Rocco Nacino reveals why Lovi Poe cried on meeting Sara Bareilles in Singapore

Rocco Nacino on surprising girlfriend Lovi Poe with a meet-and-greet with Sara Bareilles: “It’s a different feeling doing something for your loved one, making someone happy… That’s part of being in a relationship, making your loved one happy and feel special. Happy ako na ma-effort akong tao, pati ako nagugulat ako sa sarili ko.”


Umalis si Rocco Nacino kasama ang kasintahang si Lovi Poe patungong Singapore noong October 1 para sa concert ni Sara Bareilles at bumalik agad sila ng October 4.

Paboritong artist ng Kapuso actress si Sara Bareilles, at nang malamang magkakaroon ng concert ang American singer-songwriter sa Singapore, hindi pinalampas ni Lovi ang pagkakataong mapanood ang kanyang idol.

Kinikilig na ikinuwento ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na successful ang ginawa niyang sorpresa para sa girlfriend.

“She was really surprised, napaiyak siya.”

Naging emosyunal daw si Lovi dahil sinabi niyang hindi tuloy ang meet and greet nila ni Sara Bareilles backstage.

“So, if you check her Instagram, mugto ang mga mata niya sa kakaiyak.

“Sobrang na-touched nga ako, e. Grabe, natuwa nga ako sa kanya.

"Tahimik siya, na-starstruck siya.

"Sabi ko, ’Babe, ask her questions, talk to her.’

"Tumatango lang siya, ako na lang ang nagtanong.

"Kinumusta ko si Sara Bareilles kung ano ang next plans niya.

“And she was [Lovi] really happy. She hugged me after and said thank you.

"She wasn’t expecting it, sabi ko mahigpit yung management, niloloko ko siya.

"E, nakiusap ako sa promoters days before when we were emailing each other from Singapore na tuloy na talaga."

Nakapanayam ng PEP si Rocco nitong Linggo, October 6, sa GMA Studios bago matapos ang live airing ng Sunday All Stars.



MEET AND GREET. Paano niya nakuha ang contact details ng promoters ni Sara sa Singapore?

Lahad ni Rocco, “We started talking nung nagkamali ako ng details sa concert niya.

"Mali yung na-book kong date—October 2 instead of October 1.

“October 2 kasi ang nakalagay sa website… may glitch doon sa website.

“So, bayad konti para i-rebook yung flight, inayos naming lahat, nai-set din.

“I started e-mailing her [promoter]. Naglakas-loob na ako na kung puwede niya akong tulungan to get better seats.

’’’Tapos, sabi ko, ’Do me a biggest favor kung makukuha natin na makita ni Lovi sa backstage si Sara, meet and greet.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi number one fan siya, okey sa kanya.

“But then, sinasabi ko kay Lovi na hindi tuloy, na hindi payag yung management.

“So, nang nangyari [yung meet and greet], umiyak talaga siya.”

Alam ba nng promoter from Singapore na mga artista sila sa Pilipinas?

Sabi ni Rocco, “Nalaman ng promoter nung tsinek nila yung Twitter namin, bakit daw ang daming followers namin.

“Sinabi ko she’s an artist and I’m actor here in the Philippines.

"We took time out from our busy schedules to visit Sara, sana matulungan niya kami.

“So, yun, nagawan ko ng paraan and I feel happy na nakapag-effort ako ng ganito.”



MAKING HER HAPPY. Ano ang pakiramdam na napasaya niya nang husto ang isang taong mahal niya?

Sagot ng Kapuso actor, “It’s a different feeling doing something for your loved one, making someone happy…

"That’s part of being in a relationship, making your loved one happy and feel special.

“Happy ako na ma-effort akong tao, pati ako nagugulat ako sa sarili ko.”

Ano naman ang ibinalik ni Lovi sa kanya bilang pasasalamat?

“A, of course, tinadtad niya ang mukha ko ng kiss.

"She kept saying thank you and she made me feel special, she really appreciated it.

“And to hear something like that from your loved one, siyempre nakakatuwa.”

Ipinakita ni Rocco ang isang larawan nilang tatlo nina Lovi at Sara Bareilles kasunod ng pagsasabing mugto na raw ang mga mata ng girlfriend niya noong mga sandaling iyon dahil sa pag-iyak.

Sabi ni Rocco, “I’ll be glad to do more things like this for her.

“It was a fun trip, well-deserved rest from all the busy schedules sa mga tapings namin.”

GIVING BACK. Pagdating naman sa kanyang fantasy-adventure movie na Ibong Adarna, masayang ibinalita ni Rocco na nakakatanggap sila ng magagandang reviews mula sa mga kritiko at sa mga nakapanood na ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong Linggo, pagkatapos ng Sunday All Stars, dumiretso na si Rocco sa Robinson’s Galleria para sa special screening ng pelikula nila at i-treat ang 100 students na hindi kayang bumili ng movie tickets.

Nagpaliwanag si Rocco kung bakit hindi siya dumating sa premiere showing ng Ibong Adarna at lumabas tuloy na parang inisnab niya ang sariling movie event.

“Oo nga, ang totoo talaga, kailangan kong tapusin ang mga scenes ko for Hiram Na Alaala.

"Kasi the next day, pumunta ako ng Singapore.

“So, kailangang tapusin ko yung mga scenes ko. I had to fulfill my commitments.

“I felt bad pero ito [movie treat for kids], this is one way of paying back them.

"Kasi ang laki ng nai-contribute rin ng National Press Club, babawi ako sa anniversary nila this October."



FIT AGAIN. Makakabalik na uli sa dati niyang fitness routine at martial arts training si Rocco ngayong magaling na ang kanyang tuhod na nagkaroon ng problema.

Sabi ni Rocco, “My knees are back to one hundred percent, pang-fifteen years old na siya uli.

“I had to thank Empire Regenative Medicine sa may Il Terrazo, they’re the once who took care of me.

"I’m endorsing them na rin, I’m glad I’m endorsing Empire.

“They’ll go check my shoulders naman kasi may problema rin ang shoulders ko.

“So, lahat ng tears ng ligament ko, they’re all healed na in a matter of four days.”

May ilang buwan nang balisa si Rocco sa kanyang injury dahil nabawasan ang routine ng kanyang workout at maging ang training niya sa martial arts.

Bago natapos ang buwan ng September nag-post si Rocco ng kanyang mga photos sa Facebook na kuha sa isang clinic at tila ginagawan siya ng isang medical procedure.

Dito sinabi ni Rocco na malaki ang chance niyang gumaling at bumalik sa normal ang kanyang tuhod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nito ngang linggo, inalam namin sa Kapuso actor kung ano ang ginawa sa kanyang injuries.

Kuwento niya, “Ano siya, platelet rich plasma therapy.

“Kumuha sila ng dugo sa akin, in-infuse with their plasma technology.

"And they put it back doon sa affected areas like in my knees... kasi yung knees ko may punit na, e.

"Saka yung ligaments ko, kalahati na lang, sumasayad na yung buto ko, nauubos na yun.

“Kumbaga, pang-40 years old na yung buto ko kaka-training.

"Jujitsu, judo, weight training, running… bugbog na bugbog na siya.

“After that, nung tsinek na uli namin, wala na yung mga punit ko, all my joints are pang-15 years old ulit.

“Investment talaga siya. I think aabutin siya ng three to four hundred thousand pesos.

Hindi siya sumailalim sa isang major knee surgery?

“Hindi, outpatient lang. Pumunta ako doon ng three o’clock, lumabas na ako ng 5 o’clock.

“So, puwede na akong mag-training. Getting healed lang talaga before I start training again.

"Pero siyempre, mag-iingat na rin ako this time.

"Masakit, I was always in pain.

"Natakot ako na baka tuluyan nang ma-ACL [anterior cruciate ligament injury] na ako, going there na pala.

“Na-realize ko na when your’re feeling pain, it’s best to go to a medical professional talaga para maagapan kaysa magsisisi sa huli.

“I learned the hard way na prevention is better than treatment.

“Ngayon, easy na ako sa mga workout ko, dapat tama ang ginagawa dahil kung hindi, nabubugbog ang katawan.”

FAMILY CRISIS. Hindi pa naman sigurado, pero mukhang matatagalan pa raw bago makapag-out of the country vacation ulit sina Rocco at Lovi.

Nai-share ng aktor sa PEP na may karamdaman ang kanyang lola sa father side at kailangan niyang mag-ipon para tumulong sa pagpapagamot dito.

“Na-diagnose yung lola ko... I don’t know if it’s confirmed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero may mga malignant cells na sa bone niya, she’s close to ninety years old na, e.

"So, sabi ko, I’m gonna help the family with all the bills, for the therapy.

“So, may ordeal kaming pinagdadaanan.

"Medyo nasira yung mood ko sa Singapore.

"But then, Lovi was there to lift me up and cheer me up.

“Nakakalungkot kasi parang cancer na naman.

"Sabi ko nga, I’m gonna do my part.

"’Pag wala akong taping, dadalawin ko siya to make sure na positive yung pakiramdam niya.

"Para ma-promote yung healing.

"She’s undergoing chemotherapy na, we’re praying a lot.

"Tigil mun ako sa gastos para mabayaran ko yung hospital bills niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN