn’t motivate us. He let us do what we want us to do.

"But he explains everything what he wants in the scene.

"When you nail it, siya pa ang unang papalakpak, ’Very good.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN