Dingdong Dantes prefers modern way of staging a stag party

Dingdong Dantes on his feelings about upcoming wedding to Marian Rivera: “Iba yung pakiramdam, e. Alam mo yung kapag may proyekto ka, may pelikulang natapos, parang sobrang ano ka, sobrang gusto mong i-promote, gusto mong gawin. ‘Eto, yung pakiramdam, incomparable. Sa ngayon, wala pang kaba, wala pang anything. Hindi ko alam… first-timer ako, e.”


Sa halip na wedding jitters, mas nangingibabaw raw ang excitement na nararamdaman ni Dingdong Dantes sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Marian Rivera.

Saad pa niya, “Siguro, towards sa malapit na, nandoon ang kakabahan ka na.

“Pero sa ngayon, I’m very happy to have efficient team behind me.

“Kasi, dahil sa kanila, it makes things easy for us.

“Iba yung pakiramdam, e. Alam mo yung kapag may proyekto ka, may pelikulang natapos, parang sobrang ano ka, sobrang gusto mong i-promote, gusto mong gawin.

“‘Eto, yung pakiramdam, incomparable.

“Sa ngayon, wala pang kaba, wala pang anything.

“Hindi ko alam… first-timer ako, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Dingdong sa stag party cum send-off party para sa kanya, noong Lunes ng gabi, October 6.



STAG PARTY. Ang salu-salo ni Dingdong kasama ang entertainment press noong Lunes ang ikalawang stag party ng aktor. Ang una ay ginanap sa Germany noong nakaraang buwan.

Pero madalas sa mga ikinakasal, parang may tradisyon na ginagawa ang groom isang gabi bago ang araw ng kasal nito.

Ayon kay Dingdong, “Sa eve ng wedding, usually yung mga groom, aalis, they go to a hotel… ako, baka ibahin ko siya.

“Hindi ko pa alam, pero baka ibahin ko siya.

“Hindi naman yung tradisyunal na ginagawa.”

Sa umaga ng araw ng kasal nila, ano ang mga plano niya?

Ayon kay Dingdong, “Well, I plan to sleep and rest because I know that it’s a long time ahead.

“I’m sure, kakailanganin ko ang lahat ng energy na dapat ibigay rito.”

Kumusta naman ang stag party niya sa Germany?

Nakangiting sabi ni Dingdong, “Well, originally kasi, yung biyahe na yun was supposed to be for business dahil naplano ko pa siya, early last year pa nabili namin ang tickets.

“Nakakatuwa dahil ang mga kasama ko dun, mga pinsan ko at malalapit kong kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They arranged something for me, like, sort of a party.

“Masaya ako dahil naisip nila yun.

“Alam ko naman na ang mga ganoong party, ibinibigay yun, e.

“Hindi naman ako puwedeng kusang magganun.”

Mababait daw sila sa Germany, sabi ni Marian.

“Opo, kahit saan naman mabait talaga,” nakangiting pagsang-ayon ni Dingdong.

“Alam ko, iba na ang tradisyon ngayon. May makabagong paraan na ng stag party, to always be with friends and loved ones.

“Yun ang makabagong paraan.”

May “nagregalo” ba sa kanya ng babae sa stag party niya sa Germany?

Mabilis na tanggi ni Dingdong, “Ay, wala po, wala pong ganun.

“Sabi ko nga, alam niyo, parang ganito, ito ang makabagong stag party, time with friends, ganito.

“Para sa akin, mas gusto ko ang modern way, a party like this, at masaya na ako dun.”



MORE PRINCIPAL SPONSORS. Bago ang send-off party ni Dingdong kasama ang entertainment press, nanggaling naman sila ni Marian sa personal na pagbisita kay Vic Sotto para hilingin itong tumayong ninong sa kanilang kasal.

Kuwento ng Kapuso actor, “Siguro magmula kanina, marami-rami na rin ang nabisita namin at personal na imbitahin.

“Like, early last wek, we saw Dra. Vicki Belo.

“Kahapon, marami-rami rin po kaming napuntahan.

“Si Mother Lily [Monteverde] ay umoo na rin at kanina, si Bossing [Vic], umoo na rin.”

Lahat naman ng hiniling nilang maging ninong at ninang nila ay pumayag.

“Lahat sila ay walang tanggi kaya nga po we feel humbled and masaya po kami na ganun, na tinanggap nila ang aming imbitasyon.

“Kaya sisiguraduhin naming na personal naming mapuntahan isa-isa kung sinuman ang mga gusto naming gagabay sa aming marriage life.

“And like I’ve said, everything in this weddng is personal, pati ang pag-imbita, gusto naming personal na imbitahin.”

Hindi pa naman masabi ni Dingdong kung ilan ang aktuwal na pares ng ninong at ninang ang kukuhanin nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, I’ll reveal na lang kapag na-confirm.

“Siyempre, we have a list, pero siyempre hindi pa tayo sigurado hangga’t kumpleto na siya.”

HONEYMOON. May napag-uusapan na ba sila ni Marian kung saan sila pupunta sa kanilang honeymoon?

Ayon kay Dingdong, “Wala pa, e. Yun ang problema namin dahil January.

“Parang karamihan ng tourist destination na gustong puntahan ng karamihan, sobrang lamig.

“Kami naman, right after the wedding, since nandito ang father niya [Marian], meron kaming pupuntahan na isa sa magagandang lugar sa Pilipinas, sasamahan namin siya.

“So, technically, parang dito talaga kami, sa Pilipinas po talaga ang una naming pupuntahan.”

Mayroon na rin ba silang bahay na tutuluyan ni Marian pagkatapos ng kasal?

“I’m working on it,” sagot niya.

Kung si Marian ay nakapili na ng gagawa ng kanyang wedding gown—si Michael Cinco—sa kaso naman ni Dingdong ay isa raw sa huling aasikasuhin niya ang kanyang isusuot sa kasal.

“’Yan na siguro ang huling iisipin ko, ang mahalaga, yung kay Marian,” nakangiti niyang sabi.

Nag-food tasting na raw sila at saka na raw nila ia-announce kung ano ang menu sa reception nila.

“Very happy kami sa maio-offer sa amin at very receptive sila sa mga ideas na gusto naming ibigay. Binubuo na naming ang menu.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN