Piolo Pascual keeps promise to son Iñigo: “When you’re 18, that’s the only time I’ll get into a relationship.”

Would Piolo Pascual propose to a girl publicly? He answers, “For me, my life has been so public—all my life or more than half of my life. If it happens, parang magiging selfish muna ako para sa sarili ko.”


Bagamat madalas napapanood ngayon sa telebisyon ang binatang anak niyang si Iñigo, tiniyak ni Piolo Pascual na hindi ito senyales ng pagpasok nito sa showbiz.

Ayon kay Piolo, ang paglabas-labas ni Iñigo ay bahagi ng promotion ng indie film na ginawa nito noong nakaraang taon, ang Relax, It’s Just Pag-ibig, na idi-distribute commercially ng Star Cinema.

“Usapan lang namin kasi pelikula lang. Tanga-tanga ko naman na pumayag kasi sabi nila walang promo!” natatawang sabi ni Piolo nang makausap siya ng entertainment reporters sa press conference para sa taunang SunPiology Run ng Sun Life, kahapon, October 6.

Patuloy niya, “I realized din when they told me na, ’Paano kikita yung pelikula kung hindi magpo-promote?’

"Ini-screen ko naman lahat yung mga guesting niya."

Iginiit din ni Piolo na hindi pa puwedeng maging regular sa showbiz ang kanyang unico hijo.

Sabi ng Hawak Kamay actor, “Hindi pa puwede ang showbiz, kasi nga, nag-aaral pa yung bata, e.

“Ang usapan namin is after high school or after he’s 18.”

Hindi rin daw siya aprubado sa madalas na paglabas sa showbiz ni Iñigo.

Katuwiran ni Piolo, “Once he has the taste of it, hindi na mag-aaral.

“Parang for me, make sure na you prioritize your studies. Puwede naman niyang balikan, e.”



NO GIRLFRIEND ’TIL IÑIGO IS 18. Isa pa umano sa napagkasunduan nilang mag-ama ay ang pag-iwas muna ni Piolo na magkaroon ng karelasyon hanggang sa mag-18 years old si Iñigo, na mangyayari sa susunod na taon.

Saad ng Kapamilya actor, “When he’s 18, puwede na.

"Kasi nga, I kinda broke his heart before because I promised him something and I didn’t do it.

“So, after that, sabi ko, ’I’m keeping my word, up until you’re 18, that’s the only time I’ll get into a relationship.’

“So, whatever I choose, whoever I choose, when the time comes, ako pa rin ang makikisama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin tungkol sa pag-aasawa, sinabi ni Piolo na maaaring ilihim niya sa publiko kung sakaling mag-propose siya sa babaeng kanyang gustong mapangasawa.

Sabi niya, “Kapag ganun, I don’t know, siguro when I get there, parang that’s one thing I wanna keep.

“Hindi naman itago, pero you wanna savour the moment, ’di ba?

“It’s not that I wanna share it, pero siguro ie-enjoy ko po muna yung sa akin. I just don’t want it in public”

Dagdag na paliwanag pa niya, “For me, my life has been so public—all my life or more than half of my life.

"If it happens, parang magiging selfish muna ako para sa sarili ko.”

Kung sakali, sabi ni Piolo, “Makikita at makikita naman po ’yon.

“Pero parang if I wanna get married, I want it sa ibang bansa, intimate.

"I think I owe it to myself."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN