Director Chito Roño on Cedric Lee: "Alam natin ang kakayahan niya. Alam na namin kung ano ang mga koneksiyon niya."

Chito Roño on seeking justice for talent Vhong Navarro: “Minsan kinu-question mo, kinukuwestiyon mo talaga yung justice. I mean, ang sinasabi ko na lang kay Vhong, ‘Vhong, ang justice system natin dito, isipin mo na lang si Ampatuan, 53 ang pinatay, nailibing na, hindi pa nasesentensiyahan hanggang ngayon. Nasa trial pa rin.’ Parang..... hindi ko alam kung ano pa ang kailangan nilang ebidensiya. Parang, utang na loob, ganito ba talaga ang justice


Habang ginagawa ng direktor na si Chito Roño ang pelikula niyang The Trial, uma-attend din siya ng mga pagdinig kaugnay ng mga kaso ng talent niyang si Vhong Navarro.

Matatandaang kabi-kabila ang mga kaso at reklamo na inihain ni Vhong kaugnay ng pambubugbog sa kanya ng grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo noong Enero ng taong kasalukuyan.

Kasabay rin ito ng pag-aakusa sa aktor ng panggagahasa diumano sa tatlong kababaihan—sina Deniece, Roxanne Cabañero, at Margarita Fajardo.

Pawang ibinasura na ang mga reklamong panggagahasa laban sa aktor.

Kumusta si Direk Chito sa mga panahong iyon na may ginagawa siyang pelikula habang sinusuportahan si Vhong sa mga pinagdadaanan nito?

“Nawiwindang ako,” malungkot na sabi ng direktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Patuloy niya, “Ayoko nang isipin. Kasi kung iisipin mo pa, parang pinaglalaruan ka ng Diyos.

“Na December pa ito ginagawa, first shooting day namin, e… hindi naman first shooting day, teka… first week ‘ata.

“Pero yung eksena namin noon na imi-meet si Gretchen [Barretto] ni Vivian [Velez], kasi kinuha siyang psychiatrist, kaharap yung abugado… yung lawyer nila, lawyer ni Jessy [Mendiola].

“Nung araw ding yun, habang papunta ako sa set, tinatawag ako ni Vhong para sabihin sa akin na may nangyari sa kanya na hindi maganda.

“So, habang nagsu-shooting kami, hindi ako maka-shoot. Hindi talaga ako maano…

“Kasi siyempre, ano, e, walang visual, e.

“Tawag pa lang. Wala akong idea. Basta nasa ospital daw siya.

“Isa yun sa hindi ako mapakali.

“Ayokong i-pack up ang shooting kasi nandodoon na lahat sa set… pero lutang ako.

“Habang nagsu-shoot ako, tawag ako nang tawag.

“’Tapos biglang, ‘Kailangan ko ng abugado,’ gumanun siya [Vhong].

“So, doon mismo sa set na yun, hiningi ko ang pangalan ni Alma Mallonga.

“Dahil si Alma Mallonga, lawyer ni Gretchen.

“’Tapos nalaman ko Siguion-Reyna [law firm], o, di tinawagan ko ang… kasi siyempre mga kaibigan ko naman ang mga tao rin doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang nag-swak-swak yun. Kaya at the end of the day, may lawyer na siya!

“Pero ang ending, tinapon ko yung buong eksena.”

Bakit niya itinapon ang nakunang eksena?

“I was not myself,” pag-amin ni Direk Chito.

“Maaapektuhan ka pala nang grabe. Apektado ako nang bonggang-bongga.

“Yung utak mo, ginagawa mo nang tama, pero sa totoong buhay, ginagawa mo lang para matapos.

“Kasi parang ang utak mo, parang gustong tumawid.”

Dagdag niya, “Naintindihan naman ako ng Star Cinema.

“May cost na, pero hindi naman malaking-malaki. Tatlong artista lang naman yung nandoon.

“Pero wala kang magawa, e. Kasalanan mo ba?

“Papunta na ako sa set, nangyari yun. May magagawa ba, may mababago ba ako?

“Kahit na umalis ako [sa set], babayaraan mo. ’Andodoon na yung mga camera, naka-parking na doon.

“Ayun na nga, e, habang nagku-court scene kami, nagku-court scene din sila.”

Naweirduhan ba siya sa sitwasyon?

Sagot ni Direk Chito, “Hindi, naano na ako, e… parang na-psyche ko na huwag ko nang isipin. Nag-focus na lang ako sa project.”

THE ACCUSED. Sumasama pa rin ba siya sa mga hearing ni Vhong ngayon?

“Hindi na. Kasi nga, winarningan na ako na baka pag-initan ako ng mga alam mo na... lalo na nakalabas ang kampon niya.”

Hindi nagbigay ng pangalan si Direk Chito, ngunit ang tinutukoy niya ay ang mga akusado sa serious illegal detention case na isinampa ni Vhong—sina Cedric Lee, Zimmer Raz, at Deniece Cornejo.

Nakakatanggap ba siya ng death threats?

“Sa awa ng Diyos, wala naman akong natatanggap,” sagot ng direktor.

Ano ang reaksiyon niya sa pansamantalang paglaya ng grupo nina Cedric?

“Minsan ganoon talaga,” buntung-hininga ni Direk Chito.

“Minsan kinu-question mo, kinukuwestiyon mo talaga yung justice.

“I mean, ang sinasabi ko na lang kay Vhong, ‘Vhong, ang justice system natin dito, isipin mo na lang si Ampatuan, 53 ang pinatay, nailibing na, hindi pa nasesentensiyahan hanggang ngayon. Nasa trial pa rin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang..... hindi ko alam kung ano pa ang kailangan nilang ebidensiya.

“Parang, utang na loob, ganito ba talaga ang justice system dito sa atin? Na talagang walang… walang sense of justice?”

Ano ang sabi ni Vhong sa paglaya ni Cedric?

“Wala, this is the only system we have. We have to believe in it.”

Sa ngayon ba ay doble ang security ni Vhong?

“Hindi ko naman sinasabi, but I think the security people would know better than me.”

Ano ang reaksiyon ni Vhong sa dialogue ni Cedric paglabas nito ng kulungan na: “It’s showtime!”’

Pahayag ni Direk Chito, “Siguro, parang nung sinabi niya na ‘it’s showtime,’ parang na-tense lahat, ‘di ba?

“Pero wala naman siyang sinabi sa akin. Hindi ako nagtatanong ng mga ganyan.

“Kasi ang feeling ko, it’s a threat.

“Alam natin ang kakayahan niya. Alam na namin kung ano ang mga koneksiyon niya.

“Kung saan-saan umaabot ang galamay niya, alam na namin.”

Natatakot ba sila kay Cedric?

“Hindi takot sa kalaban. Kundi takot sa… mahirap itong sabihin, e, kasi hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin, kasi ang dami niyang kayang gawin."

Ano ang state of mind ni Vhong ngayon?

Ayon kay Direk Chito, “Actually, ngayon meron siyang trial.

“Hindi ko pa siya nakakausap. Ka-text ko siya, e, sabi ko magpi-presscon na ako.

“Pero mas nakaka-cope na siya ngayon kesa nung una na natu-trauma siya.

“Nung una, ayaw niya talagang ma-meet ang mga taong ‘yan face to face.

“May kabog talaga siya. Natu-trauma siya kapag nakikita.

“He has to face.

“Sinabi ko naman, e, that’s part of… kapag nagdemanda ka, you have to face the accuser, ‘di ba?

“Kasi parang kailangan, kahit na anong kaso, ‘di ba, kailangang magtapang-tapangan ka?

“Kailangan harapin mo yung ina-accuse mo, yung gumawa sa ‘yo.

“‘Di ba, yung pinakaano nga niyan, e, rapist. Minsan yung mga batang ni-rape, ihaharap pa rin talaga siya sa nang-rape sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi our court is… I don’t know. Our justice system is weird,” pailing-iling na sabi ni Direk Chito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN