Paulo Avelino willing to work with ex LJ Reyes: "Basta maganda lang ang istorya."

Even on the set of Sana Bukas Pa Ang Kahapon, Paulo Avelino will not confirm that he is being ribbed by Bea Alonzo about KC Concepcion. "Wala... Siya rin naman, kung anu-ano ang kinukulit ko sa kanya."


Nagpapasalamat si Paulo Avelino kay LJ Reyes, dati niyang girlfriend at ina ng kanyang four-year-old son na si Ethan Akio, dahil sa magagandang salita nito tungkol sa kanya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay LJ sa presscon ng pelikulang The Janitor noong nakaraang linggo, ipinagmamalaki nitong isang "loving father" si Paulo sa kanilang anak na lalaki.

Nang makausap naman ng PEP ang Kapamilya actor sa thanksgiving presscon ng ABS-CBN primetime series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon, nakangiti niyang ibinalik kay LJ ang pasasalamat.

Bungad ni Paulo, "Thank you, thank you naman.

"Sa akin kasi, ang importante, more than anything, ay kung ano ang nararamdaman nung bata.

"Happy ako na mas gumaganda ang relasyon namin ni LJ ngayon.

"Kumbaga, anything tungkol sa bata, wala kaming hindi pinag-uusapan."

Sa panayam kay LJ, sinabi nitong okey lang sa kanyang ipakilala ni Paulo ang kanilang anak kay KC Concepcion, na nali-link ngayon sa aktor.

Ito ay kung sa tingin niya ay long-term ang magiging relasyon ng dalawa. Pero kung hindi raw, huwag na lang, dahil baka maguluhan lang ang bata.

Sinabi rin ni LJ na turuan na lang ni KC na mag-French si Aki dahil English lang ang kaya niyang ituro sa kanyang anak.

Reaksiyon ni Paulo tungkol dito, "Thank you, thank you kung ganun.

"And kahit naman siguro kung sino man ang makatuluyan ko o makasama ko habambuhay, ganun din naman siguro ako sa kanila.

"’Pag nahanap na niya [ni LJ] ang taong para sa kanya at makasama niya rin habambuhay, I’ll be giving her the same support.

"She’s giving me that support and I’ll do same sa kanya."

Handa na rin daw si LJ na makatrabaho si Paulo pati na si KC, kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Sa parte ng aktor, handa na rin ba siyang humarap sa kamera kasama ang dating kasintahan at ina ng kanyang anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis na tugon ng StarStruck alumnus, "Yeah, wala namang problema sa akin.

"’Pag maganda ang project, why not naman, ’di ba?

"Pero mukhang malabo lang ngayon kasi... basta maganda lang ang istorya."



SON AKI. Ano naman ang mga bagay na ginagawa ni Paulo para mapasaya ang kanilang anak kapag sila ang magkasama?

Tugon ni Paulo, "Si Aki, ’di naman kasi masyadong maselan ang bata.

"Masayahin naman ang anak ko, kaya hindi mahirap para sa akin.

"Sa ngayon, sinisigurado ko na ’pag may ginagawa siya o naglalaro siya, lalo ko siyang pinapasaya.

"And I make sure na meron siyang natututunan na values.

"Bilang ama, siyempre yun ang gusto ko, yung lumaki na full of good values si Aki."



CAMARADERIE. Sa puntong ito ay inalam namin kay Paulo ang nabanggit niyang lagi siyang inaasar sa set ni Bea Alonzo habang nagti-taping sila ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

May kinalaman ba ito kay KC?

Natatawang sagot ng Kapamilya actor, "Wala, talong-asar lang ako sa kanya.

"Siguro sobrang comfortable na kami sa isa’t isa, kaya kaya na naming magbiruan nang ganyan.

"Siya rin naman, kung anu-ano ang kinukulit ko sa kanya."

Sobrang mami-miss nga raw niya ang samahan nila ng kanyang leading lady sa set dahil malapit nang magwakas ang kanilang teleserye.

"Yeah, yung camaraderie namin ni Bea, nina Kuya Albert [Martinez], ni Ms. Dina [Bonnevie], Zsa Zsa [Padilla], Kuya Tonton [Gutierrez].

"Lahat mahuhusay, lahat napakababait na tao.

"When we’re around the set, mas marami yung usap namin kaysa sa scenes na ginagawa namin.

"We talk about food, about life, and yun siguro ang pinaka na-enjoy ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN