Phoemela Baranda approves of Manolo Pedrosa for daughter Nichole

Phoemela Baranda on daughter Nichole: "I think, for Nichole, she’s really more of an actress. She wants to be an actress talaga, and also in her own way, she’s expressing herself in fashion."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Phoemela Baranda sa “Women’s Secret” launch na ginanap sa Grand Hyatt Manila Residences Sales Gallery, sa Bonifacio Global City, noong October 7.

Dito ay kinumusta namin sa kanya ang relasyon nila ng anak niyang si Nichole, ex-housemate ng Pinoy Big Brother All In.

Saad ni Phoemela, “We’re having mother-daughter problems, we’re having our mother-daughter bonding... normal din.

"Pero, as of now, we’re going through that stage na, siyempre, I’m trying to discipline her.

"Kasi ako naman, I’m trying to be a good mom.

"Normal, normal problems, normal happenings."

Pagdating naman sa showbiz career ng anak, katulong ni Phoemela ang Star Magic sa pagtutok kay Nichole.

Tiwala raw siya sa pag-aasikaso ng talent arm ng ABS-CBN sa anak.

“I let Star Magic handle it naman,” ani Phoemela.



NICHOLE AND MANOLO. Nababalita namang nanliligaw na raw kay Nichole ang co-housemate nito sa PBB ni si Manolo Pedrosa.

Boto ba si Phoemela kay Manolo?

Sagot niya, "Okay naman ako with Manolo, ’cause nagkasama sila sa PBB and I know how Manolo is naman.

"Pero siyempre, kung may opportunities sa work, work muna sana. Sayang naman yung work."

Nakikita rin daw ni Phoemela na susunod sa yapak niya ang anak pagdating sa modelling, pero gusto rin daw talaga ni Nichole maging isang ganap na aktres.

“Nowadays, everyone tries to express themselves, especially on Tumblr, Instagram, Vimeo, mga ganun.

"So, I think, for Nichole, she’s really more of an actress.

"She wants to be an actress talaga, and also in her own way, she’s expressing herself in fashion."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN