Derek Ramsay, Angelica Panganiban face concubinage raps filed by Mary Christine Jolly

“The reason I filed it because I finally found proof stating that they actually lived together. The fact that he’s pretty much fighting me and knowing that it’s never gonna come into any kind of conclusion. I’m tired of being abused psychologically and emotionally. I’m tired of being treated this way. And men like that shouldn’t get away with it anymore," says Mary Christine Jolly (leftmost) about the concubinage complain


Pormal nang naghain si Mary Christine Jolly ng reklamong concubinage laban kay Derek Ramsay at dating girlfriend ng aktor na si Angelica Panganiban, sa Parañaque Prosecutor’s Office, ngayong araw, October 8.

Ito ay upang patunayan umano ang kasinungalingan ni Derek tungkol sa kanyang “married status” at pagsasawalang-bahala ng aktor sa kanyang obligasyon kay Mary at sa 11-taong-gulang nilang anak.

Pahayag ni Mary, “The reason I filed it because I finally found proof stating that they actually lived together.

“The fact that he’s pretty much fighting me and knowing that it’s never gonna come into any kind of conclusion.

“I’m tired of being abused psychologically and emotionally. I’m tired of being treated this way.

“And men like that shouldn’t get away with it anymore.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mary, sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, pagkatapos niyang magsumite ng kanyang sinumpaang salaysay sa Parañaque Prosecutor’s Office.

Ayon kay Mary, isa sa mga inihain niyang ebidensiya ay ang kopya ng April 2013 issue ng isang magazine na pag-aari ng ABS-CBN, kung saan idinetalye ni Angelica ang tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Derek.

Dito ay ibinunyag ni Angelica na alam niya ang tungkol sa isyung kasal si Derek sa ibang babae noon pang 2002.

Pahayag ni Mary tungkol dito, “I filed because, initially, I didn’t have concrete proof that they were pretty much living together.

“Until recently, where I read it in an article from Angelica Panganiban, stating that they actually lived in the same place for five years.”

Dagdag pa ni Mary, “My goal here is not to really attack him.

"My goal is to really show the people of this country that he’s a fraud.

“He’s lying about everything. He’s lied for eleven years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And you think with all the lies he’s coming up now, people would still believe him? Come on.”

Ang ilang bahagi ng naturang magazine article ay nailathala sa ABS-CBNNews.com noong April 2, 2013.

Sabi ni Angelica patungkol sa isyung kasal na si Derek: “Bago ako pumasok sa relationship na ito, alam ko naman ‘yan.

“At saka sa akin naman, hindi naman ako pumasok na para sirain ang family.”

Nabanggit din ni Angelica sa naturang magazine article na bukod sa pagiging “controlling boyfriend” ni Derek, ang married status umano ng aktor ang isa pang dahilan kung bakit tuluyan silang naghiwalay ng aktor, noong February 2012.

Read: Angelica Panganiban finally reveals reasons for breakup with Derek Ramsay

Matatandaang June 29, 2011 nang unang pumutok ang balitang kasal na si Derek sa isang nagngangalang Mary Christine Jolly.

Read: Derek Ramsay on rumored marriage with Filipino-Indian girl: "It’s a very personal matter."

Ang concubinage, ayon sa www.chanrobles.com, ay isang akto kung saan nagsama sa iisang bubong ang lalaking may-asawa sa kabit nito.

Sabi pa rito, "Any husband who shall keep a mistress in the conjugal dwelling, or shall have sexual intercourse, under scandalous circumstances, with a woman who is not his wife, or shall cohabit with her in any other place, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods.

"The concubine shall suffer the penalty of destierro."

“NOT A PERSONAL ATTACK AGAINST ANGELICA.” Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP kay Mary, ipinaliwanag niya kung bakit nadawit ang ex-girlfriend ni Derek sa reklamong concubinage na inihain niya laban sa aktor.

“It’s not a personal attack against Angelica.

“I don’t know how their relationship went.

"I just needed to know from her part, because she stated in her article that she knew about the marriage from the very beginning.

“So I feel, like, did Derek manipulate her into thinking that?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Or did Derek say that our marriage is not valid or legal? Or what did he do to manipulate her into thinking... That’s my perception here.

“For me, I feel like, yeah, a guy really needs to learn his lesson.

“I believe in karma. It took so long, eleven years, yeah, fine.

“But I also believe that there’s a time and place for everything.

“And now is the time for people to know that he treated me like crap from the very beginning.”

Ayon naman sa legal counsel ni Mary na si Atty. Argee Gueverra, isinumite nila ang concubinage complaint laban kina Derek at Angelica sa Parañaque dahil sa naturang lungsod nanirahan ang dating magkasintahan.

Bukod sa nabanggit na magazine article, naghain din umano ang kampo ni Mary ng ibang “public interviews” na magpapatunay na nagsama sina Derek at Angelica sa iisang bubong.

Kabilang na rito ang kontrobersiyal na Boracay photo nina Angelica at Derek na nailathala sa isang tabloid, noong 2010.

Saad ni Atty. Guevarra, “I think this is really a slam dunk case. They have made public pronouncements about co-habiting with each other.

"In fact, in an April 2013 issue of Star Studio Magazine, Angelica reveals all regarding her much-publicized six-year relationship with Derek Ramsay.

"Included in that [magazine] article is a statement where she exclaimed, ‘Oh my God! Ginawa mo akong kabit.’

“That and many numerous public interviews where they acknowledged the fact that they were co-habiting, nagli-live in [were filed as Mary’s evidence].

“And the pictures of their travels, [including] the picture of Angelica reaching out for the crotch of Derek.”

A MERE “PLOY TO HARASS DEREK.” Sa kabilang banda, nanindigan ang kampo ni Derek na ang paghahain ni Mary ng reklamong concubinage laban sa aktor ay paraan ng panggigipit ng huli sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay umano ito ng reklamong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children [VAWC] Act na inihain ni Mary laban kay Derek sa Makati Prosecutor’s Office, noong June 27, 2014.

Ito ang opisyal na pahayag na ipinadala sa PEP ng legal counsel ni Derek na si Atty. Joji Alonso ngayong araw, October 8:

“Earlier today, we were informed of an SMS being sent to various media practitioners bearing this content: ‘media advisory- mrs mary ramsay will file concubinage charges vs derek and angelica panganiban at 230pm at Paranaque prosec office -- atty argee guevarra.’

“This move is but another ploy to harass Derek to give in to her demands, since she failed in the VAWC case.

“It is also a continuing effort to try Derek by publicity.

"It is so unfortunate though that she had to drag Angel into her witch hunt.”

Sa panayam ng PEP at ibang entertainment reporters kay Derek noong September 25, kinumpirma ng aktor na hindi natuloy ang dapat sana’y “settlement” nila ni Mary.

Ito ay sa kadahilanang iba umano ang interpretasyon ng kampo ni Mary sa “trust fund” na nais sanang ibigay ng aktor para sa anak nila.

Inihayag din ni Derek na bukod sa “trust fund” ay ipinapabayad din sa kanya ni Mary ang pambayad sa mga abugado niya.

Read: Derek Ramsay reveals why proposed settlement did not push through

Kaugnay nito, sinagot ni Mary ang espekulasyong pangingikil ang motibo sa likod ng pagsampa niya ng legal complaints laban kay Derek.

Saad niya, “I think he has already stated that from the very beginning.

“I think they’ve already anticipated that we were gonna file other cases.

“Also, they stated that we’re here to pressure him...

“But at the end of the day, when you think about it in terms of the legal justice system, it’s my right though, regardless of how this stands up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He would still need to pay support for our son.

“At the end of the day, it’s pretty much a lose-lose situation for him. So, I don’t really know what he’s fighting against.”

Anu’t ano pa man, hindi umano mapagtatakpan ng anumang alegasyon ng kampo ni Derek ang tunay na ugat ng legal situation nila ng aktor.

Sabi pa ni Mary, "He abandoned his wife and kid.

"He didn’t support them. He hid them from the public for x [number of] years.

"And only until his wife sued him did he come and actually state that I am married and I have a child.

"Yes, he had to wait for me to sue him after eleven years."

ANGELICA CAMP: “NO COMMENT.” Samantala, tumangging magbigay ng pahayag ang kampo ni Angelica tungkol sa reklamong concubinage na inihain ni Mary laban sa aktres at kay Derek.

Pahayag ng legal counsel ni Angelica na si Atty. Francis Aguilar sa ipinadala nitong text message sa PEP ngayong araw, October 8:

“Angelica has no comment as of this time, as she has not received a copy of the complaint. She will respond accordingly once she sees the complaint.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN