Jon Lucas confirms Daniel Padilla keeping his distance from friends after audio scandal

Jon Lucas to Daniel Padilla: “Kung ano man ang pinagdadaanan mo, kaya mo ’yan... ’Pag kailangan mo ng kaibigan, nandito lang kami. Basketball na tayo ulit, ha?"


Apektado raw si Jon Lucas sa payo kay Daniel Padilla na mag-lie low muna ito sa kanyang barkada, sanhi ng kontrobersiyang dulot ng isang audio-video message na ipinagkalat diumano ng isang kaibigan ng Kapamilya teen star.

Read: Daniel Padilla admits authenticity of audio-video recording; Jasmine Curtis Smith admits exchanging text messages with Daniel

Isa sa matalik na kaibigan ni Daniel si Jon, at ayon sa Star Magic talent ay hindi na nakakapag-text back o sumasagot sa tawag niya ang teen idol.

Pati raw ang weekly basketball nila kasama ang iba pa nilang mga kaibigan ay naputol na.

Pahayag ni Jon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakakalungkot kasi simula nang lumabas yung audio scandal, matagal-tagal na rin kaming hindi nagkakasama.

“Kung dati, almost every week nagkikita-kita kami para mag-basketball, ngayon wala na talaga.

“Iniintindi na lang namin, kasi nga, siguro nag-iingat na siya.

"Kahit sinong tao siguro ang gawan ng ganun, at alam mong kaibigan ang gumawa, mag-iisip at mag-iingat ka na rin talaga.

“Apektado lahat kaming mga kaibigan niya, kahit hindi kami yun.

"Damay kami kasi hindi naman niya naisip na kaya palang gawin ng kaibigan niya yun."

Patuloy niya, "So, naiintindihan namin kung isipin niya rin na baka kaya din naming gawin yun.

“Pero sa ibang kaibigan namin, yung talagang close niya, malabong gawin yun.

"Kasi, may mga personal na bagay na para sa amin lang, hindi puwedeng ilabas.

“Siyempre, sa magkakaibigan, tiwala yung mahalaga.

"Kumbaga, bakit gagawan mo ng masama ang kaibigan mo lalo na’t mabait sa ’yo?

"Mabait pa naman si Daniel kaya nga kahit kami nag-iisip kung bakit ginawa ng kaibigan niya yun."

Kuwento pa ng Star Magic talent, limitado na rin ang imbitasyon ni Daniel sa mga kaibigan nito.

“Si Daniel kasi mahilig mag-invite ng mga kaibigan kapag may free time siya.

"Magba-basketball lang ’tapos kuwentuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun na yung bale bonding ng mga kaibigan niya."



CHANGES. Hindi raw kilala ni Jon ang tinutukoy na naglabas ng audio-video recording ni Daniel, kung saan pinag-uusapan nila ang pagti-text sa kanya ng TV5 actress na si Jasmine Curtis Smith.

Ayon kay Jon, “Sa ibang group yun na mga kaibigan ni Daniel.

“Si Daniel kasi, masyadong mabait.

"Kapag kinaibigan mo siya, mabait ka at okey ka naman sa group, kasama ka na."

Pero dahil nga raw sa audio scandal, nabago na ang lahat.

“Malaki talaga yung pagbabago.

"Kasi ilang beses ko na ring tini-text si Daniel, pero katulad ng sabi ko kanina, wala siyang reply.

“Pero nakakausap ko naman yung mga ka-band niya.

"Sinasabi nila sa amin na busy lang daw si DJ kaya hindi nakaka-reply.

"Iti-text na lang daw kami kapag may laro."

Sa November 16 nga raw ay may charity basketball game sila sa Mall of Asia Arena kung saan si Daniel mismo ang pumili ng mga maglalaro.

"Mostly mga kaibigan niya.

"Kaya baka doon pa lang kami magkita ulit kung matutuloy," ayon pa kay Jon.



NO PROBLEM. Wala naman daw tampo ang mga kaibigan ni Daniel.

Sabi ni Jon, "Naiintindihan naman namin siya.

"Alam ko na nag-iisip-isip lang si Daniel sa mga nangyari.

“Kahit yung ibang mga kaibigan namin, hindi rin naman nagtatampo.

"Kasi alam naman naming kung ano yung mga nangyari.

"Alam namin na nagpapahinga lang si Daniel at balik-basketball na ulit kami lahat."

Mensahe pa ni Jon kay Daniel, “Hi, bro! Dito lang kaming mga kaibigan mo.

“Kung ano man ang pinagdadaanan mo, kaya mo ’yan.

"Basta katulad ng sabi ko, ’pag kailangan mo ng kaibigan, nandito lang kami.

“Miss na namin yung pagba-basketball natin. Basketball na tayo ulit, ha?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN