Yasmien Kurdi hurdles most challenging role as GRO: “Kasi yung body language ko, siga daw ako!”

Yasmien Kurdi is showing what it’s like to be a tough woman as she breezes through her various roles as wife, mother, actress, and magazine columnist despite being hobbled by throat problem.


Nakakapanibago ang role ni Yasmien Kurdi sa remake ng Yagit, na magsisimulang mapanood sa GMA Network sa October 13.

Isang bar girl ang kanyang karakter at talagang may mga eksenang sumasayaw siya nang sexy na parang stripteaser.

Paano ba niya pinaghandaan ang nasabing role?

“Actually, medyo nakakatawa lang siya nung ginagawa ko siya,” bungad ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng teleserye noong Martes, October 7.

Patuloy niya, “I was having fun, nai-enjoy ko yung role ko.

“Tinuruan po ako kung paano maging seductive na ganun sa eksena.

"Siyempre, sina Direk Gina [Alajar] sinasabi na kulang pa.

"Sinasabi sa akin to internalize para mapasok ko yung character.

“And that time, I was just having fun.

"Hindi naman siya masyadong nakaka-pressure.

“At first lang, nakaka-shock kasi nung sumayaw nga ako, ang daming guys.

“Punumpuno ng mga lalaki sa buong paligid, sa isang bar sa Timog kinunan yung scene.

“Nakaka-tense, pero ano naman po, okey lang.

“Malakas naman po ang ilaw so deadma lang.

“Basta nandun ako sa role ko, focused ako dun sa dancing ko kaya parang bahala kayo sa buhay ninyo!”

Dagdag pa ni Yasmien, “Yung pagka-GRO na role ko dito… gaya ng sa make-up na hindi pulidong-pulido na parang ikaw lang ang nag-make-up.

“Masaya naman po kasi tinuruan din po ako ng mga dancers ng GMA kung paano sumayaw bilang isang star dancer kunyari.”



ADVICE FROM HUBBY. Ipinagpaalam ba niya sa mister niyang si Rey Soldevilla Jr. na na may ganung requirement ang kanyang role bilang bar girl?

Sagot ni Yasmien, “Wala naman pong problema sa kanya, e.

"Natatawa lang siya. Sabi niya sa akin, ’Huwag kang siga!’

“Kasi nga po, siga akong umarte.

"Nagpapakababae na po talaga ako ngayon.

“Lagi po niyang sinasabi sa akin na konting hinhin, na landian kapag sa mga scenes na nasa bar at huwag parang siga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung body language ko, siga daw ako!” tawa pa niya.

MOST CHALLENGING. Maski si Direk Gina ay sinasabihan siyang magpaka-girl kaya masasabi raw ni Yasmien na isa ito sa most challenging role na nagampanan niya.

Pakli pa niya, "At isa sa pinaka-challenging part po ay yung sayaw nga na sexy.”

Masyadong revealing ang costume na suot niya during the sexy dance, paano siya nakumbinsi o napapayag dito?

“Bago naman po namin i-shoot yung eksena, they make sure na na-approve po yung outfit sa akin at na-fit ko po nang maayos.

“At tinitingnan po talaga namin kung komportable ako dun, kung okay na ba ‘yon sa akin.

“Although maraming shots po yata ang in-edit ni Direk Gina, kasi parang may mga nakikitang private parts o something kapag nagsasayaw ako.

"Kina-cut daw nila ‘yon kasi sa TV kailangan pa rin na ingatan yung maseselang scenes na ganun."



VOICE THERAPY. Bago ang Yagit, huling napanood si Yasmien sa Rhodora X kung saan gumanap siya bilang kapatid ni Jennylyn Mercado.

Eksaktong natapos ang taping nito nang ma-schedule siya for her throat operation noong May.

Saad ng StarStruck alumna, “Successful naman po yung operation. Okey na po ang boses ko.

“Sa tulong po ng Artist Center, nagsasagawa po ako ng voice modulation workshop therapy.

“Every week po ‘yon, every Thursday po.

“Isa po ‘yon sa sinabi ng doctor ko sa akin na magkaroon ng voice therapy dahil mali daw po ng yugamit ng boses ko.

“Mali po yung tono, kailangan daw medyo mataas ang modulation ng boses ko sa pagsasabi ng mga salita.

“Kasi minsan, hindi raw sumasakto yung voice range ko kaya nagkakaroon ng mga cyst.

“After nung operation, talagang one month po na hindi ako puwedeng magsalita, hirap na hirap po ako.

"Kasi hindi ko masabi ang gusto kong sabihin."

Ano ang mga bawal na sa kanya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bawal po yung mag-ehem, kailangan lulunok lang.

“Bawal po yung nagsisigaw o masyadong malakas ang boses.

"Kailangan galing lahat sa diaphragm.

“At saka laging magmu-modulate ng voice bago mag-start kumanta.”

VOICE TUNING. Paano na yung mga mabibigat na eksena niya sa Yagit na may sigawan?

“Bago yung scenes na ‘yon, tinu-tune ko muna yung voice ko para hindi siya mabigla sa ganung klaseng tono.

“So, kailangan mo munang i-exercise yung voice mo bago ka umabot sa ganung tones.

“Ang akala ko nga po nung una, hindi na babalik yung boses ko.

"After ng operation, yung unang salita ko, garalgal pa rin, as in grabe yung garalgal.

"Mas grumabe kesa nung before operation.

“Mga two weeks po iyon, halos wala akong boses, garalgal lahat.

“Eventually nag-heal, bumalik naman po ang boses ko sa awa ng Diyos.

“Dati kapag lulunok ako, merong parang soar throat na parang tonsilitis, hindi ko po malaman.

“Ang hirap magsalita... ang hirap po lahat.

“Buti na lang, ang GMA, binigyan ako ng one month talaga para maayos yung boses ko.”



TIME MANAGEMENT. Two years old na ang anak niya. Wala ba silang plano ng kanyang mister na magka-baby ulit?

Sagot ni Yasmien, "Wala po, e. Sa ngayon po, nag-a-undergo din ako ng treatment.

"Kasi mahirap po akong magbuntis.

“So, parang isang malaking blessing po talaga na nagkaroon kami ng isang Ayesha sa buhay namin.”

Paano niya nahahati-hati ang oras sa pagiging asawa, ina, artista, at writer para sa isang magazine?

“Madali namang hatiin ang time, kasi ang taping ko, three times a week lang.

“And kapag tengga ako sa set, dala ko yung laptop ko, dun ko na ginagawa yung column ko.

“’Tapos kunyari meron akong mga promo na pupuntahan kapag weekends, isinasama ko ang baby ko, pati sa mga out-of-town shows ko.

“Kasi kakanta lang naman ako, yung show e one or two hours, the rest of the day wala na akong gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, i-enjoy ko na lang with my baby.

“At saka imposibleng wala akong day-off.

"Nagkakaroon at nagkakaroon ako ng off from work.

“At kapag mga ganung pagkakataon, I make sure talaga na ako ang nag-aalaga sa baby ko.

"Ako yung nagluluto sa bahay.

“Ako lahat, hands-on ako talaga,” saad ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN