Emilio Garcia cries foul over Erik Matti’s issue with Lovi Poe

Emilio Garcia’s lament: "Talagang nagkakaroon ng konting alitan, pero ayusin na lang sa loob. Huwag nang ibulgar, maging responsible tayo. Dahil ang social media, ultimo bata, nababasa ‘yan.”


Nagpahayag ng kanyang saloobin ang aktor na si Emilio Garcia tungkol sa isyung kinasasangkutan ng talent manager na si Leo Dominguez, si Lovi Poe, at ang direktor na si Erik Matti.

Magkasama sina Emilio at Lovi sa pangangalaga ni Leo, habang si Erik ang direktor at co-producer ng horror-comedy franchise movie na The Aswang Chronicles.

Nakapagbitiw ng salita si Direk Erik na hindi na niya kukunin sa anumang proyekto ang mga artistang mina-manage ni Leo, partikular na si Lovi.

Ito ay dahil sa pagtanggi diumano ng Kapuso actress na mag-shooting para sa sequel ng The Aswang Chronicles, ang Kubot.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Emilio sa press conference ng GMA afternoon series na Ang Lihim Ni Annasandra, tinanong ang aktor kung ano ang reaksiyon niya sa pahayag ni Direk Erik.

Director Erik Matti lambasts Lovi Poe for refusing to shoot Aswang Chronicles sequel

Read more at: http://www.pep.ph/news/44747/director-erik-matti-lambasts-lovi-poe-for-refusing-to-shoot-aswang-chronicles-sequel
Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook
Director Erik Matti lambasts Lovi Poe for refusing to shoot Aswang Chronicles sequel

Read more at: http://www.pep.ph/news/44747/director-erik-matti-lambasts-lovi-poe-for-refusing-to-shoot-aswang-chronicles-sequel
Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on FaceboSi Emilio ay isa sa matagal ng talent ni Leo kaya masasabing damay siya sa isyu.

Sabi niya, “Marami namang director, e.”

Nakatrabaho na raw niya si Direk Erik noon.

“Matagal na rin yun, may teleserye rin ako na nakatrabaho siya, mga dalawa o tatlo lang.

"Well, Erik Matti is okay na director, okay naman siyang makisama.

"Pero sana, kung ano yung naging gulo nila ni Lovi Poe, sana hindi siya nandadamay ng ibang talents.

“Hindi niya dapat sabihan o lahatin. Kasi, paano naman ang aming pinagsamahan na maayos?

"Ngayon, kung sinasabi niya na ang talents ni Leo ay hindi niya kukunin, okey lang naman. Ganoon talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakaramdam ba siya ng pagkainis na pati silang ibang talents ay nadamay?

Sagot ni Emilio, “Well, mali, e, mali na sa social media ay magsalita ka ng hindi magagandang pananalita sa kapwa mo.

"Lahat naman nagkakaproblema at lahat naman ay napag-uusapan nang maayos.

"Paano kung maging maayos kayo ulit? Nakapagsalita ka na ng hindi maganda.

“Sa opinyon ko, bilang artista, wala akong maisip kung sino ang mali sa kanilang dalawa.

"Pero parang mali kung ikaw ang mangunang magsalita ng hindi maganda sa kapwa mo katrabaho.

"Na tayo nga na nandito ay dapat na nagtutulung-tulungan, nagpapakisamahan.

“Pero para sirain mo pa at magsalita nang hindi maganda, at lalahatin mo kung sinumang talent na hawak ni Leo Dominguez, parang mali naman yata yun.

"Paano naman ang na-invest namin na maayos na pakikisama? Hindi na kami puwedeng magsamang dalawa?”

HER PROBLEM. Kinausap ba sila ni Leo noong lumabas ang isyung ito?

“Hindi naman, kasi problema siguro ni Lovi Poe yun, sila lang ang dapat mag-solve nun.”

Pero nadamay na sila?

“Nadamay na nga, pero para sa akin, hindi dapat.

"Paano kung meron kayong malalim na pagsasama,’ di ba?

"At saka yung mga words kasi na ginamit niya, napaka-foul, below the belt.

"Yun ba ay tama na gamitin, unang-una.

"Kapitan ka ng isang palabas, ikaw ang director, ikaw ang nagko-control ng lahat.

"Ikaw ang may mahabang pasensiya.

“Sa tingin ko, mali ang reaksiyon niya dun.

"Kasi, gawain lang ng isang taong nagpapapansin yun o isang tao na kulang sa pag-iisip.

"May ibang tao nga, kahit anong lait na ang sinasabi, ang maririnig mo sa kanya, maayos pa rin.”

BE RESPONSIBLE. Sa nangyari, ang simpatiya niya ba ay na kay Lovi o sa palagay niya ay may naging pagkukulang din ito?

Ayon kay Emilio, “Well, pare-pareho nating kasama sa industriya.

"Maaari talagang nagkakaroon ng konting alitan, pero ayusin na lang sa loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag nang ibulgar, maging responsible tayo.

"Dahil ang social media, ultimo bata, nababasa ‘yan.”

Nakakaramdam ba siya ng galit kay Direk Erik?

Tugon ng aktor, “Wala akong dapat na ikagalit sa kanya dahil hindi naman kami ang nag-away.

"Naging maayos naman ang aming pagsasama noong kami ay may ginawa.

"Hindi personal na galit.

"Galit in a sense na yung responsibility mo bilang director, maglagay ka ng ganoong salita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN