Melissa Mendez does not want Fabio Ide’s girlfriend near her granddaughter

Melissa Mendez on forgiving Michelle Pamintuan, girlfriend of Fabio Ide: "Tao lang tayo para magpatawad, basta sincere ang paghingi niya ng sorry. Pero after all that happened, mahirap na rin na basta ka na lang magtiwala, ‘di ba? Basta hindi siya puwedeng lumapit sa apo ko. Para na rin ito sa ikatatahimik ng anak ko, ng apo ko, at ng pamilya namin."


Tahimik lang ang aktres na si Melissa Mendez nang lumabas ang balita tungkol sa pag-amin ng Brazilian-Japanese model-actor na si Fabio Ide na siya ang ama ng five-month old daughter ng panganay na anak ni Melissa na si Denisse Oca.

Read: Fabio Ide admits fathering Denisse Oca’s daughter; Fabio’s girlfriend posts hurtful comments

Bagamat nagkaroon ng hindi magandang pangyayari sa pagitan ni Denisse at sa kasalukuyang girlfriend ni Fabio na si Michelle Pamintuan, hindi muna nakialam si Melissa dahil gusto niyang maayos nila ito nang tahimik para na rin sa kanyang apong si Danielle.

Pahayag ni Melissa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Never naman akong nagsalita pa nang buo regarding the issue between my daughter and Michelle.

“Noong sinagot ko lang yung accusation ni Michelle sa akin, yun lang ‘yon at nanahimik muna ako.

“Kasi sa pagkakaalam naming lahat, even before this all happened, yung pag-amin ni Fabio and everything, it was okay with Michelle.

“Nag-uusap naman kami.

“Si Denisse, nag-uusap sila. Nag-explain na sa kanya si Fabio.

“So, all the while, alam namin na natanggap na niya ang lahat.

“Pero nakakagulat lang, noong lumabas na nga ang pag-amin ni Fabio na siya yung ama ni Danielle, dun na biglang may mga sinasabi na si Michelle.

“Nakakawindang lang kasi pati ako idinamay niya.

“Marami siyang mga hindi magagandang sinabi about me, my daughter, at pati na sa apo ko.

“Parang hindi na tama yung manahimik na lang ako, ‘di ba?”

Nakausap ng PEP si Melissa sa isang event sa Quezon City noong October 6, Lunes.



MICHELLE’S ANGER. Ipinabasa sa amin ni Melissa ang text messages na ipinadala sa kanya ng girlfriend ni Fabio.

Nalungkot daw dito si Melissa dahil all the while pala ay may kinikimkim itong galit sa kanila kahit na maganda na ang pagtrato nila rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ng aktres, “For the past five months, bago nga nangyari ito, okey kaming lahat.

“Maayos kausap si Michelle. We actually treated her like family.

“Si Denisse and Melissa kasi, they have the same group of friends kaya nagkakilala sila.

“They are not actually barkada, pero magkakilala sila.

“Open naman ang anak ko na makipag-ayos at makipag-usap para lang walang problema.

“She did just that with Michelle at alam yun lahat ni Fabio.

“Natuwa nga ako at nagpasalamat pa ako sa Diyos dahil naging okey na ang lahat sa kanilang tatlo.

“Kaya nga noong maganap yung dedication ni Danielle, lahat kami masaya.

“Hindi namin alam na hindi pala magugustuhan ‘yon ni Michelle.”

Nag-react nang hindi maganda si Michelle pagkatapos i-post ni Melissa sa kanyang Instagram account ang mga kuha niya sa dedication ng kanyang apo kasama sina Fabio at Denisse.

Para kay Melissa, wala siyang ginawang masama dahil proud siya sa moment na iyon.

Saad pa niya, “Nagtanong nga ako sa ilang mga kaibigan ko kung mali ba ang ginawa kong pag-post ng photo na iyon.

“Lahat naman sila nagsabi na walang masama dahil apo ko naman daw iyon at kailangan maging proud ako sa pagkakataon na iyon.

“Nakakagulat lang yung reaction ni Michelle dahil buong akala namin ay okey na sa kanya, wala siyang sama ng loob.

“Yun pala, deep inside her heart ay may galit siya sa amin at pati ang apo ko ay pinag-isipan niya nang masama.

“Nakapagbitiw siya ng salita na hindi katanggap-tanggap para sa aming lahat.

“Kaya ganun na lang ang sama ng loob ko kay Michelle kasi ang ganda ng ipinakita ng buong pamilya namin sa kanya.

“I just pray na mapagsisihan niya ang mga nasabi niya.

“We are all praying for her na magkaroon siya ng open mind and an open heart to fully accept everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa nangyaring iyon, it only proves na hindi pa pala niya matanggap ang lahat.”



THANKFUL TO FABIO. Nagpapasalamat naman si Melissa kay Fabio dahil mabilis itong kumilos para ipagtanggol ang kanyang anak at apo kay Michelle.

“Natuwa ako kay Fabio kasi he came up to me and apologized sa mga nasabi ni Michelle sa amin ni Denisse at sa apo ko.

“Nagulat din nga si Fabio na pati siya ay idinamay ni Michelle sa galit niya.

“Fabio does not wish anything bad na mangyari sa anak nila ni Denisse.

“Nakaka-touch nga si Fabio dahil sobra siyang nag-sorry sa amin ni Denisse kahit hindi siya ang may kasalanan.

“Patunay lang kung anong klaseng lalaki si Fabio—he’s responsible at alam kong kaya niyang ipagtanggol si Denisse at baby nila.”

Bilib naman si Melissa sa kanyang anak na si Denisse dahil handa raw itong ipaglaban ang kanyang pamilya mula kay Michelle.

Sa ipinadala ngang mensahe ni Denisse kay Michelle, ipinakita nitong palaban na siya dahil hindi siya makakapayag na may manakit sa kanyang anak.

Saad ni Fabio, “Proud ako kay Denisse dahil ang laki na ng ipinagbago niya.

“Tahimik lang ‘yang anak ko, mabait, at palakaibigan.

“Pero oras na makanti ang pamilya namin, handang makipaglaban ‘yan.

“Lalo na ngayon at ang baby niya ang pinag-iinitan ni Michelle, makikipaglaban siya nang husto.

“Doon ko na nakita ang pagiging protective ni Denisse bilang ina.

“Nasabi nga niya sa akin, naging matapang siya dahil nakita niya ang mga pinagdaanan ko noon.

“Ngayong isang mother na rin siya, gagawin daw niya ang ginawa ko noon sa kanila.

“She will protect her daughter with her life sa kahit na sino at hindi siya natatakot kay Michelle.”

Wala raw iba pang demands si Denisse kay Fabio. Tama na raw yung inamin nitong siya ang ama ng baby niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Melissa, “Kung ano ang usapan nila ni Fabio, it’s between them na.

“Hindi na ako makikialam sa arrangements nila with Danielle.

“Basta ang alam ko lang, walang ibang hinihiling pa si Denisse kay Fabio.

“It’s enough daw that Fabio admitted that he is the father.”



NOT TAKING CHANCES. Ngayon daw ay tumahimik na si Michelle, pero ayaw pasiguro ni Melissa kaya todo ang bantay nila sa anak ni Denisse.

“We are not taking chances. Hindi namin alam ang puwedeng mangyari, ‘di ba?

“We are praying for guidance and protection. Na walang masamang mangyari sa apo ko.

“Nandiyan naman si Lord para protektahan kaming lahat.

“Napagkasunduan namin na hindi puwedeng makalapit si Michelle sa apo ko.

“We don’t want her near Danielle. Tama lang naman siguro ‘yon,” pahayag niya.

Paano kung mag-apologize si Michelle sa kanila? Mapapatawad ba nila ito?

Sagot ni Melissa, “But of course. Tao lang tayo para magpatawad, basta sincere ang paghingi niya ng sorry.

“Pero after all that happened, mahirap na rin na basta ka na lang magtiwala, ‘di ba?

“Basta hindi siya puwedeng lumapit sa apo ko.

“Para na rin ito sa ikatatahimik ng anak ko, ng apo ko, at ng pamilya namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN