Janine Gutierrez celebrates birthday with new GMA contract

Janine Gutierrez on her blooming acting career: “Siguro po, parang everything’s falling into places lang. Kaya nagpapasalamat ako kasi maraming blessings na dumarating.”


Naging makabuluhan ang 25th birthday ni Janine Gutierrez noong October 2 nang muli siyang pumirma ng kontrata sa GMA Network.

Unang ipinaalam ang muling pagpirma ni Janine sa Kapuso network nang i-post ng ina niyang si Lotlot de Leon sa Facebook ang mga larawang kuha sa contract signing ng aktres.

Dito ibinahagi ni Lotlot ang kasiyahan niya sa panibagong oportunidad na natanggap ng anak sa istasyon.

Sinabi rin nitong napakaganda ng natanggap na regalo ni Janine nang muli itong papirmahin ng bagong kontrata.

Ayon naman kay Janine, bagamat alam na niya ang magiging kaganapan noong birthday niya ay hindi pa rin niya maiwasang masorpresa.

“Alam ko na yung pagpirma ko. Napag-usapan na rin namin ni Mama at nasaktuhan lang na nangyari yun sa birthday ko… masaya lang talaga.”

Itinuturing din niyang magandang regalo ang pagpapahalaga muli ng GMA sa kanya bilang exclusive talent nito.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa GMA Studios noong Linggo, October 5.



BIRTHDAY TREAT. Nabanggit din ni Janine sa PEP na nagkaroon siya ng birthday treat sa Tahanang Walang Hagdan bago pa sumapit ang kanyang kaarawan.

Inorganisa raw ito ng kanyang fans at inimbitahan daw siyang makibahagi rito.

Natuwa naman daw ang dalaga sa kakaibang experience na naranasan niya kasama ang fans at mga residente ng nasabing institusyon.

Ano naman ang regalo ni Janine para sa kanyang sarili? Niregaluhan din ba siya ng kanyang mga magulang na sina Lotlot at Ramon Christopher?

“Waley!” sambit niya.

“Actually, hindi pa nga kami nakakapag-celebrate talaga kasi nag-taping din po ako.

“’Tapos si Mama, busy rin siya sa taping ng Hiram Na Alaala kaya hindi pa rin kami nakakapag-celebrate nang husto.”



REAPING THE FRUITS OF HER LABOR. Tila ngayon ay inaani na ni Janine ang pagsusumikap niya upang mabigyan ng pansin ang kanyang potensiyal bilang aktres.

Ipinaalala namin kay Janine ang pagiging emosyunal niya bago pa siya nagbida sa afternoon soap na Villa Quintana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos kasi siyang lumabas sa primetime series na Makapiling Kang Muli noong 2012, naguguluhan si Janine kung saan patungo ang kanyang karera.

Hindi pa nga naiwasang mapaluha siya noon nang tanungin tungkol sa kanyang TV career.

Nang magtagumpay sa ratings ang Villa Quintana at nagkaroon ng following ang team-up nila ni Elmo Magalona, biglang nagkaroon ng liwanag ang acting career ni Janine.

Tumawa nang malakas si Janine nang maalala ito at sinabing, “Siguro po, parang everything’s falling into places lang.

“Kaya nagpapasalamat ako kasi maraming blessings na dumarating.”

Malaki ba ang tulong ng Villa Quintana para mapansin ang kakayahan niya bilang aktres?

Sagot ni Janine, “Opo, kasi po yun po ang una kong palabas.

“Saka marami rin po akong natutunan doon.

“Kaya nagpapasalamat talaga ako sa GMA dahil pinagkatiwalaan na naman nila ako sa bagong project.

“And sana maging successful yung show.”



ELMO MAGALONA. Naging matagumpay rin ang team-up nila ni Elmo.

Pagkatapos nga ng Villa Quintana ay magbibida sila uli sa teleserye na More Than Words.

Pahayag ni Janine tungkol dito, “Masaya lang talaga ako na may project kami uli na magkasama.

“Siyempre, nagkasama kami nang matagal sa Villa Quintana. So, hindi na kami nagkakailangan or kung anuman.

“So, pareho lang namin gustong galingan para maging successful yung More Than Words.”

Ngunit bukod sa kanilang professional team-up, alam ng marami na mas malalim pa ang kanilang samahan ngayon.

Nangingiting reaksiyon ni Janine, “Siyempre, sa kahit na anong loveteam, mas magiging madali [yung trabaho] kung kaibigan mo talaga yung ka-loveteam mo, para mas natural.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN