Zymic Jaranilla looks to older brother Zaijian for inspiration

Zymic Jaramilla says he gets acting tips from his older brother, 13-year-old Zaijian: "Nagbabasa muna ako ng script ’tapos sasabihin ko sa kanya kapag tapos na ako... tuturuan niya ako mag-acting. Kapag kasama ko po ang kuya ko, masaya po, lagi kaming naghaharutan.”


Artista na rin ang nakababatang kapatid ng Kapamilya child actor na si Zaijian Jaranilla—si Zymic Jaranilla.

Ngunit magkahiwalay sila ng network dahil si Zymic ay kasama sa cast remake ng Yagit, na magsisimulang umere sa Lunes, October 13, sa GMA Network.

Bago nag-audition para sa Yagit, gumanap na siya bilang batang Aljur Abrenica sa Prinsesa Ng Buhay Ko.

“Masaya po ako na mapasama dito sa Yagit. Natutuwa po ako talaga sa pagbibigay nila sa akin ng ganitong chance,” bungad ng 10-year-old newcomer nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng kanilang teleserye noong October 7, Martes, sa Studio 6 ng Kapuso Network.

Sa direksiyon ni Gina Alajar, bida rin dito ang mga bagong Kapuso child stars na sina Juidie dela Cruz, Jemwell Ventinilla, at Chlaui Malayao.

Mas gusto ni Zymic na sa GMA siya nabigyan ng break dahil nasa ABS-CBN na nga raw ang kuya niyang si Zaijian.

Takot siya na laging maikumpara sa kuya niya kung sa iisang network lang silang dalawa?

“Hindi naman po.

“Okey lang naman po na mapagkumpara kami.

"Proud nga po ako kapag sinasabing kapatid niya ako.

“Kilala na siya at dahil sa kanya ay nakikilala rin ako, kasi nga po magkapatid kami.”

Ano ang sabi ng Kuya Zaijian niya ngayong bida na rin siya at isa sa pangunahing artista ng Yagit?

“Medyo inaasar-asar niya po ako nang konti!” sabay tawa ni Zymic.

“Sabi niya sa akin, ’Naks, may teleserye na siya! Sisikat na siya!’"

May mga ibinigay bang payo sa kanya si Zaijian tungkol sa pag-aartista?

“Opo, huwag daw akong gagawa ng masama, ganun po.

“Huwag daw akong mang-aaway po.”

INSPIRATION. Naging inspirasyon daw ni Zymic ang kuya niya sa kanyang pangarap na mag-artista rin.

“Gusto ko rin po talaga.

"Kaya nung naging artista at sumikat na siya, mas naging gusto ko na maging artista rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino sa tingin niya ang mas guwapo sa kanilang dalawa?

“Ako po, siyempre!” tawa ni Zymic.

Sino naman sa palagay niya ang mas magaling umarte?

“Siya po.

“Tinuturuan nga po niya akong mag-acting kung minsan.

"Nagbabasa muna ako ng script, ’tapos sasabihin ko sa kanya kapag tapos na ako.

“Yun po, tinuturuan niya ako mag-acting.

“Kapag kasama ko po ang kuya ko, masaya po, lagi kaming naghaharutan.”

PLAYTIME. Very close daw silang magkapatid. Paano sila mag-bonding?

“Nagni-Nerf po kami, yung barilan po, naglalaro po kami ng computer.

“Naglalaro din po kami sa labas ng basketball,” sabi ni Zymic.

Thirteen na ang Kuya Zaijian niya. May naikukuwento na ba ito sa kanya tungkol sa mga crush-crush?

Balita kasing crush daw ni Zaijian si Andrea Brillantes, na kasama nito sa telesertyeng Hawak Kamay ng ABS-CBN?

“Hindi ko po alam,” nangiting sabi ni Zymic.

Kumusta naman ang samahan nilang mga bata sa cast ng Yagit?

“Okey naman po. Naging close kami dahil dun sa workshop po.

“May mga activities po kami, lagi po naming ginagawa ‘yon.

"’Tapos unit-unti po kaming nagkakakilala hanggang maging close na po kami.”

Sino ang pinaka-close niya?

“Si Ate Judie po, kasi po kami ang laging magkasama.

“At saka siya po ang pinakamatanda sa amin.

"At saka ako po ang lagi niyang sinusuportahan dun sa eksena po.

“Kasi po, sa stor, palagi po akong sinasaktan ng nanay ko.”

Kay Chlaui, na gumaganap na Eliza, ano naman ang masasabi niya?

“Cute po niya, nakakatuwa rin po siya kung paano magsalita.”

Baka crush niya si Chlaui?

“Hindi po, masyado pa po siyang bata.

“At saka bata pa rin po ako.”

E, si Jemwell o Tonton?

“Mahilig po siyang magpatawa. Marami po siyang jokes.”

Yung Ingleserang bata na taga-Cebu na kasama rin nila, si Steph Yamut, na gumaganap naman bilang si Tiffany.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung pag-i-English po niya nakakatuwa, na minsan po, hindi ko naiintindihan.

“Kasi po, hindi ako masyadong marunong mag-English!” tawa na naman niya.

Bakit ba Inglesera si Steph?

“Kasi po taga-Cebu siya, parang hindi yata masyado marunong mag-Tagalog.

"Kaya English na lang,” sabi ni Zymic.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN