Jennylyn Mercado insists she and ex-boyfriend Dennis Trillo are just friends

Bagamat aminado si Jennylyn Mercado na mas sikat ang Kapamilya stars sa abroad, satisfied naman daw ang Kapuso actress sa naging pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy sa London nang mag-show siya roon.


Balik-trabaho ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado matapos ang halos dalawang linggo niyang concert tour sa Europe noong kalagitnaan ng buwan ng Setyembre.

Una siyang sumabak sa trabaho sa Sunday All Stars noong Linggo, October 5, mula nang bumalik siya ng Pilipinas.

Dito eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn.

Ipinaliwanag ni Jennylyn kung bakit hindi siya bumalik agad sa trabaho pagkagaling niya sa Europe.

“Kasi yung jet lag, e. Iba yung nagagawa niya sa katawan natin, e.

“Iba yung time. Minsan nakakahilo.

“Hinintay ko munang mag-subside yung jet lag ko saka ako nagtrabaho.”

Kuwento naman ni Jennylyn sa kanyang tour sa Europe, “Show yun. Meet and greet [sa Pinoy fans], picture-taking, sponsors meet...”

Bago pa umalis si Jennylyn, nasabi niya sa amin kung gaano siya ka-excited sa tour na ito. Inaasahan din daw niyang makakapagbakasyon siya doon sa gitna ng kanyang shows.

Kinumusta ng PEP sa Kapuso star kung nagawa niyng umikot sa mga lugar na pinuntahan niya.

Saad niya, “May mga times na ganun, pero saglit na saglit lang.

“Nakapag-shopping naman nang konti, pero konti lang.”

Paglilinaw pa ni Jennylyn, “Hindi siya bakasyon, e.

“Nakakalungkot dahil hindi ko na-enjoy. Hindi ako nakapagbakasyon talaga.

“So, nagtrabaho lang talaga ako.”

PINOYS ABROAD. Kumusta ang naging pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino doon?

Sabi ni Jennylyn, “Okey naman. Nag-enjoy naman sila.

“Happy ako kasi parang… sabi ko nga, hindi siya bakasyon, e. For me, it is a commitment.

“Masaya ako kasi, lalo na yung mga matagal na hindi nakakauwi ng Pilipinas, kapag nakakakita sila ng mga galing Pilipinas na kumakanta ng OPM… yung mga kantang na-miss nila sa Pilipinas.

“Happy ako dahil nag-enjoy sila sa nagawa ko, sa pag-e-entertain ko sa kanila.”

Ano ang reaksiyon ni Jennylyn sa mga komento na kapag Kapuso artists ang nagsu-show sa abroad ay hindi raw ito masyadong kinakagat, kumpara sa Kapamilya stars na mas sikat daw sa ibang bansa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumang-ayon naman dito si Jennylyn.

Aniya, “Yes, totoo ‘yan. Kasi mas covered ng ibang channel yung ano, ‘di ba, lalo na yung TFC [The Filipino Channel ng ABS-CBN].

“Pero okay naman.

“I can say na okay naman yung acceptance nila. Nakakasabay sila sa kanta.

“So, happy ako sa crowd.”

Ano naman ang pakiramdam na yung ibang Pinoy sa abroad ay sa mismong show lang siya nakita at nakilala?

Sagot ni Jennylyn, “Okey lang. Happy naman ako.

“At least, nakapagpakilala ako sa kanila at nakanta ko yung mga kinalakihan nila. Yung mga OPM songs na alam kong alam din nila.

“Alam kong nag-enjoy naman sila.”



DENNIS TRILLO. Wala raw nagpalipad-hangin kay Jennylyn habang nagsu-show siya sa London.

“Boring, ‘no?” bulalas niya.

Wala ba talaga siyang lovelife ngayon?

“Wala, wala…” sagot ni Jennylyn.

Bakit hindi yata matapus-tapos ang balita tungkol sa diumano’y pagbabalikan nila ng ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo?

Saad ng 27-year-old actress-singer, “Hindi ko nga rin alam, e.

“Siguro dahil may duet kami sa album ko. Yun lang yun.

“Wala na akong makitang ibang dahilan, e.”

Wala ba silang constant communication ni Dennis?

Pahayag ni Jennylyn, “Nagpasalamat lang ako sa kanya dahil sa ginawa niya para sa album ko. That’s it.

“Magkaibigan naman kami, e. Medyo matagal na rin kaming okay.

“Friends kami. Yun lang naman ang importante, magkaibigan kayo.”

Hindi ba sila lumabas on a date pagkatapos ng recording?

“Nag-dinner lang kami saglit ‘tapos wala na.”

Madalas sabihin ni Jennylyn sa interviews na wala siyang binabalikang ex-boyfriend niya.

Ibig sabihin, walang chance na balikan niya si Dennis kung sakaling manligaw uli ito sa kanya?

Saad niya, “Sa ngayon kasi, wala sa isip ko, e.

“Wala namang history, so wala.

“Wala pa rin sa isip ko, so wala.

“Ewan ko, hindi ko alam… pero hindi pa ako handa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung magpakita ba ng interes si Dennis na ligawan siya uli, posibleng balikan o bigyan niya ito ng pagkakataon?

“Hindi ko pa alam.

“Kasi sa ngayon, talagang tutok na tutok ako sa trabaho, sa sarili ko.

"Alam naman nila, family, career. Yun lang, sa ngayon.

“May laban ako, e, next month sa triathlon. Isa sa Subic, isa sa Bataan... sa TriMac pa rin.”

Kasama pa rin pa ba niya sa team si Benjamin Alves?

Ayon kay Jennylyn, “Hindi siya marunong mag-swim, e. So, I guess, hindi siya kasali.

“Ang ginagawa lang niya, running. Recently, nagba-bike siya.

“Hindi siya nagta-triathlon talaga.”



SINGLE LADY. Kuntento naman daw si Jennylyn sa katayuan niya ngayon bilang single.

Ano ang kaibahan ng pagkakaroon ng karelasyon at pagiging single?

Tugon niya, “Malaki ang difference kasi nagagawa mo lahat ng gusto mo, hindi nahahati ang oras mo.

“Kumbaga, yung oras mo, planado sa family, planado sa career, sa sarili ko. Naka-schedule ‘yan every week.

“’Pag natatapos ako nang maaga [taping o shooting], sisiguraduhin ko na makakatakbo pa ako pagkatapos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN